CHAPTER 16

1654 Words
Chapter 16: Suggestion NASA ilalim ako ng sasakyan habang inaayos ko ito. Sa tagal kong paghihintay sa inhenyero ay nabagot ako sa kauupo na walang ginagawa, kaya nagtrabaho na lang ako. Sa halip na sumama ako kanina kay Cooper para kumain. Kung hindi lang siya nagsabi kanina na pupuntahan niya ako ay wala sana ako rito. Pero mas mabuti na nga ang nagsabi siya. Hahanapin niya lang ako kapag hindi niya ako nakita rito. Focus na focus ako sa pag-aayos nang may humila sa mechanic creeper ko. Muntik na akong mapatili sa gulat. May gulong ang creeper, kaya niya ring ginawa iyon. Napasinghap pa ako nang bumungad sa aking paningin si Darcy. Nasa paanan ko lang siya no’n, pero gumapang siya sa ibabaw ko. “Hoy, ano’ng ginagawa mo?” naiinis kong tanong sa kan’ya. Gusto ko sana siyang itulak, kaya lang marumi ang handgloves ko. Sa ayos niya ngayon ay ako ang natatakot na marumihan ko siya. “It’s already lunchtime, miss. Why are you still working?” tanong niya at saka siya umalis sa ibabaw ko. Naglahad siya ng kamay para tulungan akong makabangon. Hinubad ko na muna ang suot kong handgloves at inabot ko ang kaniyang kamay. Buong puwersa niya akong hinila saka pinakawalan nang tuluyan na rin akong nakatayo. “Kanina pa kita hinihintay. Sa tagal mong dumating ay nagtrabaho na lang ako,” paliwanag ko sa kaniya. Napatingin pa siya sa car rental ko. Maganda ang place na napili ni papa. Ang space nito sa labas ay puwede mong maging tambayan. May mga upuan doon, puwede rin na mag-testing ka ng bago mong sasakyan. Salamin ang pader ng building, yes may second floor ito. Balak ko sanang gawin na kuwarto ang kalahati no’n. Maliban sa pag-i-import namin ng sasakyan ay nagbenta na rin kami ng mga gamit ng kotse. Kompleto na iyon. Kahit bago lang ay nagkakaroon naman kami ng customer. “Sorry, kadarating ko lang talaga ngayon. Dumaan na ako kanina sa resto para bumili ng pagkain.” Itinuro niya ang counter kung saan niya inilapag doon ang dala niyang echo bag. Kumunot lang ang noo ko, dahil may punpon ng bulaklak sa tabi nito. Sabay kaming lumapit doon at kinuha niya ang bulaklak para ibigay iyon sa akin. Nagdadalawang isip pa ako, kung kukunin ko na ba iyon o tatanggihan. “Alam mo? Hindi ako mahilig sa ganito, e. Pero dahil ayokong masayang ang bulaklak ay sige na lang. Tatanggapin ko na siya,” aniko at tinanggap ko na iyon. “It’s okay. Puwede mo namang sabihin sa akin kung ano pa ang hindi mo gusto,” aniya. Inaya ko siyang pumasok sa staff room. ’Sakto lang ang laki nito, may mahabang mesa roon. Maglalagay rin sana ako ng mini-kitchen dito para hindi na kami lumalabas pa para kumain. “Maupo ka.” Ibinaba ko sa mesa ang dala niyang bulaklak. “You’ve secured a nice spot. It’s also not along the road, so it’s safer from accidents, and there’s a parking area outside,” wika niya na ikinatango ko lang. “Sina papa at Don Brill yata ang pumili ng puwestong ito.” Naghugas na muna ako ng kamay at isa-isa na niyang inilabas ang mga pagkain na binili niya. “Grandpa. Iyon ang itawag mo kay grandpa.” “Okay,” sabi ko lang. Hindi ko na kailangan pang kumuha ng tubig. Bumili rin siya ng mineral water. “Dalawa lang ba kayo rito ng kaibigan mo? Hindi ka kukuha ng bagong empleyado mo?” tanong niya. “Saka na kapag marami na kaming customer. Sa ngayon ay dalawa na lang muna kami,” aniko. Tiningnan ko pa siya na parang hindi satisfied sa sinagot ko. “Ano?” Pinagtaasan ko pa siya ng kilay. “Kayong dalawa lang ba talaga?” “At ano na naman ang iniisip mo, Engineer Darcy?” I asked him. “Nothing. Kumain na lang tayo,” aniya at hindi ko na siya inusisa pa. Tahimik lang kaming kumakain, pasulyap-sulyap nga lang siya sa akin. Tipid na ngingiti lang din siya. Ipinapakita na niya sa akin ang ganitong side niya. Hanggang sa natapos kami ay nakabalik na rin si Cooper. “Oh hello, engineer,” bati pa niya kay Darcy. “Tapos ka nang kumain, Cyrille?” “Ano sa tingin mo?” balik kong tanong sa kaniya at tinatapon ko na sa trashbin ang disposable plates na ginamit namin. “Malamang tapos ka na. Nandiyan na ang fiancé mo. Nakasabay ko nga pala kanina ang ex mo.” Natawa siya nang makita ang reaksyon ko. “Ex-suitor mo, ma’am,” pang-aasar pa nito saka siya umakyat sa second floor. Hinarap ko si Darcy, nakatingin din siya sa itaas at nagtataka yata kung ano ang mayroon doon. “I-check mo kung gusto mo. Balak kong gawing kuwarto ang kalahati ng second floor,” paliwanag ko sa kaniya. “Kuwarto?” he asked in confused. I nodded. “Gusto mong mag-stay rito sa car rental mo, miss?” Muli lang akong napatango. “But hindi naman ito safe.” “Basta gusto ko. Ayokong mag-stay sa condo ni Lyka. May kalayuan dito, e,” aniko. Kumiling lang ang ulo niya. “Umuwi ka na lang muna at magpahinga. Kadarating mo lang, pero dumiretso ka agad dito.” “Miss, hindi ka puwedeng mag-stay rito. Mas mainam ang umuuwi ka,” giit niya. Isa lang ang ibig sabihin no’n. Ayaw niya akong matulog dito ng mag-isa. Sabagay nga naman, tama siya na hindi safe. Pero matibay naman ang mga pinto rito. Hindi na hassle sa akin ang magtrabaho. Bubuksan ko na lang ang rental at makaka-save pa ako ng gas ko sa motor. “Hindi ba’t ayaw mo rin na lagi akong naka-motor? So, pabor na sa ’yo,” aniko at napailing naman siya. “I can’t let you stay here, miss. Okay lang sana kung may kasama ka, pero kahit babae pa kayo pareho ay hindi pa rin puwede,” matinding pagtanggi niya. Parang ang strict niya lang, ngunit hindi naman ako nakaramdam nang kung ano. Dahil alam kong concern lang naman siya sa akin. “Kung gusto mo ay samahan mo na lang ako rito. But of course, sa kabilang kuwarto ka matutulog.” Unti-unting nawala ang pagkakunot ng kaniyang noo at tila napaisip siya tungkol doon. “Mapapalayo ka nga lang sa working place mo kapag nag-agree ka sa suggestion ko. Subalit final ang decision ko na pagagawaan ko ito ng sarili kong kuwarto. Don’t sorry, ido-double ko ang lock at may CCTV camera naman ang building na ito. Isa pa, may malapit na police station di—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sumabat na siya. “Okay, I can stay here with you. Ako na ang bahala sa pagpapagawa mo ng kuwarto sa second floor. Titingnan ko na lang,” sabi niya, ang bilis magdesisyon at parang hindi rin yata nag-iisip ang isang ito. Basta na lamang siyang nagpasya, baka nga dahil lang sa akin. Pinapanood ko lang ang pag-akyat niya. Seryoso talaga siya. Bahala na nga siya, gusto naman niya yata tumira kasama ako. Isa pa wala naman sigurong malisya roon. Hindi naman iyon matatawag na live in. Magkaiba kami nang tutulugan, kahit na nasa iisang bubong lang kami. Wala naman sigurong makaaalam tungkol doon, e ’no? Hindi naman nagtagal ay sabay silang bumaba ni Cooper. “Sasabihin ko kay Cyrille, na puwede kaming mag-hire pa ng ibang empleyado. Kailangan din namin yata iyon, dahil darating na naman ang bago naming sasakyan galing sa Switzerland. Pansin ko rin na dumarami ang customer namin. Sa pagbili lang ng mga materyales. Boss?” Iyon ang narinig kong usapan nila habang pababa na sila. “Sinabi ko na sa ’yo na huwag mo akong tawagin na ganoon. Gusto mo yatang palitan kita,” banta ko. “Mag-hire tayo ng magbabantay sa counter, Cyrille. Mukhang ikaw pa ang empleyado, dahil nag-aayos ka rin ng mga nasirang makina ng sasakyan, e.” “Hula ko na suggestion ’yan ng katabi mong engineer?” aniko nang hindi ko sila tinitingnan. “Concern lang ang fiancé mo, boss.” “Isa, Cooper.” Binalingan ko na siya at sinamaan nang tingin. “Okay, okay,” natatawang sabi pa niya at nagtaas pa ng dalawa niyang kamay. I looked at Darcy, nginitian ko pa siya pero mabilis na akong nag-iwas nang tingin. Bumalik na kami sa pagtatrabaho at sa may lobby lang nakaupo ang inhenyero. May magazine sa round table at iyon ang pinagkakaabalahan niya. Kahit sinabi kong umuwi na muna siya ay nag-stay pa rin siya rito. Hihintayin na lang daw niya na magsara kami at sasabay na siya. Ang kasama ko naman ay napapansin ko na parang may kinakausap siya, naka-earpad din kasi siya at halatang may katawagan. Nang sumapit na ang oras ng pagsasara namin ay nilapitan ko na si Darcy. Nakatulog na siya mula sa kinauupuan niya. “Sabi ko naman sa ’yo umuwi ka na, pero ang tigas pa rin ng ulo mo, e.” “Hindi ko pa alam kung saan ka tumutuloy ngayon, miss,” pagdadahilan niya at inayos niya ang kaniyang sarili. Namumungay ang mga mata niya, dahil kagigising niya lang. “Sa condo nga ng girlfriend ng kapatid mo. Minsan lang umuuwi ang gagang iyon, nagli-live in na ba sila ni Engineer Darrius?” “I don’t know, miss. Hayaan mo na sila. Hindi na sila mga bata pa.” “Mauna na ako, Cyrille!” paalam ni Cooper at kumaway pa. Tinaguua ko na lamang siya. “Dala ko ang motor ko, engineer.” “Sumabay ka na lang muna sa akin ngayon, Cyrille.” Mapilit siya, ah. Inunahan ko na siyang lumapit sa kotse niya at diretso akong pumuwesto sa driver’s seat. “Miss.” “Ako na ang magda-drive. Kagigising mo lang, baka maaksidente tayo,” sabi ko. Tumango-tango na lamang siya at dumiretso na sa passenger’s seat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD