CHAPTER 17

1275 Words
Chapter 17: Stay “PASOK ka,” anyaya ko kay Engineer Darcy pagkabukas ko ng pinto ng condo ni Lyka. Lumapit naman siya sa ’kin at hinawakan ako sa likod para marahan na itulak. Nakuha ko naman ang gusto niyang ipahiwatig. Nauna na akong pumasok sa loob, saka siya sumunod. Tiningnan pa niya ang kabuuan ng unit ng best friend ko. Alam kong mas malaki pa rin ang unit nilang magkapatid. Studio-type lang naman kasi ito. Isa lang ang kuwarto. Pero kapag nandito si Lyka ay sa sofa ako natutulog. Minsan nga ay inuunahan ako ng babaeng iyon, para lang doon ako matulog sa kaniyang kuwarto. “This is nice,” komento niya. Itinuro ko ang mga upuan na agad naman niya akong naintindihan. “Kukuha lang ako ng maiinom,” paalam ko, ibinaba sa mesa ang punpon na bulaklak na bigay niya. Sandali pa niya akong tinitigan at nang wala naman siyang sasabihin ay saka ako tumalikod. Binuksan ko ang ref, naghanap ng puwedeng maiinom niya. May beer pa nga rito, na hindi naman ako umiinom. “I want this.” Nabigla ako nang sumulpot na lang sa tabi ko si Darcy. Mabilis kong hinampas ang kamay niya. Beer ang kukunin niya, e. “Ouch. Masakit iyon, miss.” Hinarap ko siya na salubong ang aking kilay. “Hindi ka puwedeng mag-beer. Uuwi ka pa, ’di ba?” “Iyong soda na katabi ng beer ang kukunin ko,” aniya at agad niyang inabot iyon. Hinayaan ko na siya at isinara na lang ang ref. Napatingin ako sa itaas ng cabinet, kung saan na may mga garapon doon. “Gusto mo ng cookies or chips?” I asked him. Tiningnan niya ang itinuturo ko. “Okay na ’to, miss,” sagot niya sabay hila sa braso ko at sabay na kaming lumabas ng kusina. “Go on. Magpalit ka na muna.” Dalawang soda ang kinuha niya saka malaking chips. I nodded. Naligo na muna ako. Mamaya niyan ay iba na pala ang amoy ko, kaya niya ako inuutusan na magpalit na ng damit. Sinigurado ko na mabango nga ako paglabas ko ng kuwarto. Nakahihiya naman sa kaniya na parang lagi siyang fresh. Maluwag na itim na t-shirt ang suot ko, pajama naman pababa. Hindi na ako nag-abala pang patuyuin ang basang buhok ko. Ayoko namang maghintay siya sa labas. “Tapos na ba ang renovation ng bahay namin?” salubong na tanong ko. May TV sa sala, pero hindi niya iyon binuksan habang naghihintay siya sa akin. Nakatutok siya sa cell phone na hawak niya at nang makita ang pagdating ko ay agad niyang inilapag iyon sa center table. Tinapik niya ang space sa tabi niya. Kakaiba kung makatingin sa akin ang isang ito, ngunit hindi naman mukhang may masamang motibo. Nang makaupo ako ay binuksan niya ang isang soda saka ibinigay sa akin. Inalok niya rin ako ng chips na kinakain niya. “Tapos na, binilisan lang namin dahil luluwas ng Maynila ang pamilya mo.” Napahinto naman ako at tiningnan siya. “Bakit daw sila pupunta rito?” “Nag-imbita si grandpa, may family dinner tayo next week. Pag-uusapan na yata nila ang engagement party natin,” sagot niya. Ako naman ang kinabahan. Kapag nangyari iyon ay kasal na ang susunod. Inabot ko ang remote sa center table. Para buksan ang TV. Naramdaman kong nakatitig sa ’kin ang inhenyero. “Sa inyong magkakapatid at magpinsan. May sarili na ba silang pamilya? Parang nagmamadali kasi ang lolo mo na ikasal ka, e,” sabi ko at nilingon siya. “Wala. Ako ang mauuna kung sakali man. Ang alam ko lang ay may napupusuan na si grandpa para sa mga pinsan ko,” paliwanag niya. Napatango na lamang ako, dahil ngayon ay alam ko na. “Sino pala iyong katawagan mong si babe? Kailan ko makikilala iyon?” Nagtanong lang naman ako, dahil sa kuryusidad. Pero nakita ko ang dahan-dahan na pagtaas ng sulok ng mga labi niya. Kung hindi siya ngumungiti ay ganyan ang ginagawa niya, na para bang may naisip siyang kalokan na involve na naman ako roon. Sumandal ako sa headrest ng sofa, tinititigan siya habang kumakain ako ng chips. Wala yata siyang balak na sagutin ako, e. “Bukas, yayayain kitang lumabas. Abala rin ang taong iyon.” “Kaya naman pala sa condo mo na siya dadaanan para magkita kayo?” Hindi naman tunog istrikta ang boses ko. Casual lang talaga na minsan ay binibigyan niya ng meaning. “Malalaman mo kung bakit sa condo niya kami magkikita. Miss, alam mo? Bawal ang makinig sa usapan ng iba. Kung ano-ano lang ang iisipin mo sa kanila.” Na-gets ko agad iyon. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay. “Hindi kita pinaghihinalaan na may girlfriend ka, ah. Kung makatingin ka sa akin.” Napapailing pa ako at ginaya niya ang ginawa ko. “I didn’t say anything, baby.” I rolled my eyes. Hayan na naman siya sa pagtawag sa akin ng baby. Hindi na ako bata pa para tawagin niyang ganyan. Nakakaloka siya. “Gusto mong dito mag-dinner saka ka aalis?” pag-iiba ko na lang ng topic para wala na rin siyang sasabihin ng kung ano-ano. “Puwede rin na makitulog ako rito?” “Asa ka, hindi naman sa akin ang condo na ito para yayain kitang mag-stay rito, ’no. Uuwi ka agad after mong kumain nang panghapunan,” aniko. Ngumiti lang siya at hindi na nga nagsalita pa. Kahit hindi ko gawain ang magluto para sa hapunan ay ginawa ko iyon. Dahil ako ang nag-imbitang kumain ng dinner. Tahimik lang kami noong kumakain, nakikiramdam sa presensiya ng isa’t isa. Pagkatapos nga no’n ay pinauna ko na siyang lumabas. Naiwan ako sa kusina para maghugas ng pinagkainan namin. Pagbalik ko nga lang sa sala ay nakita kong nakatulog na siya sa sofa. Nakaupo pa rin pero nakasandal sa likuran ng sofa ang ulo niya. Kapag pinauwi ko pa sa ganyang kalagayan niya ay baka may mangyari pa sa kaniya na hindi maganda. Napabuntong-hiningang na lamang ako. Kumuha ako ng unan at kumot. Wala akong puso niyan kung hahayaan ko lang siyang matulog na hindi siya komportable. Samantala, noong nag-brown out ay pinaypayan pa niya para hindi ako mainitan hanggang sa nakatulog na rin ako. Inayos ko ang unan saka ko marahan na tinapik ang pisngi niya. Naalimpungatan naman agad siya. “Pinapauwi mo na ba ako, Cyrille?” inaantok niyang tanong at napahikab pa siya. “Hindi. Humiga ka na, bukas ka na lang umuwi. Sige na,” aniko. Napatingin siya sa unan na inilagay ko sa kinauupuan niya at humiga na nga siya. Mahaba naman ito na kasya sa height niya. Inayos ko ang kumot sa kaniyang katawan. “Matulog ka na rin, miss,” aniya. Mataman ko pang tinitigan ang mukha niya. Muli kong tinapik ang kaniyang pisngi. “Kawawa ka naman. Halatang napagod ka. Bakit kasi hindi ka nagpahinga agad nang pagkarating mo rito sa Maynila?” Hinuli niya ang kamay ko at napataas pa ang kilay nang patakan niya ito ng halik. “I just miss you, okay?” he uttered. Dahan-dahan pa siyang dumilat, mabagal ang pagkurap pero nakaaaliw tingnan na mahaba at malalantik ang kaniyang pilik-mata. “Hay naku, engineer. Matulog ka na lang.” Pinisil ko ang pisngi niya. Tumayo na ako at kinuha ang bulaklak. Inamoy ko pa ito. Hindi ako mahilig sa bulaklak, pero sige na nga. Kung siya naman ang magbibigay ay tatanggapin ko na lang. “Good night, baby.” I looked at him again. Nakapikit na ulit siya at kalmado na ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. Nakangiting iniwan ko na lang siya sa sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD