CHAPTER 14

1836 Words
Chapter 14: Brown out BAGO kami pumasok sa entertainment room ay nagtungo na muna siya sa kuwarto niya, para kumuha ng dalawang unan at saka kumot. Naghintay naman ako sa labas. Nasa loob nga kasi ang parents niya, na marahil nagpapahinga na rin. Hindi na nga kami nagpalit ng damit. Maski ako ay nahihiyang pumasok sa silid kung saan kami natulog kagabi ni Colette. Mayamaya lang ay lumabas na siya. “Are you sure it’s fine with you na matulog sa entertainment room?” nababahala niyang tanong. Akap-akap na niya ang mga bagay na kinuha niya. Basta komportable ang higaan ko ay makatutulog naman ako. Nang hindi naman ako inaabala at walang ingay sa paligid. “Oo naman,” sagot ko na sinabayan nang pagtango. Concern citizen masyado ang isang ito. “All right. Let’s go,” aniya at nang nagsimula siyang maglakad ay agad na akong sumunod sa kaniya. Naka-off pa ang ilaw pagpasok namin at tumambad din sa amin ang malaking entertainment room. Talagang maganda sa loob at ang laki ng TV niya. Sa tingin ko ang nakatakpan doon sa makapal na puti at itim na kurtina ay pader iyon na gawa sa salamin. Natitiyak ko na magandang tanawin ang makikita roon. May sofa naman sa loob, kaso single lang. Ayokong matulog diyan kahit idikit pa sila. “Gusto mo ba riyan sa sofa? Marami naman at puwedeng higaan,” pukaw niya sa atensyon ko. Inilingan ko siya. “Ayoko riyan. Kahit hindi ako malikot matulog ay hindi ko susubukan na matulog diyan,” sagot ko naman sa kaniya. Naglatag na lang siya nang higaan namin at ako naman ay lumapit sa rack, namamangha ako sa dami ng CD doon. May DVD player din siya. Ang laki rin ng speaker. Parang kompleto ang mga gamit niya rito. “May horror movie ka ba rito?” I asked him. Isa-isa ko nang tinitingnan ang CD. “Yeah,” tipid niyang sagot at napatango-tango naman ako. “You like horror movie?” “Oo. Isa iyon sa favorite movie ko. Next time manood tayo kasama ang mga kapatid ko.” Natatawa ako sa tuwing naaalala ko kung paano sumigaw ang bunso namin at kung paano naman kami na parang nagpapaligsahan ni Cy na manood nang hindi nagugulat sa sound effects. Si Calder naman na wala pang sampung minuto ay makikita mo na lang siya na mahimbing na ang tulog. Boring daw panoorin ang horror movie. Mas gusto niya iyong action. Pero kahit hindi niya forteng manood ay nanatili pa rin siya kasama namin. Nagigising lang siya kapag tapos na at saka siya papanhik sa kuwarto niya. Sa sala kasi kami nagmo-movie marathon. Pagkatapos nga no’n ay diretso kusina kami ni Cy, hahanap ng pagkain dahil nagutom sa kasisigaw. Kaya masasabi ko na mas maganda nga ang may kapatid ka na makakasama mo sa lahat ng bagay na gagawin mo. “Okay.” Tipid-tipid talaga siya kung magsalita. “Ikaw? Ano’ng paborito mong pinapanood?” “Wala.” “Ano’ng wala?” Nilapitan ko na siya at pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya. Mabagal siya, dahil gusto niyang maayos ang paglalagay niya ng higaan. “Hindi ako mahilig manood ng kung ano-ano,” sagot niya para lang magulat ako sa nalaman. Seryoso ba siya? Kahit ba noong bata pa siya ay wala siyang pinanood na cartoons? “Noong bata ka pa, hindi mo sinubukan?” curious na tanong ko pa rin. Siya lang yata ang lalaking nakilala ko na walang interes na manood ng kung ano mang teleserye. Hindi kaya boring and childhood nito? Kahit noong bata pa ako ay mahilig na akong manood ng TV. Isa na iyon sa panlibangan ko, bukod sa manood kay papa sa pag-aayos ng mga sasakyan at sumubok din na mag-ayos. “I tried, but I never like it.” “It seems boring ang childhood mo kung ganoon,” komento ko. Bahala na siya sa iisipin niya na prangka ako para lang sabihan siya nang ganoon. Dahil talagang boring naman. “I’m not really fond of that. But nope. Hindi boring ang childhood ko,” depensa niya saka siya tumingin sa akin. “Ikaw ba naman na maraming pinsan? Marami kang puwedeng gawin na kasama sila, kahit hindi na ang mag-movie marathon.” “Ganoon ba iyon? Ano naman ang ginawa ninyo ng pinsan mo?” tanong ko na naman, na punong-puno ng kuryusidad. Advantage na rin ito, para mas lalo ko siyang makikilala. “Basta marami, and I can’t tell you kapag inisa-isa ko,” aniya at nagkibit-balikat pa. Halata nga na hindi niya kayang sabihin na isa-isa. “Kung ganoon ay madalas kang nasa bahay ng mga pinsan mo?” “Yes, nasa iisang subdivision lang kami nakatira,” marahan na sagot niya at tinapik ang higaan. “Come on. You need to rest, miss. Doon na lang ako sa sofa matutulog.” Hinubad ko ang tsinelas na ibinigay niya sa akin last time. “Ayaw mong tumabi sa akin?” mahinang tanong ko. “Nope. Baka hindi ka maging komportable sa presensiya ko.” Totoong gentleman nga siya. Kung ibang lalaki lang siya, siguro ay hindi na magdadalawang isip na sumagot na sige ba, tabi tayo. “Sige, ikaw ang bahala,” aniko at humiga na lamang ako. Inayos pa niya ang kumot ko at titig na titig na naman ako sa guwapo niyang mukha. “Saka na tayo magtabi kung palagay na ang loob mo sa akin,” pagbibigay linaw na saad pa niya. I nodded na lang para maputol na ang conversation namin at nang makapagpahinga na. “Matulog ka na rin,” anas ko. “Good night, miss,” sabi naman niya at tumayo na para lapitan ang sofa, bitbit ang isang unan at manipis na kumot. “Hihinaan ko lang ang aircon, ha?” “Okay,” sagot ko at himikab pa. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko. Naririnig ko pa rin ang mararahan na kaluskos na mula sa direksyon niya. Katulad nga nang sinabi ko ay makakatulog agad ako kapag komportable ang higaan ko. Ngunit naalimpungatan na lang ako na parang naliligo na ng sariling pawis. Nang imulat ko ang paningin ko ay dilim lang ang bumungad sa akin. Napaungol ako sa inis. Ayoko talaga na ganito kadilim. Tapos parang uminit din sa loob. “Ano’ng nangyari? Brown out ba?” nagtatakang tanong ko sa aking sarili. Napaupo ako at sinikap na tumingin kay Engineer Darcy kung gising din ba siya. Sobrang init na talaga at parang ang hirap huminga. Wala pa naman sa akin ang cell phone ko. Halos pagapang akong lumapit sa kaniya. Gigisingin ko na lang siya kapag natutulog pa rin siya. Siguro hindi niya lang napansin na wala ng ilaw at hindi na nga umaandar ang aircon. Agad ko siyang niyugyog sa balikat nang makarating na ako sa sofa. “Hmm...” Tanging ungol lang ang ginagawa niya, kahit ilang beses ko pa siyang alugin. “Engineer, gumising ka. Darcy,” muling tawag ko sa pangalan niya at tinapik-tapik ko na ang pisngi niya. Naramdaman ko na gumalaw siya sa higaan niya at magigising na rin yata siya. “Miss? What’s wrong?” Ang boses niya ay namamaos. Dahil siguro kagagaling niya lang sa pagtulog at inaantok pa siya. “Brown out yata. Labas tayo. Ayoko na rito, sobrang init sa loob. Kanina pa ako pinagpawisan, hindi mo man lang naramdaman na parang sinusunog ka na?” “Ah, sorry.” Napasimangot ako nang mag-sorry lang siya. Nang mapansin niya marahil na nakaupo ako sa sahig ako ay hinawakan niya ang aking siko. Pinaupo niya ako sa sofa saka niya yata hinanap ang cell phone niya at pinailaw ito. “May nakikita ka?” nagtatakang tanong ko. “Yes. Bakit takot ka sa dilim, miss?” Umiling ako. “Hindi naman. Sanay kaya ako sa dilim. Pero sa sobrang init ay hindi. Tara na, lumabas na tayo,” anyaya ko pa sa kaniya at hinawakan ko ang manggas ng damit niya. “Nasaan kaya si Darrius at hindi binuksan ang generator para magkailaw?” nagtatakang tanong niya. Naramdaman ko ang kamay niyang nasa likod ng aking baywang at naglakad na kami patungo sa pinto. “Hindi niya rin siguro napansin? Baka tulog din?” tanong ko. Nang pihitin niya ang doorknob ay hindi iyon agad nabuksan. Sinubukan niya pa uli, pero wala pa ring nangyayari. “Ano na? Bakit ayaw magbukas niyan? Nakakandado sa labas?” “Ewan ko. Wala namang magsasarado nito kung walang nakapasok saka nasa loob tayo,” problemadong saad niya. Kahit ano pa ang gawin niya riyan ay kung ayaw magbukas ay talagang wala siyang magagawa. “Hayaan mo na. Ikaw lang ang mapapagod diyan. Buksan na lang natin ang bintana,” sabi ko at bumitaw na ako sa kaniya. “Walang bintana rito. Gawa sa salamin ang pader diyan.” Napahinto ako sa sinabi niya. “Eh, paano kung lagi ganito ang mangyayari? As in wala ng hangin ang papasok dito sa loob?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Darcy. “Kaya nga may generator power tayo,” sagot niya at napasapo na lamang ako sa aking noo. “Kaloka,” iyon na lamang ang katagang lumabas sa bibig ko at pasalampak na umupo ako sa sofa. “Tatawagan ko ang kapatid ko,” wika niya. “Huwag na. Matulog na lang tayo ulit. Ano’ng oras na ba?” I asked him. “2:12 pa lang nang madaling araw,” aniya. Napabuntong-hininga na lamang ako. Ilang oras pa kaming magtitiis dito? Dahil hawak niya ang phone niyang umiilaw ay malinaw kong nakikita ang paglakad niya sa patungo sa TV at mayroon siyang kinuha roon. “Come here. Papaypayan na lang kita.” Tumaas ang sulok ng mga labi ko. Parang gusto ko ang idea na iyon, ah. Bumalik na ako sa higaan ko at tinapik ko rin ang space ko. “Humiga ka na rin,” sabi ko. “Patutulugin na lang muna kita.” I let a short laugh. “Engineer, hindi na po ako bata.” “Okay sabi mo iyan, ah.” Napangiti na lamang ako nang tumabi na siyang higa sa akin at sinimulan na rin niya akong paypayan. Naramdaman ko lang ang paggapang ng kamay niya sa may likod ko. “Ang likot ng kamay mo, engineer,” komento ko. “Basa ang damit mo. May... may suot ka bang iba maliban dito sa blouse mo?” tanong niya na parang nag-aalangan din. “May sando akong suot,” sagot ko. “Uhm, puwede mong...” Napahinga siya nang malalim. “Just remove it. Baka magkasakit ka pa.” “Okay,” masunuring sagot ko at umupo ako upang hubarin ang aking blouse. Nakapatay na ulit ang phone niya. Naging komportable na ako, dahil may instant human electric fan na ako. “Thank you,” I uttered. Bago ako nakatulog ay naramdaman ko pa ang pagyakap niya sa akin at kasabay nang paghalik niya sa noo ko. Nakatulog tuloy ako na may ngiti sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD