CHAPTER 18

1496 Words
Chapter 18: Meeting her BAGO pa man ako makaalis sa may sala nang marinig ko ang pagpindot ng passcode ng condo ni Lyka. Huminto na muna ako upang hintayin itong makapasok. Alam ko naman na kaibigan ko na ito. Alangan naman na ibang tao, e siya lang naman ang may-ari ng unit niyang ito? Pero bakit kaya ginabi ang isang ito? Well, ngayon pa lang yata siya umuwi. Parang gusto nang manirahan kasama si Engineer Darrius. Wala namang problema ro’n, pareho na silang nasa tamang edad at pag-iisip. Siya na nga ang pumasok na maarteng bitbit pa niya ang handbag niya. Nasa braso niya ang hinubad niyang pink na coat at messy pa ng buhok niya. Pero maganda pa rin ang gaga. “Hi, Cyrille. Nakauwi ka na pala,” bati niya nang makita ako. Hinubad pa niya ang suot niyang heels saka inilagay sa rack. “May kasama ka ba? Nagdala ka ng boys?” “Nandito si Darcy,” sagot ko na mabilis pang sumulyap sa natutulog na engineer. “FYI, Lyka. Without s, dahil isang lalaki lang naman ang dinala ko rito, ’no. Masyado kang OA kapag marami na akong dinala rito,” pagtatama ko pa. Akala mo naman ay nasanay na siya sa akin na maraming lalaki ang inuuwi ko rito sa place niya. As if, may iba akong dadalhin na ibang lalaki, ’di ba? “Ah, your fiancé. Kaaalis lang kanina ng boyfriend ko.” Walang duda na magkasama nga sila ng boyfriend niya. Malamang ay hinatid siya nito. “Ngayon ka lang umuwi, e. Alam ko,” naiiling na sabi ko. Ngumiti lang siya at tiningnan ang bulaklak na dala ko. “Ang sweet ng engineer mo, ha. May bulaklak pa siya. Ang alam ko ay hindi ka mahilig sa ganyan,” komento niya, na kilalang-kilala na talaga ang mga bagay na ayaw ko. “Bakit iyong sa iyo ba ay hindi?” nakataas ang kilay na tanong ko. Mahina lang siyang napahagikhik. “Yes, hanggang sa kama ay sweet iyon.” “Lyka Ann,” mariin na sambit ko sa pangalan niya. Tama ba namang i-share pa niya iyon? “Joke. ’Lika na. Magpahinga na tayo sa kuwarto,” aniya. Muli ko pang tiningnan si Darcy bago ako nagpahila kay Lyka. “Kumain ka na ba ng hapunan mo?” I asked her. Bahagya lang siyang tumango. “Nanlibre din ang engineer ko, e,” she replied. Humiwalay rin ako nang makapasok na kami sa kuwarto niya. Alam ko kasi na maliligo pa iyan siya bago matutulog. Inilagay ko na muna ang bulaklak sa flower vase niya, saka humiga sa kama. Mabilis din akong dinalaw nang antok. KINABUKASAN nga ay si Darcy ang nagluto ng agahan namin. Naabutan ko silang nag-uusap ni Lyka at napapansin ko ang pagtawag niya rito. “Kuya? Iyon ang tawag mo sa kaniya?” singit ko sa usapan nilang dalawa. Nagulat pa nga ang best friend ko. “Kaartehan ng boyfriend ko, e,” sagot niya at nagkibit-balikat pa. Umupo na ako sa tabi niya. Binalingan ko ang inhenyero. Suot-suot niya ang apron. Nagiging chef namin siya kapag nasa iisang bubong lang kami. Kahit hindi mo utusan ay talagang gagawa siya ngga gusto niyang gawin. “Good morning, miss,” bati nito sa akin. Tipid pa siyang ngumiti. “Bakit ba miss ka nang miss? May pangalan naman ako,” nakangiwing sambit ko. Sanay naman ako na ganoon ang tawag niya sa akin madalas, pero talagang nawe-weirduhan ako sa kaniya. “Ganyan sila, Cyrille. Nickname nila for their girls ang miss,” sabat ni Lyka. Sinundan ko nang tingin si Darcy nang nagsalin siya ng tubig sa baso. Alam kong ibibigay niya iyon sa ’kin. Maski ang isang ito ay nasanay na rin na tubig ang una kong iniinom. “Ang weird lang nila. Thanks,” sambit ko, dahil sa akin nga ibinigay ang tubig. “Yes, agree to that,” tumatangong sagot nito. Mayamaya lang ay sabay-sabay na nga kaming kumain. Dahil may kaniya-kaniya kaming pasok ngayon. As usual ay ihahatid talaga ako ng fiancé ko sa car rental. Kahit may sarili pa akong sasakyan ay mas gusto niyang hinahatid ako. Mas maaga akong pumupunta kaysa kay Cooper, but this time ay halos magkasabay na kaming dalawa. “Sige na. Alis na po. Kami na ang bahala rito,” pagtataboy ko sa kaniya nang balak pa niya yatang tumulong sa pagbukas ng rental. Hindi pa kasi siya umaalis mula sa kinatatayuan niya. “All right,” pagsuko niya. Lumapit siya sa akin para halikan ako sa pisngi. “See you later then?” I nodded. Pagkaalis nga niya ay napadaing ako nang sikuhin ako ni Cooper. Sinamaan ko siya nang tingin. “Problema mo?” inis kong tanong sa kaniya. Mahina ko pang tinàdyakan ang binti niya na ikinatawa niya lang. “Parang ngayon ko lang nakita ang ganitong side mo, ha Cyrille. Hindi ka magawang lapitan noon ng mga lalaki, ni hawakan ang kamay mo ay hindi nila magawa. Dahil wala pa man ay binabantaan mo na sila,” komento pa niya at umikot lang ang mga mata ko. “Ang dami mong sinasabi, Cooper ah,” aniko ko at nang hawakan ko ang balikat niya ay mariin kong piniga iyon, dahilan na napadaing siya. “Cyrille! Iyang kamay mo ay dinaig pa ang kamay ko sa sobrang sakit manghawak! Parang mababalian ako ng buto sa ’yo, ah!” reklamo niya na tinawanan ko na lang. Kandangiwi pa nga siya nang lumayo na rin siya sa akin. “Magtrabaho ka na lang. Mayamaya ay dadagsain na naman tayo ng mga tao para ipaayos ang mga sasakyan nila,” usal ko. Sa mga nakalipas na araw ay ganoon ang nangyayari. Hindi lang kotse ang business namin, ang kalahati ng building na ito ay ginawa rin naming repair shop na madalas ay mas tinutukan ko. Kaysa iyong may bumibili ng sasakyan. “Yes, boss!” “Isa, Cooper!” Natawa na lang kami pareho at nagsimula na rin kaming magtrabaho. Kaya lang nakapagtataka na hindi ko inuna ang mga sasakyan na aayusin. Nag-check lang ako sa mga bagong sasakyan na i-import namin at madadala na naman ngayon. Tama nga si Darcy na kailangan namin ng ibang empleyado at isang trusted person na mag-aasikaso ng ganitong klaseng trabaho kung wala ako. Sobrang abala ko no’n sa laptop at sa pagsusulat sa notes nang may lumapit sa counter. Nang makita ko ang isang magandang babae ay agad kong isinara ang laptop. “Good afternoon, ma’am,” magalang na bati ko, na hindi ko alam sa sarili ko nang magtama ang aming mata ay kinabahan ako bigla. Una kong napagmasdan ang magandang uri ng mga mata niya, malamig na halos wala akong makitang emosyon. Hanggang sa unti-unti itong nagpakita ng kusa. Napasinghap pa ako nang ngumiti siya nang kay tamis-tamis. “Good morning din sa iyo, hija.” Magandang babae, pero hindi iyong bata pa o kaedad ko. May edad na ang ginang, pero ang ganda-ganda pa rin niyang tingnan. Naka-i-intimidate lang ang presensiya niya, na sobrang bigat kanina ngunit ngayon ay magaan na. Parang nawala na rin bigla ang madilim niyang aura. “Maupo ho muna kayo, madam,” anyaya ko at basta na lamang ako lumusot sa counter para lang igiya kong maupo sa lobby ang ginang. “May mga bago kayong sasakyan at ang gaganda pa,” komento niya na agad kong tinanguan. Inalalayan ko siyang maupo kahit parang kaya naman niyang umupo. “Opo, iyong iba po ay hindi pa dumarating sa bansa,” sagot ko. Tiningnan niya ulit ako, ang paraan nang pagtitig niya ay parang may hinahanap siya ng kung ano. “Maupo ka na muna, hija,” aniya. Ngumiti na muna ako bago umupo sa tapat niya. Napatingin ako kay Cooper na abala sa trabaho niya at nang sa labas naman akong tumingin ay medyo nagulat pa nang makita ko rin na maraming bodyguard ang ginang ang naiwan doon. Usually ay ganito ang nakikita ko sa mga movies, e. Kaya alam ko kung sino ang kasama nila. “Bibili po ba kayo ng sasakyan, madam?” magalang na tanong ko. “Yes, para sa aking apo. Nakikita ko na siya ang mauunang ikakasal, hija.” “Ah, congrats po sa apo ninyo, madam,” aniko at ngumiti pa. Ang gara lang ni lola, dahil kotse ang ireregalo niya sa apo niya. She looks rich din naman, no wonder na afford niya ang isang mamahalin na sasakyan. “Just calm me grandma. Iyon naman ang itatawag mo sa akin kapag ikasal na kayo ng apo kong si Darcy.” Natigilan ako at halos lumuwa ang aking mga mata sa gulat. Kung ganoon ay siya ang asawa ni Don Brill?! Napatitig pa ako sa maamo niyang mukha, hanggang ngayon ay nakangiti pa rin siya. “Hala po! Sorry, hindi ko kayo nakilala!” paumanhin ko at tumayo. Nilapitan ko siya at nagmano. Nakahihiya na hindi ko nakilala agad ang lola ni Darcy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD