Chapter 11: Lipat-bahay
“WOW! Ang ganda naman po ng resort niyo, engineer!” masayang bulalas ng bunso namin. Ang laki nang pagkaawang ng bibig niya.
Nasa tapat na kami ng resort na pag-aari ng pamilya ni Engineer Darcy. Nasa labas pa lang kami ay nagagandahan na kami sa ayos nito. Sa furniture na gamit lang ay talagang wala kang masasabi.
“Let’s get inside,” pag-aaya niya sa amin. Ikinumpas pa niya ang kan’yang kamay upang paunahin ang mga kapatid ko.
Nabuksan na kasi niya ang gate. Sumunod na pumasok naman sila saka niya ako tiningnan.
“May swimming pool. Puwede bang maligo kami riyan minsan?” Si Calder ang nagtanong.
Nasa bungad pa lang kami nito ay nakita na namin ang pool area sa kanang banda ng resort.
“Of course. Feel at home,” tugon niya rito.
“Siguro may caretaker kayo, ’no? Malinis pa rin at halatang alagang-alaga pa siya,” daldal naman ni Cy.
“Yes. Thought trice a month lang sila pumupunta rito. Minsan lang naman kami pumupunta rito, kasama ang mga kapatid at pinsan ko,” paliwanag niya. Sunod niyang binuksan ang bahay.
Madilim pa nang nasa loob na kami. ’Sakto lang ang laki nito, wala mang masyadong mga gamit. Bukod sa painting at flower vase, ngunit masasabi ko na maganda naman ang atmosphere.
“Hays, salamat sa pagpapatuloy rito sa amin, engineer. Malapit naman ito sa pinapasukan naming school,” wika ni Cy sabay upo sa mahabang sofa. Gumaya sa kaniya ang dalawa at abala pa rin sila sa pagtingin-tingin sa kung saan-saan.
“May limang kuwarto kami rito. Tatlo sa second floor, isa lang ang dito na malapit sa entertainment room. Mag-tig isa na lang tayo ng silid at kayo na ang bahalang pumili para komportable naman kayo.”
He has a heart of gold and is always willing to help others.
“Okay lang kahit share na lang po kami ni kuya sa isang kuwarto, engineer,” ani Calder.
“Ako naman po ay kay ate!” segunda naman ni Collete.
“All right. But you can call me kuya, since mas matanda naman ako sa inyo. No need to be formal.”
“Ate, ikaw na ang magluto ng hapunan natin. May dala kaming grocery. Aasikasuhin lang namin iyong mga gamit natin sa truck.” Napataas ang kilay ko kay Cy. Nang-uutos pa ang isang ito, psh.
“I can help you with that,” pagpresenta naman ni Engineer Darcy.
Wala naman akong nagawa pa kundi ang sumang-ayon. Napatingin pa sa akin ang inhenyero. Nagkibit-balikat lang ako at nagtanong kung nasaan ang kusina niya.
Tiningnan ko ang bunso naming kapatid, parang aligaga ang bata at gumagalaw-galaw pa ang dalawang paa nito. May TV set sa salas at alam kong gusto nitong manood. Ewan ko lang kung may channel ang TV ng lalaki. Since hindi naman madalas magbakasyon dito ang pamilya niya.
“Collete,” pukaw ko upang makuha ang atensyon niya.
“Bakit po, ate?” tanong niya nang hindi ako sinusulyapan.
“Samahan mo ako sa kusina,” aniko at agad naman siyang tumayo.
Si Calder ang nagdala ng grocery sa kusina at kasalukuyan na kaming nag-aayos ng mga iyon sa malaking refrigerator nila.
Kung ano-ano na ang pinamili niya na mayroon ding ice cream. In fairness naman ay puro manok ang magiging ulam namin, may mga gulay naman saka prutas.
Ang problema ko lang dito ay kung ano ang puwede kong lutuin na madali lang para sa akin. Alam ko naman na mas magaling magluto ang dalawa kong kapatid na lalaki.
Mas nag-focus kasi ako sa pag-aayos ng mga sasakyan, na minsan ay hindi ko na naisip ang magluto. Si mama naman ang laging gumagawa no’n.
“Hays.” Napahilot ako sa sentido ko. Nagsalin na lang ako ng tubig sa baso at tiningnan ang laman ng ref.
“Ate, ano po pala ang ulam na lulutuin mo? Puwede po bang mag-request ako sa ’yo?” Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Kapag may request ang kapatid ko ay talagang mahirap iyon lutuin.
“Ano naman?” tanong ko.
“Puwede po bang magluto ka ng spaghetti, ate?” ngiti-ngiting pakiusap nito sa akin at itinuro ang ingredients ng spaghetti.
“Alam mong hindi ako nagluluto no’n, e,” reklamo ko.
“Madali lang naman iyon, ate. Mag-research ka na lang po sa YouTube. Tutorial para diyan.” Napatango-tango ako, hindi ko naisip ang bagay na iyon.
Inilabas ko ang cell phone ko, walang password kaya diretso na ako sa YouTube para maghanap ng video kung paano lutuin iyon.
Naging abala na kami ni Colette, siya ay may patikim-tikim pa sa niluluto kong adobong manok. Siyempre, sinunod ko ang gusto niyang kainin ngayon.
After no’n ay pumasok sa loob ang tatlong lalaki. Tagaktak sila ng pawis, aakalain mo na bagong ligo lang sila dahil basa ang pawis nila.
“Ate, tubig naman o!” sigaw ni Cy. Umikot ang eyeballs ko.
Kumuha na lang siya ng isang pitcher ng tubig, kalalagay niya lang ng mineral water doon. Pero natitiyak niyang malamig na.
“Heto po ang baso mga kuya.”
“Oh, ang bait naman ng Colette namin,” komento ni Cy, sabay gulo sa buhok ng bata.
Hinubad ko na ang pink na apron, dahil napansin ko na napapatingin sa akin ang inhenyero. Ang weird lang, mukhang naaaliw siyang pagmasdan ako na suot ito.
“Ano’ng ulam natin, ate?” Sinilip na lang ni Calder ang kalderong nasa stove pa. “Hmm, amoy pa lang ay masarap na.”
“Hindi ka sure kung masarap ’yan, Calder. Kapag si ate ang nagluto ay walang duda.” Sinamaan ko siya nang tingin. Itong bunganga ng isa ay wala talagang filter.
Kung ano ang naiisip niya ay basta-basta na lang niyang sinasabi. Though, aminado naman ako sa bagay na hindi nga ako masyadong maalam sa pagluluto.
“Gusto mo yatang mag-instang noodles ka lang ha, Cylinder?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Binibiro lang naman kita, ate. Ikaw talaga, walang pinagbago. Pikunin pa rin,” nakangising sambit niya. Lumapit pa ito sa ’kin at yumakap mula sa likuran ko. Kaya ang ginawa ko ay siniko ko siya.
Dahil nga sa mabato rin ang katawan niya ay walang-wala ang pagsiko ko. Muli akong napasulyap kay Engineer Darcy. Nakataas na ang sulok ng mga labi niya.
“Maupo na nga kayo riyan. Kakain na tayo, gusto ko na ring magpahinga agad,” aniko.
Kukuha pa lang sana ako ng plato para magsandok ng kanin nang inunahan na ako ng isa riyan.
“Take a sit. Ako na ang bahala rito.” Tiningnan ko pa siya, sa huli ay pinagtaasan ko ng kilay.
“Ikaw ang maupo. Hindi pa ako tapos dito,” mariin na saad ko at inagaw ko sa kan’ya ang hawak niyang plato.
Wala siyang choice kundi ang sumunod sa inuutos ko. At dahil nasa kusina lang kami ay island counter mismo ang mesa namin. Naunang nakaupo sa highchair si Colette, kumakain na siya ng spaghetti.
“Ano ’yan luto mo, ate?” Marahas na bumuntong-hininga ako. Ang kukulit talaga ng mga taong kasama ko ngayon.
Napahagikhik naman ang tyanak na kasama namin. “Request ko po iyan, Kuya Cy. In fairness naman masarap.”
Parang nadagdagan tuloy ang self-confidence ko, nakahihiya naman kasi kapag palpak ang mga luto ko. Eh, ngayon lang may makatitikim ng ulam na gawa ko.
“Let’s see,” he just said.
Mayamaya lang ay kumakain na kami. Tiningnan ko pa ang reaction nila. Nag-thumps up si Cy, si Calder ang higit na nagkomento na masarap.
Napatikhim naman ako nang si Darcy na ang hinihintay kong magsalita. “I thought you don’t know how to cook, but Colette said nag-research lang kayo online kung paano ito lutuin.” Napapataas pa ang isa kong kilay. Wala pa ba ang final feedback niya?
“So, iyong overall comment mo?” Si Cy
“It was actually good, puwede ka nang magpatayo ng restaurant, miss.” Napasimangot ako. Hindi ko gusto ang magpatayo ng resto. Iba ang gusto ko.
“I don’t like it. Ayokong maging kutsinera,” komento ko naman na ikinatawa ni Cylinder.
“Okay, alam ko naman kung ano ang gusto mo. Ang mag-manage ng car rental. I see.”
“Kumain na nga lang kayo. Ang dami niyo pang sinasabi riyan,” saad ko at tinikman ko na ang adobo ko. Maski ako ay napahinto. Masarap naman, kahit hindi kasing sarap ng luto ni mama ay okay na ito.
“Colette, bakit puro spaghetti ka? Magkanin ka rin para mabilis ang paglaki mong tyanak ka.”
“Kuya Cy! Hindi naman po tyanak!” reklamo ng bata. Hinayaan ko lang sila at kumain lang din ako.
Masaya naman ang dinner time namin, may kulitan at kuwentuhan. Ang kasama naming si Darcy ay kahit tahimik kung minsan ay nakikisali rin siya sa amin.
***
Tulog na agad si Colette nang pumanhik na kami sa magiging silid namin. Hindi pa nga siya nakapagpalit ng damit ay bagsak na sa kama.
Mabuti na lang ay kagagaling namin sa bahay at kahit siguro huwag na siyang magpalit pa. Pero hindi man lang nakapag-toothbrush.
Marahan kong niyugyog ang balikat niya. “Colette, mag-toothbrush ka muna roon. Colette.” Umungol lang siya at gumulong sa kama. “Colette, bumangon ka muna riyan. Sige ka, tatawag mamaya si mama. Hindi ka pa nakapagsepilyo.”
Hinila ko ang magkabilang kamay niya para paupuin siya. Tumulis ang labi niya at halatang antok na antok na talaga siya.
“Ate naman. Gusto ko na pong matulog, e,” mahinang usal niya.
“Samahan na kita sa banyo,” presenta ko at sa pilitan ko na siyang hinila.
Kumilos naman siya nang nasa loob na kami ng banyo. Inilabas ko ang mga gamit niya.
“Ate, tapos na ako. Puwede na ba akong matulog ulit?” pakiusap niya.
“Sige,” tipid na sagot ko at naiwan na ako nga rito sa kinatatayuan ko.
Naligo pa ako, kasi kagagaling namin sa Manila kanina. Mabilis lang ako at pagkatapos no’n ay tinabihan ko na ang kapatid ko sa kama. Nakatulog din naman agad ako.