Chapter 13: Meeting his parents
BINUKSAN ni Darcy ang pinto ng isang Mercedes-Benz, bagong-bago pa ito na kumikintab pa at mula roon ay may inalalayan siyang isang babae na makababa roon. Ingat na ingat pa siya, ang isa niyang kamay ay nasa itaas ng ulo nito para maiwasan ng ginang ang mauntog.
Kumislot ang dibdib ko nang masigurado ko na ito na nga ang nanay niya. Nahihiya man ako kung paano ko ito pakikisamahan ay mas pinili kong maging kalmado.
Lumapit na ako sa kanila, dahil doon ay napatingin siya sa akin. Napakaganda ng mommy niya, parang hindi tumatanda. Tapos ang ganda pa ng dress na suot niya. She looks sophisticated and elegant.
“Good afternoon, mom,” bati ni Darcy at humalik pa siya sa pisngi nito. Nginitian niya ang anak, ang kaso sa akin na naman siya nakatitig. Tila may kakaiba sa mukha ko. Ano naman kaya iyon para matigilan siya?
“Hello po,” I greeted her na lang. Sana nga ay hindi siya masungit. Iyong may kabaitan naman siya, ganoon. Baka kasi sungitan ko rin siya kapag nagkataon.
Akala ko ay mananahimik lang siya, ngunit nakita ko na ang pagguhit ng maganda niyang ngiti.
“You must be Cyrille Mae Mesa, right?” Maski nga ang boses niya ay malambing din.
“Opo, Cyrille na lang po ang itawag ninyo sa akin, ma’am,” magalang na sabi ko.
“Call me tita, hija. I’m Lorenda Orion Brilliantes, mommy ako ni Darcy at iyon naman ang daddy niya. Si Lojin. Totoo nga ang kuwento sa amin ng iyong ama, mas maganda ka nga sa personal.” Ako ang nahiya sa papuri nito sa ’kin. Pero nakita na ba nila ako na hindi sa personal?
Lumapit pa ang ginang at hinalikan ang magkabilang pisngi ko. Mabilis niya rin akong niyakap at muling tinitigan ang mukha ko.
“Son.” Nagmano siya sa kaniyang ama at sa tingin ko ay dapat ko ring gayahin iyon.
“Kumusta po?” tanong ko matapos kong magmano.
“I’m fine, hija. Ikaw na ba ang fiancée ng aming anak?” I nodded for response. Naghalo-halo ang physical appearance nila sa kanilang anak. No wonder na guwapo rin ang isang kapatid ni Darcy, and I heard na mayroon pa silang bunso.
“Dad, sige na po. Mauna na kayo sa loob. Sasalubungin lang namin si grandpa.” Ibinalik ng kasama ko ang kamay niya sa aking likod at nang maglakad siya ay napasama rin ako.
Agad akong napangiti nang makita na namin ang lolo niya. “Grandpa.”
“Hello po, Don Brill!” Parang ang excited kong na makita ito, nasulyap pa nga sa akin si Darcy.
“Long time no see, hija.”
“Oo nga po, e,” aniko at kung ano ang ginagawa ng kaniyang apo ay ginagaya ko na rin. May kasama silang bodyguard, halatang hindi basta-bastang tao ang bisita namin. “Tara na po sa loob. Ay, hindi ninyo po kasama ang asawa ninyo, Don Brill?”
“Sa bahay na lang muna raw siya. Hindi siya mahilig bumiyahe sa malayo.” Napatango-tango na lamang ako. Sayang naman, titingnan ko lang kung gaano kaganda ang misis niya. Hindi ako nagdududa, curious lang ako.
Naglakad na lang kami sa loob at ang mga magulang ko naman ang sumalubong sa kanila.
Hinanap ng aking mata ang mga kapatid ko. Si Calder ang na-assign na magpapatugtog ng music sa mini stage namin. Si Cy naman ay abala rin sa mga bisita namin. Naiwan si Colette sa table namin na masaganang kumakain. Walang pakialam kahit mag-isa lang siya roon.
Naramdaman ko ulit ang kamay ni Darcy sa likod ko. Sobrang gaan noon, kung hindi lang mainit ang palad niya ay halos hindi ko na maramdaman pa.
“Kumain ka na ba?” I asked him. Umiling siya bilang sagot kaya hinila ko siya palapit sa aming table.
’Saktong madadaanan namin ang puwesto ng kapatid niya. Nandoon si Cooper na nakikipagkuwentuhan kay Lyka. Parang nagbabantay naman ang isa.
“Dito na kayo, Cyrille,” anyaya ni Lyka. Ang ganda ng babaeng ito sa suot niyang halter dress, litaw na litaw tuloy ang makinis at maputi niyang balikat. Idagdag mo pa ang legs niya.
“Okay, kukuha lang kami ng pagkain.”
Kumuha siya ng disposable plate, ngunit ako ang pumili sa mga pagkain na niluto namin.
Parang ang ending nito ay payag na ako sa naging kasunduan ng pamilya namin. It seems I don’t have a choice naman kasi. But in fairness paunti-unti ko na siyang nakikilala. Okay na rin siguro. Guwapo naman siya at maganda ang career, pero hindi ko naman habol ang pagiging rich niya.
“That’s enough. Baka hindi ko na maubos ’yan.” Nag-thumps up lang ako at bumalik na sa table nina Lyka kasama ang boyfriend niya.
“Cyre, totoo ba talaga na engaged ka na?” pangungulit sa akin ni Cooper pagkaupo ko pa lamang. Pinaghila pa nga ako ni Darcy ng upuan.
“Hindi pa opisyal. Kumain ka na ba?”
“Tapos na. Ang sarap ng pagkain ninyo, Cyre.”
“Kami ang nagluto. Ipagbabalot kita mamaya kung gusto mo.”
“Sige ba. Hindi ko iyan tatanggihan.”
“Ako rin, Cyrille,” singit naman ni Lyka.
“Seriously, baby? Kailangan pa ba iyon?” kunot-noong tanong ng boyfriend niya.
“Oo, uuwi naman tayo agad. Unless magpapaiwan ka rito?” Umiling lang ang huli.
“Bukas na lang kaya kayo umuwi? Tulungan ninyo na muna kaming maglinis mamaya ng mga iyan.” Akma nang tatayo si Cooper nang tinawag ko siya. “Cooper. Malapit lang naman ang bahay mo. Dumito ka na. Kailangan namin ng maraming kamay mamaya.”
Napakamot siya sa ulo niya at tiningnan ako na parang hindi mapakapaniwala.
“Lyka, bumati ka na ba sa parents ng boyfriend mo?” I asked her. Parang hindi ko siya nakita na tumayo man lang from her seat.
Nagkatinginan na naman sila ng engineer niya at wala siyang nagawa nang hilahin siya nito. Dadalhin siya sa puwesto ng pamilya nito. Napapailing na lamang ako.
“She used to visit in our house, miss.” My gazed at him with an unwavering intensity, my eyes locking onto his as he spoke. “Komportable na siya sa presensiya ng pamilya namin.”
“Alright,” sabi ko na lamang at sumubo ng sushi sa plato niya.
Nagtuloy-tuloy lang ang kasiyahan, tinawag pa ni Cy ang mga magulang namin para lang magbigay speech ang mga ito at nagpasalamat sa amin. Tapos na rin silang nagsayawan at ngayon ay puro mga bisita na namin ang nasa gitna.
“Darcy, apo? Bakit hindi mo isayaw ang fiancée mo?” Sa tawagan na fiancée talaga ang hindi ako masasanay. Can’t believe kasi na may fiancée na ako. Eh, nagsisimula pa lang ako sa bago kong business. Tapos ang gusto nina mama at papa ay magpakasal na agad ako.
“Hindi bagay, hindi naman ako naka-dress,” mahinang saad ko.
“It’s fine,” he uttered and stood up from his seat. Naglahad na naman siya ng kaniyang kamay. “May I have this dance?”
Nilingon ko ang couple na nagsisimula na rin sa pagsayaw. Si Cooper ay nahanap na rin ng kapareha niya, para daw hindi siya maiwan sa table. Luckily may nahanap naman siya, na kamag-anak ni mama.
“Sige na nga,” parang napipilitan na saad ko. Sa tuwing nagdadampi ang aming balat mayroon talaga akong nararamdaman na kakaiba. Lalo na sa tiyan ko, tila nagliliparan ang mga paruparo.
When we were in the middle, his hands landed on my waist and I slowly placed my hands on his shoulders. He was incredibly tall that I had to look up.
Nagsimula kaming sumayaw nang tumugtog na ang kantang pamilyar sa akin, na masarap pakinggan kahit paulit-ulit pa.
“You look beautiful,” he whispered at umangat pa ang isa niyang kamay upang haplusin ang pisngi ko.
Uminit na naman ang cheeks ko. Kainis. Sa tuwing pinupuri niya ako lagi na lang ganito ang feelings. What’s with him ba?
“Ang tangkad mo. Dapat pala nag-heels na lang ako kahit hindi ako sanay.” Sandal lang ang suot ko.
“Matangkad ka rin naman,” aniya.
Tumaas lang ang sulok ng mga labi ko. “Huwag mo akong bolahin, engineer.”
Hinapit niya ako sa baywang, ngayon ay magkadikit na talaga ang aming katawan. Ramdam ko ang init nito na nagbibigay sa akin nang tila kapayapaan.
Hindi lang doon natapos ang lahat, isinayaw pa ako ni Cooper. Natatawa ako sa mga joke niya kung minsan. Kaya nahuhuli ko ang seryosong tingin ni Darcy. Na parang may ginawa kaming masama ng aking kaibigan.
“Cyrille, dapat hanapan mo rin ako ng partner kapag nasa Manila na tayo. Huwag mo akong itali roon sa bago mong negosyo.”
“Balak nga kitang gawin kong co-owner diyan. Ambagan mo na lang ako sa pambayad ng utang ko sa lolo ni Darcy,” aniko at sumimangot siya.
May sariling negosyo ang pamilya niya, iyon nga lang ay hindi niya bet para i-manage ito. Katulad ko rin na mas gustong mag-ayos ng sasakyan.
“Kaya ko namang mag-car rental na katulad mo. Pero baka lalo lang sumama ang loob ng pamilya ko. Malay natin isang araw ay pipiliin ko na lang na maging boss ng kompanya namin,” saad niya, wala naman akong nakikita na nagmamayabang lang siya.
“Tingnan na lang natin,” aniko at nagkibit-balikat pa.
“O siya, ibabalik na kita sa fiancée mo. Kanina ko pa napapansin na binabantayan niya tayo,” naiiling na wika niya.
“Hayaan mo siya,” sabi ko lang at kumapit na ako sa braso niya.
Nang malapit nang dumilim ay nagkaniya-kaniya na sa pagpapaalam ang aming bisita. Mababait ang relatives ni mama, kahit anak lang kami ni papa ay tinuring din nila kami na pamangkin at pinsan.
“Masakit na ang mga binti ko, Cyrille. Puwede bang magpahinga na ako sa loob?” I frowned.
“Tayo-tayo lang naman dito, e. Tumulong ka na lang,” sabi ko at marahan ko pa siyang tinulak.
“Cyrille naman. Nandiyan naman si Darrius. Hon, tulungan mo sila. Pagod na talaga ako,” sumbong nito sa nobyo niya na nagtutupi ng cover ng table. Napailing ako.
“Puwede na ba siyang magpahinga, miss? Nagpuyat pa iyan sa bago niyang gamot bago kami pumunta rito.” Ay kunsintidor. Halatang kampi sa girlfriend, ay.
“Sige na nga. Magmumukha pa akong kontrabida.” Nagpasalamat agad ang babae at inaya niya ang kapatid kong si Colette.
Nandoon pa sa kanilang table ang mga magulang namin ni Darcy. Nawiwili sila sa usapan nila.
“Ikaw? Mauna ka na ring magpahinga.” Inilingan ko lang ang lalaki na katabi ko na pala.
“Mamaya na. Tapusin na muna natin ito.”
“Okay,” tumatangong saad niya at nagtulong-tulong na nga kami.
Halos disposable ang gamit namin, kaya hindi na namin kailangan pang maghugas ng marami. Maliban na lang sa wineglasses.
Nang matapos na kami ay dumiretso na agad sa kanilang kuwarto ang dalawa kong kapatid na lalaki. Si Cooper ay pinili na lang ang mag-stay rito, gabi na raw kasi. Sumama na siya sa dalawa. Maaawa sana ako, ngunit compared sa kanila ay mas malakas sila kaysa sa akin.
Inabutan ako ni Darcy ng mineral water. “Thank you.”
“Ikaw, Darrius. Magpahinga ka na rin sa loob. Alam kong napagod ka kanina,” aniya sa kapatid. Tiningnan ko pa ito at tumango rin ako.
“Doon ka na sa kuwarto, kasama niyo nga lang ang kapatid ko, engineer.”
“Hmm, ayos lang.”
“Pero baka lilipat siya sa kuwarto—oh speaking of that.” I looked at Darcy. “Saan ka na matutulog? Limang kuwarto lang ang mayroon sa resort. Kung doon din magpapahinga ang parents mo at si Don Brill?”
“Matutulog na lang ako sa living room o kaya sa entertainment room,” sagot niya.
“Eh, ako? Saan naman ako matutulog?”
“Eh, ’di magtabi kayo.” Ang kapatid niyang si Darrius ang sumagot saka kami nito iniwan. Nagmamadali pa nga.
Napatikhim siya at nag-iwas nang tingin. Ibinigay ko sa kaniya ang mineral water, kalahati pa ang laman no’n.
“Ubusin mo na. Malinis naman ang laway ko,” biro ko. Tumitig pa siya sa mukha ko bago niya ito ininom. Napangiti na lamang ako. Bakit feeling ko ay nahihiya siya sa ideyang puwede akong matulog kasama niya?
“Hindi naman ako malikot matulog don’t worry,” I said to him. Hindi na tuloy siya makatingin nang diretso sa mga mata ko. Mahina akong napahalakhak. “Tara na sa loob. Magpahinga na rin tayo. Nakakapagod ang araw na ito, ’di ba?”
“Yeah, but it’s worth it kaya okay lang,” aniya na ngumiti rin siya.