CHAPTER 10

2315 Words
Chapter 10: Beautiful HINDI na namin hinintay pa ang magkasintahan na magising. Nang sinabi ko kasi sa engineer na uuwi na ako ay sasama na raw siya sa akin. Kaloka siya. Bakit kailangan pa niyang sumabay kung puwede naman siyang pumunta roon nang mag-isa, ’di ba? Mabilis nga lang kaming kumain ng breakfast kanina, after ko namang tinawagan si papa na uuwi rin ako ngayon at sinabi kong mag-uusap kami sa bahay. Nag-iwan lang din ako ng note kay Lyka para magpaalam. Magkikita naman kami uli. Matapos lang talaga ang hinahanda namin ng mga kapatid ko sa nalalapit na wedding anniversary ng parents namin ay saka ako babalik sa Manila. Para asikasuhin ko na ang bago kong negosyo. Tapos mayroon pa akong panibagong problema na kailangang harapin. Gamit namin ang sasakyan ng kapatid niya at naiwan ang motor ko. Wala akong choice kundi ang makinig sa kaniya na iwan na lang doon, kasi nga kasama ko siya. Ayaw naman niyang umangkas sa motor. “Ate!” sigaw ng mga kapatid ko nang makita akong umiibis mula sa sasakyan. Todo kaway pa sila at saka lumapit. “Kung makasigaw kayo parang isang taon tayong hindi nagkita, ah?” nakataas ang kilay na anas ko at pareho silang natawa. Samantala, si Collete ay yumakap sa baywang ko. “Akala namin ate hindi ka na uuwi rito. Hindi pa natin nasisimulan ang surprise natin kina mama at papa,” pabulong na sabi niya. Tiningnan ko naman ang dalawang kapatid ko. “Kailan tayo magsisimula, ate? Ilang araw na lang ang paghahanda natin. Kailangan na nating matapos agad,” ani Cy. Tumango lang ako. Iyon na nga ang dapat naming gawin ngayon. “Magsisimula na rin sila sa renovation. May sinabi na ba si papa kung saan daw tayo tutuloy?” I asked them. Mas mainam na roon na lang kami maghahanda. “Wala pa, ate. Hinihintay ka pa namin.” Si Calder ang sumagot. Napalingon pa ito sa may likuran ko. “Magandang araw, engineer,” sabay na bati nila rito. “Morning,” tipid na bati lang nito pabalik sa kanila. Sa shop ako dumiretso, dahil nandoon sina mama at papa. Agad ko silang nilapitan at nagmano. Kasalukuyan silang nakaupo, si mama ay nagbibilang ng pera niya at may calculator pang pinipindot. Si papa naman ay nagkakape. “Ang aga mo nakabalik, anak,” puna ng aking ama. “Opo. Kasama ko ang engineer. Papa, may nalaman po ako.” Umupo ako sa tapat nila. Napahinto na sa kaniyang ginagawa si mama. “Ano naman iyon, anak?” “Totoo po ba ang sinabi ni Engineer Darcy na ipinagkasundo ninyo kami ng kasal?” Sukat doon ay napangiti siya. “Oo, anak. Iyon mismo ang napag-usapan namin ni Don Brill.” Umawang ang labi ko sa gulat. Nang tingnan ko si mama ay mukhang masaya siya sa naging desisyon ng mga ito para sa amin. “But why, papa? Hindi ko naman po siya kilala talaga, kaya bakit gusto ninyong magpakasal ako sa kaniya? Mama?” “Anak, may getting to know each other stage naman. Puwede ninyong gawin iyon at hindi naman kayo mahihirapan kung magkasundo kayo. Alam kong magwo-work din ang relasyon ninyo,” paliwanag naman mama. ’Di ko gets kung bakit kailangan nila akong ipakasal sa taong bago ko lang nakilala. Alam ko naman na mabuting tao ang pamilyang Brilliantes, ngunit ganoon na lang sa kanila kadali na magdesisyon para sa buhay ko? At ipakasal na lang ak agad? Ang dami ko pang mga bagay na kailangan kong gawin. Magsisimula pa lang ako sa car rental, hindi ko pa nga iyon naaasikaso. Tapos matatali na lang ako sa isang arrange marriage? “Mama, alam ninyo naman ho ni papa na marami pa akong pangarap at ayoko nito,” reklamo ko na pareho nilang ikinabuntong-hininga. “Hindi sagabal ang pagkakaroon ng asawa habang ipinagpatuloy mo ang mga bagay na nais mong gawin sa buhay, Cyrille. Maaari mo siyang masasandalan sa mga oras na kailangan mo nang karamay, nang wala kami sa tabi mo. Isa pa, anak. Hindi naman kayo ikakasal agad-agad. Marami pa kayong oras para doon. Kilalanin ninyo muna ang isa’t isa,” mahabang pahayag ni papa. Parang sinasabi na rin nila na wala na akong choice kundi ang sumunod sa kagustuhan nila. Lagi na lang talaga tayo ginigipit sa buhay. Tapos wala ng ibang options pa. Sasang-ayon ka na lamang, dahil nandiyan na. Na tila wala ng solusyon. “Ngunit bakit nagpasya kayo na ipakasal ako nang ganito kaaga? Bakit hindi niyo mun ako tinanong kung gusto ko ba?” “Ikaw ang pinili ni Don Brill, Cyrille. Gusto ka niya para sa kaniyang apo,” ani mama. Hindi ko pa rin maintindihan, na kung bakit ako sa dami-rami ng babae na puwedeng mapangasawa ng apo niya? Ano ang nakita nito sa ’kin? “O dahil ba ito sa nangutang tayo sa kaniya, papa?” Iyon ang isa sa mga hula ko. Marahil ’yon ang totoong dahilan? “Walang kinalaman ang perang pinautang niya sa atin, Cyrille. Kaya mong bayaran iyon nang anim na buwan lang. Ang pamilya nila ay parang tradisyon na rin nila ang arrange marriage at maniwala ka. Mahirap makahanap ng babaeng napipili ni Don Brill. Tinitingnan nito ang ugali at pagkatao. Masuwerte ka na isa ka sa nakikita niyang mapabilang sa kaniyang angkan.” “Dapat ba akong matuwa sa kaalaman na iyan, papa?” Napahalakhak lang siya sa naging tanong ko. “Tanggapin mo na, anak. Para naman panatag kami ng iyong ina na maaayos kang maninirahan doon sa Manila. Malaking tulong pa si Darcy para sa iyo. Mabait ang batang iyon at mapagkakatiwalaan mo.” “I don’t think so, papa,” sabi ko na lamang at no choice na naman ang magiging linya ko nito. “Nasaan na si Engineer Darcy, anak?” Ngumuso lang ako sa labas. “Pag-isipan mo ito nang mabuti, Cyrille.” “Wala na nga po akong choice, mama,” aniko. “Oh siya. Mag-impake na kayong magkakapatid. Sa private resort kayo ni Engineer Darcy tutuloy pansamantala. Maiiwan kami rito ng papa niyo, kasi ipagpapatuloy pa rin natin ang shop. Baka wala tayong ipakain sa mga instructor natin. Ang iba nating mga gamit ay nadala na roon.” Ngumiti lang ako kay mama at umalis na rin. Naabutan ko sa labas na sinusuri ni Cy ang sasakyan ng inhenyero at nandoon din siya nakatayo. Pinagmamasdan niya rin ito. This time ay nakakrus ang magkabilang braso niya. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang mapansin niya ako at napatingin siya sa aking direksyon. Bumuka ang labi niya, dahilan na tumingin din sa kinatatayuan ko ang kapatid ko at marahan na tumango ito. Nagpaalam yata siya kay Cy. Naglakad na lang ako, kahit alam kong lalapitan niya ako. “I heard your plan with you siblings, miss,” sabi nito at namulsa pa. “Bakit tutulong ka ba sa preparasyon?” tanong ko na sinabayan ko pa nang pagtaas ng aking kilay. “Kung may maitutulong ako, why not?” patanong na sagot niya. “Eh, bakit mo gagawin iyon?” Napakunot ang aking noo. “Gusto ko rin mapalapit ako sa mga kapatid mo at maging komportable sila sa akin.” Napahawak ako sa pisngi ko. Tinatanggap na talaga niya ang desisyon ng mga magulang namin. Wala akong makikitaan na hindi pagsang-ayon. “Bakit mo ito ginagawa, Engineer Darcy?” seryosong tanong ko at mataman kong tinitigan ang mukha niya. Sinusuri ang totoong emosyon na naglalaro sa kaniyang mga mata. Malamig at mahirap basahin ang emosyon na iyon. Na kailangan ko pang pag-aralan para malaman ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Kahit parang imposible naman. “Grandpa, he is one of the people we admire the most. I just can’t say no to him. Lumaki kami ng mga pinsan at kapatid ko na sa kaniya lang kami makikinig, maliban sa parents namin. Malaki ang respeto namin at ang tanggihan siya ang huling bagay na gagawin ko,” he said at ramdam ko ang sinseridad sa boses niya. Nakikita ko na masyado nga niyang hinahangaan ito. I can’t blame him though. “You only love your grandfather, that you will sacrifice even your own happiness just to follow what he wants,” sabat ko at bahagya lang tumaas ang labi niya. “He also cares about our own future, miss. He does it because he knows it’s the right thing to do. Also, he never disappoints us with the girls he chooses for his grandsons.” “Really? Sa paanong paraan naman kayo na hindi niya nadi-disappoint?” mahinang tanong ko na may kuryusidad. “He chooses girls as beautiful as our grandmother.” Habang sinasabi niya iyon ay diretsong nakatitig siya sa mga mata ko at pakiramdam ko ay nag-init ang magkabilang pisngi ko. “Hindi ko alam na marunong palang mambola ng isang inhenyero,” naiiling na saad ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko siyang ngumiti. Dahilan na bumilis na naman ang pintig ng puso ko. Napailing uli ako at napahinga nang malalim. “Where are you going?” he asked nang makita niya akong naglakad na palayo. “Mag-iimpake lang ako ng mga gamit ko. Puntahan mo na lang si papa sa shop niya para may kausap ka,” aniko sa kaniya. “Can I come with you?” Nagkibit-balikat lang ako. Akala ko ay sa loob lang ng bahay, pero hanggang sa kuwarto ko ay sumama pa rin siya. Hindi naman ako nahihiya na makita niya ang aking silid. Palagi itong malinis, kahit wala masyadong gamit. Maliban na lang sa iilan na laruan ng sasakyan. “Sa labas ka na lang maghintay,” sabi ko at inilabas ko ang maleta. “You love cars that much, miss? May mga laruan kang ganito,” aniya at kinuha niya ang isang laruang sasakyan na itim. “Ayaw ni mama na magkaroon ako ng ganyan,” aniko. Isa-isa ko nang iniimpake ang mga gamit ko. Dahil kaunti lang ang mga ito ay dalawang maleta lang ang magagamit ko. “Can I buy you one?” I chuckled. “Lol, hindi na ako bata para sa ganoon. Siguro kung nasa ganoong edad pa ako ay baka matuwa pa ako.” “It’s a real car so you can change your motor. That kind of car is dangerous for women,” seryosong sabi niya. “Doon ako mas komportable, e.” Natahimik siya Klang sandali lang. “Need help?” Umiling ako. Hindi naman mahirap mag-impake kahit huwag na siyang tumulong pa. “Kaya ko na ito at nakahihiya naman sa iyo kung magpapatulong pa ako. Eh, kaunti lang naman itong mga gamit ko,” sagot ko naman sa kaniya. Ngunit, dakilang makulit din siya. Lumuhod siya sa harapan ko at tumulong sa pagtupi ng mga damit ko. “Ang kulit mo.” “Turo sa amin ni grandma noon na dapat tumutulong kami sa mapapangasawa namin.” “Sa tingin mo ay matutuloy iyon?” “Walang dahilan para tanggihan iyon, Cyrille, and I think hindi ka naman tumatanggi sa napagkasunduan.” “As you can see, nagsisimula pa lang ako. Ano ang maipagmamalaki ko sa ’yo, eh wala pa akong napapatunayan sa buhay?” tanong ko sa inhenyero at walang halong pagbibiro ang aking boses. “Puwede mong gawin iyon na kasama ako. I know we are both under pressure, but let’s try to make our relationship work. We can also be friends first and get to know each other, right?” Muli akong napatitig sa kaniya. “Ewan ko. Wala pa naman akong alam tungkol diyan. No boyfriend since birth ako, walang karanasan sa pakikipagre. Pero aware ako sa consequence kapag nagmahal ka na. Maliban na lang din sa marami akong na-reject simula sa junior high school hanggang sa kolehiyo.” “I can’t blame them for they like you. Kung ano man ang nakikita ko ngayon ay iyon din ang nakikita nila.” Mas tumindi lang ang init sa aking pisngi. “Tigilan mo na nga ako. Kanina mo pa ako binonola, e. Dalhin mo na lang sa baba itong maleta ko,” utos ko na ikinangiti niya. Sumunod siya sa inuutos ko. Napatutop na lamang ako sa dibdib ko. “Ano na naman itong nararamdaman ko? Bakit ako kinakabahan?” nagtatakang tanong ko sa aking sarili. Ilang beses akong huminga nang malalim at ipinagpatuloy ko rin ang ginagawa ko. Nang matapos ako ay hinila ko na palabas ang maleta. Subalit sa pinto pa lang ay may humawak na rito. Mabilis kong tinanggal ang aking kamay. “Tara na?” anyaya niya at tanging pagtango lang ang naisagot ko. Nadatnan ko sa labas ang mga kapatid ko na nakahanda na rin. Napatingin ako sa mga magulang ko. “Kayo ho ni mama, papa?” tanong ko. “Magpapatayo lang kami ng tent, anak. Huwag kang mag-alala. Ligtas naman ang lugar natin. May mga dumadayo rito na barangay tanod,” sabi nito. “Pero araw-araw pa rin ho kaming pupunta rito, papa,” sabat naman ni Cy. “Busy kayo sa pag-aaral. Maliban na lang kay Cyrille. Ngunit kailangan mo rin namang bumalik agad sa Manila para makapagsimula ka na.” “Papa, hindi pa natin nadadalaw iyon. Sabi mo ay sabay-sabay tayo,” saad ko. “Nandiyan naman si Engineer Darcy, Cyrille,” ani mama. “O siya sige na. Umalis na kayo,” pagtataboy sa amin ni papa. Ang gagamitin ng sasakyan ng mga kapatid ko ay pag-aari ng inhenyero. Doon din sana ako sasakay ngunit inunahan ako ng mga kapatid ko. “Sa kabila ka na, ate. Para may kasama si engineer,” ani Cy. Nang tingnan ko si Calder ay nag-thumps up lang ito. No choice na naman ako? Pinagbuksan na niya ako ng pinto at saka lang ako tuluyang sumakay roon. Inayos ko agad ang seatbelt ko, maging siya ay sumakay na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD