Chapter 12: Wedding anniversary
MAAGA akong nagising kinabukasan. Nag-unat-unat pa ako ng aking mga braso. Mabuti na lang ay hindi ako madalas binabahay kapag nasa ibang bahay nga ako.
Napatingin ako sa katabi kong nakahiga. Mahimbing pa ang tulog ni Colette, pero ginising ko na siya. Dahil hindi siya puwedeng nakahiga lang siya. Panay lang ang ungol niya.
“Gising ka na, Colette. May pasok ka ngayon. Sige ka, iiwanan ka ng mga kuya mo,” pananakot ko sa aking kapatid.
“Five minutes, ate. Antok na antok pa po talaga ako. Ayaw magmulat ng eyes ko, e,” she reasoned out.
Hinayaan ko na nga lang, baka ma-out balance pa sa banyo. “Basta bumangon ka agad. Mali-late kayo sa klase.”
Bumaba na ako sa kama at nagtungo sa banyo. Nanghilamos lang ako at nagmumog saka lumabas.
Didiretso sana ako sa kusina ng resort na ito nang malayo pa lang ay naaamoy ko na ang mabangong aroma ng pagkain. May nagluluto na yata.
Sumilip pa ako nang bahagya at si Engineer Darcy ang nakikita kong nagluluto, nakatalikod siya mula sa puwesto ko.
Dahil ugali ko na ang uminom ng tubig sa umaga ay tumuloy na lang ako. Napansin naman niya agad ko at napatingin sa aking direksyon.
Nakaramdam pa ako nang pang-iinit sa pisngi nang pasadahan niya nang tingin ang aking kasuotan. Naka-pajama naman ako, white sando rin ang suot kong pang-itaas.
“Good morning. Hindi ka nagsuot ng tsinelas?” tanong niya at ako naman ang napatingin sa dalawang paa ko. Halata ang pamumula ng mga ito.
“Kailangan pa ba? Eh, malinis naman ang sahig,” sabi ko at lumapit ako sa ref. Binuksan ko ito at naghanap ng maiinom na tubig.
“Wait here,” he said. Nang makakuha na ako ng tubig ay umupo ako sa highchair. Tiningnan ko lang ang paglabas niya sa kusina at dahil nasa tapat ko naman ang island counter, kung saan ay makikita ko ang niluluto niya.
“Mahilig talaga siyang magluto,” komento ko. Habang umiinom ako ng tubig ay dumukwat ako ng isang hotdog saka ko iyon kinain.
Bumalik naman ang inhenyero na may dala ng tsinelas, pink pa ang color nito.
“Here.” Nabigla ako nang lumuhod siya sa may gilid ko, matapos niyang galawin ang upuan ko.
“Ibaba mo na lang diyan. Ako na ang magsusuot,” aniko, ngunit hindi naman niya ako pinansin. Hinawakan pa rin ang paa ko, pinagpagan niya iyon na parang nadikitan ng kung ano’ng dumi. Nahihiya man ay isinuot ko na lang iyon. “Maghugas ka na roon ng kamay mo,” utos ko at itinuro ko ang lababo.
Sumunod naman siya sa ’kin at naghugas na nga. Binalikan na rin niya ang ginagawa niya.
“Sasama ka ba mamaya sa bahay niyo? Sisimulan na namin ang renovation,” aniya.
“Sige, pero babalik din agad ako. Puwede bang hiramin itong resort mo? Malapit na ang wedding anniversary nina mama at papa.” Hindi na ako nahiya pang sabihin iyon.
“Sige lang. You can do anything you want, miss.”
“Saka na nating pag-usapan ang tungkol sa nakasunduang kasal. Siguro naman ay puwede tayong tumanggi?” Natigilan siya sa ginagawa at mataman ako nitong tinitigan.
“Ayaw mo bang magpakasal sa akin?”
I sighed. “Masyadong mabilis kung magpapakasal agad tayo, engineer.”
“My question is ayaw mo nga sa akin?” Ang seryoso pa ng boses niya.
Ako naman ang tumingin sa kaniya, matikas ang katawan niya, matangkad din siya. Guwapo naman, siya iyong tipo ng lalaki na pagkakandarapaan ng mga babae. Oo na, inaamin kong naguguwapuhan naman ako sa kan’ya.
Ang lakas nga ng dating niya, e. Nandoon din ang kakaibang aura niya.
“Hindi naman sa ayaw ko. Ako lang naman kasi ang nabibigla sa desisyon ng mga magulang natin. Just look at me, nag-uumpisa pa lang naman ako sa trabaho ko at hindi ka ba nawe-weirduhan sa akin? Sa dami-rami ng career na pinili ko ay maging mekaniko pa. Dapat iyong hanapin mo ay mga sophisticated at sexy na babae. May magandang career, iyong tipong hindi ka mahihiyang ipakilala siya sa mga kaibigan mo.”
Ang dami kong hinaing para lang umayaw siya sa kasunduan ng parents namin. Nakaloloka lang dahil pinapangunahan na kami sa love life namin.
Hindi ko nga alam kung magwo-work ang relasyon naming dalawa o kung compatible nga ba kami sa isa’t isa.
“You’re one of a kind, and you’re the only one who’s uniquely different for choosing that kind of job, and besides, I don’t need a sophisticated woman. What I like is someone who’s dedicated to her chosen career.” Habang sinasabi niya ’yan ay diretso lang siyang nakatitig sa mga mata ko, tapos parang ako naman ang nahihipnotismo.
Kaya naman napainom uli ako ng tubig at panay na ang aking pagtikhim, dahil sa bilis nang pintig ng puso ko.
Pinaglalaruan ko na lang ang baso na wala ng laman. Ayaw pa rin niyang bawiin ang tingin sa ’kin. Ako tuloy ang hindi mapakali.
“Hello, good morning. May agahan na ba?” Parang doon lang ako kumalma nang dumating na si Cylinder.
Ang kapatid kong walang hiya ay basta na lamang umupo sa aking tabi at kumuha rin ng hotdog.
Bagong ligo na siya. Puting t-shirt at black pants na ang suot niya. Amoy na amoy ko pa ang pamilyar na sabon na gamit niya. Ready na nga siyang pumasok sa school nila. Pero wala pa rito ang dalawa.
“Tawagin mo na kaya roon ang dalawa?” Siniko ko pa siya para kunin ang atensyon niya.
“Nakita kong pababa na kanina si Calder, ate.”
“I heard from my grandfather na kapatid niyo lang sa ama sina Calder at Colette.” I nodded at hinahampas ko ang kamay ni Cy, dahil walang tigil sa pagkuha ng hotdog.
“Ang mama namin ay matagal nang namayapa. Baby pa lang noon si Cy—Cy ano ba? Kung ganyan ka lang naman e kumain ka na riyan.” Nakarinig lang ako nang halakhak mula sa kasama namin at naglapag na siya ng plato.
“You’re lucky to have a second mother.” Si Cy naman ang sumang-ayon at ang nagsasandok na siya ng fried rice sa kan’yang platito.
“Oo. Pantay-pantay naman ang pagmamahal sa amin ni papa at si mama rin. Hindi niya nakikita na iba ang mama namin ni ate.”
Humaba pa ang usapan nila at nakinig lang ako sa kanila. Dumating naman ang kanina pa naming hinihintay. Nakapagbihis ka na rin si Collete ng uniporme niya. Lumapit pa nga sa akin para ipaayos iyon.
“Kuya engineer. Gusto ko po nang maraming hotdog, ha?” pangungulit nito. Nakita ko na ito pa ang naglagay ng scrambled egg sa plato nito.
“Alright, Colette.”
MATULIN lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang pinakahihintay naming moment ng mga magulang namin.
Nakikita ko na na-surprise sila sa hinanda namin, may kasama pang reklamo si mama. Dahil alam niya kung saan namin kinuha ang pera para dito.
Invited lang namin ang kamag-anak na mayroon si mama at mga kaibigan niya. Nandito rin ang best friend kong si Lyka, kasama niya ang boyfriend niya. Tapos si Cooper ay inimbitahan ko rin siya. Masama ang loob niya sa kaibigan ko. May boyfriend na nga kasi ang babaeng gusto niya.
White ang motif ng dekorasyon namin, may sampung round table at may mga bulaklak sa buong paligid nito. Hindi rin naman nawala ang balloons.
Nag-order lang kami ng cake sa labas, si Darcy na ang nagbayad no’n. Gift na raw niya sa parents ko.
Marunong magluto ang mga kasama ko kaya tulong-tulong kami sa pagluluto ng iba’t ibang putahe. Maliban na sa dessert na in-order namin sa isang café. May hinanda rin kaming giveaway para sa mga bisita.
Nasa budget din namin ang simpleng dress ni mama at maging kay papa. Nagbunga rin naman ang pinaghirapan namin.
“Miss?” Awtomatikong napalingon ako sa nagsalita. Ang fiancée ko kuno, sanay na akong tawagin niya akong ganoon. Ewan ko ba sa trip niya.
Kahit pareho kaming tahimik ay hindi na ako naiilang sa presensiya niya. Komportable na rin ako at nagagawa kong makipag-chitchat sa kaniya nang hindi ako nahihiya.
Kahit hindi pa officially engage ay tinanggap ko na lamang ang kapalaran ko. Sinabi naman niya na puwede pang patagalin ang kasal. Ayaw niya rin naman akong madaliin.
“Bakit?” tanong ko at naglahad siya ng kamay. Napatitig pa ako roon, may pagtataka. Prenteng nakaupo na ako rito sa puwesto namin.
He was dressed casually but still looked handsome, wearing a black V-neck shirt, topped with a dark coat and jeans.
Samantala, ang suot ko naman ay white off-shoulder blouse at slacks pababa na same ang color din. Tinali ko pa nga ang maiki kong buhok na may nakawala pang iilan na hibla nito. Dahil kay Lyka ay nilagyan niya ng make up ang mukha ko, iyong hindi naman masyadong makapal.
Hindi niya ako hinintay na tanggapin ang kamay niya, kusa niya akong hinawakan at inalalayan na makatayo.
“Nasa labas si grandpa. Kasama niya ang parents ko.” Bigla naman akong binundol nang kaba. Pinagsiklop niya ang aming daliri nang mapansin niyang kinabahan agad ako. “Let’s go. Salubungin natin sila sa labas.”
Nagpahila na lang ako sa kan’ya at pasimple kong hinahaplos ang aking dibdib.
“Hindi ba nakatatakot ang parents mo?” curious kong tanong. Kailangan ko lang talagang maghanda.
“Si dad ay strict lang siya pagdating sa trabaho. Pero wala kang dapat ipag-alala. Si mommy naman ay katulad lang ng mama mo.”
“Maldita ang mama ko,” bulong ko na ikinatawa niya nang mahina.
Ewan ko kung bakit nagugustuhan ko na ang ganitong moment namin. Bihira lang siya kung ngumiti, masuwerte ka talaga kapag nakita mo siyang tumatawa.
Wala pa kaming nakita na bagong sasakyan na dumating. Kaya naghintay na muna kaming dalawa sa labas. Umupo ako sa hood ng asul na sasakyan. Sa kapatid niya ito, marami yatang kotse ang isang iyon.
Ang gamit kasi namin noong isang araw ay pag-aari din nito. Sa kuya lang talaga niya ang luma. Parang walang pera, eh halatang mayaman naman siya.
“Bumili ka ng sasakyan sa akin, ha? Palitan mo na iyong lumang kotse mo. Delikado na iyon kung imamaneho mo pa.” Bahagyang napataas ang isa niyang kilay sa aking tinuran.
Dahan-dahan pa siyang lumapit sa kinaroroonan ko, ang isa niyang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng pants niya.
“Isa ba ’yan sa strategy mo, miss? Para bumili na ako?” Napa-pokerface na lamang ako. Ako lang itong concern sa kaniya. Baka isang araw ay masiraan na naman siya ng sasakyan sa kalagitnaan nang biyahe niya.
Mas mainam kung palitan na lamang niya ito. “Bibigyan naman kita ng discount, huwag kang mag-alala.” Naiatras ko ang mukha ko nang dahan-dahan siyang lumapit. “Hoy, ano’ng ginagawa mo?”
Nalalanghap ko na ang amoy mint niyang hininga, nagbibigay iyon nang kiliti sa aking pisngi. Naitukod ko tuloy ang isang kamay ko sa may likuran ko. Kung magpapatuloy siya ay kulang na lang ang humiga na ako sa ibabaw ng kotse.
Akala ko ay may gagawin siya sa akin, pero ngumiti lang siya at umupo sa aking tabi. Nakasimangot na tiningnan ko siya. Iba tuloy ang naisip ko kanina.
“Ano’ng trip mo, engineer?” Marahan lang siyang umiling.
“Pagdating natin sa Manila ay ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. Saka sa babaeng tinatawag kong Babe.” Napataas ang kilay ko. Talaga lang, ha?
“Ipapakilala mo sa akin ang ex-girlfriend mo?” Nagkibit-balikat lang siya at hindi na siya nagsalita pa nang may nagsidatingan na sasakyan.
Pumulupot agad ang kaliwang braso niya sa aking baywang at pareho kaming umalis mula sa aming pagkakaupo. Dalawang sasakyan ang dumating. Nagsimula na naman akong kabahan.
Sa buong buhay ko ay never ko namang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Bakit nga ba nagkakaganito ako? Malamang sa malamang ay mga future in-laws ko ang haharapin ko ngayon.
Sino nga ba ang hindi niniyerbusin? Makikilala mo ang tatay at nanay ng mapapangasawa mo. Titingnan din nila kung ano’ng klaseng pagkatao rin ang mayroon ka.
“Relax, hindi naman mangangain ang magulang ko,” utas niya at sinamaan ko siya nang tingin.
“Wala akong sinabing ganoon, ha.” Nagawa ko pa siyang sikuhin.