Chapter 15: Breakfast
NAGING payapa ang tulog ko at nang magising ako ay maliwanag na sa labas. Makikita iyon sa pader, dahil nakahawi ang kurtina. Napatingin naman ako sa aircon na maririnig ang ingay nito. Ano’ng oras kaya bumalik ang kuryente kagabi?
Wala na sa aking tabi ang inhenyero, marahil ay nasa labas na siya. Mas nauna pang nagising kaysa sa akin. Bumangon ako at nag-stretch ng aking mga braso.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok na nga ang taong kanina pang laman ng isip ko. Kahit kagigising ko pa lang. Eyy.
“Kumusta ang tulog mo? Hindi ba masakit sa likod?” marahan ang boses na tanong niya. Nag-ayos na muna ako nang higaan namin.
“Okay lang naman,” sagot ko at hindi pa rin siya nakatiis na lapitan ako para lang tulungan ako sa ginagawa ko. “Kailan nagbalik ang kuryente kagabi?”
“Bumalik din agad, nasa kalahating oras yata,” he answered at napatango na lamang ako. Sa tingin ko ay matagal pa rin iyon. Halos maligo na nga ako sa sarili kong pawis.
“Eh, ’di bumalik ka na rin sa higaan mo roon?” usisa ko at itinuro ko ang dapat sana niyang higaan.
“Hindi na. I’m too sleepy para lumipat pa ako roon.” Sinilip ko ang mukha niya. Wala naman akong nakikita na dark circle sa ilalim ng mga mata niya. Mabuti naman kung ganoon. Ayokong mapuyat siya, dahil lang pinaypayan niya ako kagabi. Lumalabas na ang arte-arte ko.
“Sabagay kahit nga ako ay hindi na lilipat pa kapag inaantok na ako,” segunda ko naman.
Kinuha niya ang hinubad kong blouse kagabi na maayos na rin itong nakatupi. Inabot niya iyon sa akin.
“Wear this again. Sabay-sabay tayong kakain ng breakfast sa labas. Maagang nagising ang mama mo at si mommy para lang maghanda. Pati na iyong kaibigan mo. Miss, ikaw lang ang hindi tumulong sa kanila. Maski ang kapatid mo ay maaga ring nagising.” Pinagtaasan ko siya ng kilay.
“Bakit hindi mo ako ginising kung ganoon?” masungit kong tanong. Tipid lang siyang ngunit at pinisil ang pisngi ko. Malakas kong hinampas iyon.
“I’m just kidding, baby.” Higit na tumaas ang kilay ko.
“Don’t baby me, engineer. Hindi na ako bata at saka hindi tayo close para mapisil-pisil mo ang pisngi ko. Tse!” Inirapan ko pa siya at naunang nagmartsa palabas.
“Wait up, miss! Sabay na tayo!” pahabol na sigaw niya. Hindi ko na lang siya pinansin pa. Nagtuloy-tuloy na ako.
Alam ko na may banyo sa may kusina, kaya tumuloy ako roon para magmumog at manghilamos.
Paglabas ko nga lang ay nagulat ako nang makita siya sa labas. Nakasandal sa pader na malapit sa pinto.
“Bakit hindi ka pa naunang lumabas?” tanong ko.
“I told you na sabay na tayo,” aniya at inilahad pa niya ang kaniyang palad. Napailing na lamang ako.
“Don’t tell me clingy type ka?” Pinagtaasan ko pa siya ng kilay.
“You can say that,” sagot niya at hinawakan ako sa likod. Kaya napasama na lang ako sa kaniya sa paglalakad.
Gusto kong magtago sa likuran niya nang paglabas namin ay nakatutok lahat ang atensyon nila sa amin.
Nararamdaman ko pa ang marahan niyang pagtulak at nang makalapit na kami roon ay hinintay ko siya na batiin ang mga ito. Pero ang hudyo ay ako pa ang gusto niyang unang magsalita. Napatikhim ako.
“Magandang araw po,” bati ko sa kanila sabay hila ko sa laylayan ng t-shirt ni Darcy.
“Good morning,” casual na bati niya lang. Pinaghila niya ako ng upuan at lahat talaga sila nakabantay sa amin.
Nang tingnan ko ang mga kapatid ko, lalo na si Cy ay ang lapad-lapad ng ngisi niya. Si Calder naman ay ngumiti lang. As usual si Colette ay busy na sa pagkain niya, mas nauna pa siyang kumain.
“Come on, let’s eat,” sabi ni Don Brill. Nang akmang lalagyan ni Darcy ng kanin ang plato ko ay siniko ko siya.
“Ako na, kaya ko naman,” aniko. Mahina lang ang boses ko para hindi ako marinig ng iba naming kasama.
Naiilang din kasi ako at hindi ako sanay sa ganitong treatment. Iyong may lalaking nag-aalaga sa akin. Kahit na parang may nakakapa ako sa aking dibdib na tuwa. Ngunit ayokong mas ma-attach lalo. Masyado pang maaga kaya kailangan ko na munang pigilan itong emosyon ko na nagsisimula nang mamuo.
“All right,” sabi niya lang at nagkibit-balikat.
“Mukhang nakatulong sa inyo ang tumuloy rito sa resort. Hindi na ba kami mahihirapan na ipagkasundo kayo, mga apo?” Si Don Brill ang nagsalita. Halata sa boses niya ang saya nang malaman niya na mukha ngang okay na kami ng apo niya.
Kahit na ang totoo ay nahihiya pa rin ako na pakisamahan ang inhenyero. Ngunit aaminin kong masaya naman itong kasama, even though tahimik din siya.
“Mukhang wala na nga tayong problema, Don Brill,” singit naman ni papa. Plano talaga nila na paglapitin kaming dalawa at para matuloy ang kasunduan nila.
Bakit nga ba hindi tumanggi ang isang ito? Sunod nang sunod sa kagustuhan ng pamilya niya.
“Saan pala kayo natulog kagabi, anak?” tanong ng mommy niya. Bumilis tuloy ang t***k ng puso ko.
Mamaya niyan ay paghinalaan kami na may ginawa kami sa entertainment room, dahil kaming dalawa lang ang natutulog doon. Base rin sa tanong ng ginang ay pati ako damay sa tanong niya.
“Sa entertainment room po, mom,” sagot ni Darcy at naglagay ng ham sa plate ko. Sabi na ako na, e. Ang kulit din niya.
“Sa entertainment room? Naka-off ang ilaw kagabi, kuya. Inutusan ako ni grandpa. Doon ba talaga kayo natulog?” tanong ng kapatid niyang engineer. Ako naman ang napahinto sa pagkain.
Napatingin sa lolo nila na mahinang natawa lang. “Well, hindi ko naman alam na natulog kayo roon.”
“Eh, paano niyo po nalaman na magkasama kami?” sabat ko naman.
“Cyrille, malamang iisipin namin. Dahil natulog kami ni Darrius sa kuwar—uhm, wala po kaming ginawa, ha?” Isa pa ang babaeng ito. Silang dalawa nga ang natulog sa kuwarto namin ni Colette. I don’t mind naman.
“Pero bakit niyo po pinatay, grandpa? Alam ninyo naman po iyon na lang ang available na kuwartong puwede naming tulugan ni Cyrille?” tanong ni Darcy, para lang uminit ulit ang magkabilang pisngi ko.
“Kailangan ba talagang magkasama kayo, apo?” nakangising tanong ni Don Brill. Ano ba naman ’yan? Akala ko ba kakain lang kami ng agahan? Pero bakit may tanungan na sila na ganito?
“Grandpa, alangan naman po na pabayaan ko ang fiancé ko?” Napahimas ako sa lalamunan ko. Parang biglang kumati, e.
“Kahit saan mo patulugin ang aking anak, hijo ay makakatulog iyan. Basta komportable ang higaan niya,” sabat ni mama at naramdaman ko ang paglingon sa akin ng katabi ko.
Nang sinalubong ko ang tingin niya ay parang naaaliw pa siya. Pinagtaasan ko tuloy siya ng kilay.
“So, komportable nga ang higaan mo kagabi kahit nasa sahig lang tayo?” tanong niya at hindi na ako nakasagot pa.
Hindi lang pagkain ng agahan ang nangyari ng araw na iyon. Pinag-usapan din nila ang engagement party namin. Gusto ko mang tumanggi ay tila wala na akong choice pa. Sila na rin ang nagsabi na hindi naman kami ikakasal agad-agad.
Under renovation pa ang bahay namin, pero nagtungo na agad ako sa Manila para simula ang business ko. Ayaw sana ni Darcy na bumiyahe akong mag-isa. Ngunit kailangan niyang magtrabaho, dahil tatapusin niya ang renovation ng bahay.
Alam kong magtatagal pa iyon. Kasama ko naman si papa sa unang araw na inasikaso namin ang car rental. Kasama ko rin naman si Cooper, na na-excite nang makita ang magiging working place niya.
Pansamantala ay nanatili na muna ako sa condo ng best friend ko. May bahay naman sila, subalit madalas ay wala ang mama niya. Kung saan-saan daw ito pumupunta. Ayoko namang mag-stay sa bahay nila kung wala roon ang kaniyang ina.
Plano ko rin naman na magkaroon ng sariling kuwarto sa car rental. Samantalang si Cooper ay may bahay na uuwian.
Ilang linggo pa ang lumipas ay saka ko lang ulit nakita si Engineer Darcy, ngayon daw ay hindi na siya kailangan doon. Patapos naman daw.
“See you later, miss. Papunta na ako sa car rental.” Iyon ang mababasang mensahe na natanggap ko. Nakapangalan sa phonebook ko na Engineer Darcy.
“Okay” lang ang reply ko. Never naman akong nagte-text ng mahaba. Madalas niya akong ina-update, pero minsan ay hindi ko siya nire-reply-an. Hindi lang dahil ayaw ko. Nakatatamad din kasi at hindi ko nakahiligan ang cell phone.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon. Sumilip sa bahagyang nakabukas na pinto si Cooper.
“Boss?” I frowned.
“Huwag mo nga akong tawaging ganyan,” nakasimangot na sabi ko.
“Bakit? Boss naman kita, ah. Tara kain tayo sa labas, boss.” Umikot ang mga mata ko.
“Ayoko. Wala akong ganang kumain ngayon at higit akong mawawalan ng gana kapag boss ang itatawag mo sa akin,” malamig na sabi ko pa.
“Bumabalik yata ang suplada side mo, Cyrille. Bahala ka na nga riyan. Magugutom ka sige ka.” Nagkibit-balikat lamang ako at hindi ko na siya pinansin pa.
I checked my wristwatch. 12:30 na nga ng hapon. Ano’ng oras kaya pupunta rito ang engineer na iyon?