Kabanata 2

2039 Words
Hindi ko naiwasan at talaga namang nanlaki ang mga mata ko matapos kong makita ang loob ng magiging kwarto namin sa dormitory. Sobrang laki at kasya yata ang hindi lalagpas sa sampung estudyante sa loob. Inilagay ko sa gilid ng pintuan ang gamit ko, katabi ng mga gamit nila. Inabutan din naman agad ako ni Chel ng walis. "Let's start," aniya sabay ngiti sa akin. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya saka ako nagsimulang magwalis. Walis dito, walis doon ang ginagawa namin ni Chel. Habang ang magkapatid naman na sina Curly at Chubby ay nagde-desinyo na ng dingding. Bumili pala sila ng mga pintura at iba pang art materials bago pumasok dito sa school. Naks! Prepared na prepared. Natigil ako sa pagwawalis at tinitigan ang ginagawa nila. Gumuguhit sila ng mga bulaklak. May mga ulap rinvsa pinakaitaas at sa gitnang bahagi naman ng pader ay may malawak na karagatan. “May talent pala kayo sa painting no? Bakit hindi kayo kumuha ng kursong may kinalaman sa arts?” tanong ko sa kanila. Tumigil si Chubby sa pagpipinta saka ako nilingon. “Hobby lang namin ang painting, passion namin ang pagliliwaliw kay tourism ang kinuha namin,” paliwanag niya. Hindi ko siya sinagot at muli kong pinanood ang ginagawa nila. Lalo pa't agad ring bumalik si Chubby sa pagpipinta. “Ang gwapo talaga ni Sir Tairon no?” Out of the blue ay biglang nagsalita si Curly. Nakangiti at halatang kinikilig. Tumigil pa siya sa ginagawa at napatingin sa kawalan, mukhang nag i-imagine. “Sinong Tairon?” tanong ko. “Si Sir Tairon Lim. Iyong kuya ni Sidney Lim,” sagot sa akin ni Curly. “Hmp! Hindi naman siya masyadong gwapo... Sakto lang,” singit ni Chel. Namamanghang napalingon ang magkapatid kay Chel. “Wow! Sa kinis niyang iyon, nakukulangan ka pa? Kung sabagay... Iyang mga mata mo kasi, exclusive for Diego lang,” sabi naman ni Chubby. Napahagikgik si Chel. “Naman! Hindi hamak na mas gwapo ang Diego ko kaysa kay Sir Tairon no!” “Eh? Mas gwapo kaya si Sir Tairon!” pagpoprotesta ni Curly. Talagang ipinaglalaban niya ang Tairon niya. Natawa na lamang ako sa kanila. Pati maliliit na bagay, pinagtatalunan. “Magsitigil na nga kayo. Parehas silang gwapo okay?” singit ni Chubby para lang maawat iyong dalawa. Bumalik kaming apat sa ginagawa. Naging abala kami kaya hindi na namin nabalikan pa iyong topic namin kanina. Nang nag lunch ay lumabas lang sina Chel at Curly para bumili ng pagkain. Nalilibang kami sa pagde-desinyo sa room namin kaya talagang hindi namin namalayan ang pagtakbo ng oras. Tatlong sunod-sunod na katok ang nagpalingon sa amin sa pintuan. Kasalukuyan akong nagde-desinyo sa vanity table na agad kong itinigil para pagbuksan ang kung sinumang kumakatok. Bumungad sa akin ang isang maliit at payat na babae nang buksan ko ang pintuan. “Oras na ng preparasyon para sa gaganaping welcome party,” aniya. Ngumiti ako at tumango sa kanya. Ngumiti rin naman siya pabalik sa akin bago umalis at kumatok sa kasunod na kwarto. Masyadong excited ang tatlo kong kasama sa party na gaganapin kaya ang bilis nilang natapos sa pagpe-prepara. Habang ako'y natagalan pa dahil sa pamimili ng damit na susuotin. Hindi ko naman kasi alam na may pa-ganito pala dito sa school na ito. Suot-suot ang pulang sleeveless cocktail dress at pulang dollshoes na bumagay sa maputla kong kutis ay lumabas na ako ng room namin. “Sobrang ganda mo, Kels! Ang kaso...” si Curly. Nakangiwi akong tiningnan ng tatlo, bago muling itinulak pabalik sa loob. Pinaupo nila ako sa harap ng salamin at agad nilang sinimulan ang orasyon. “Ayan! Hindi ka na maputla!” Nakangiti si Chubby nang natapos ang ginawa nilang pagme-make-up sa akin. Nang tingnan ko ang mukha ko sa salamin ay ay talaga namang napahanga nila ako sa talento nila sa Arts. Napaganda nila ako! Hayaan mo lang na nakalugay ang buhok mo,” sabi ni Chel saka hinablot ang clip na nilagay ko sa buhok ko para sana sa half-ponytail. “Let’s go?” ani Curly. “Let's go to the party!” sigaw ni Chubby saka siya nauna at sumasayaw-sayaw pa. Malayo pa lamang kami sa gymnasium ay rinig na rinig na namin ang malakas na music na nanggagaling sa loob. “Excited na ako.” Napatingin ako kay Chel. Halata nga sa mukha niya ang pagkasabik. Sobrang ganda niya rin sa suot niyang yellow backless dress. Si Chubby naman ay asul na maxi dress ang suot at may pa flower crown pa na nakapatong sa tuktok ng kanyang ulo. Nagmukha siyang diyosa na wala sa tamang lugar. At si Curly? Seksing-seksi lang naman sa suot na itim na bodycon dress na hanggang tuhod ang palda at sobrang taas ng heels na pinili niyang isuot. Kaya sa aming apat siya ang laging nahuhuli sa paglalakad. Pwede naman kasing mag doll shoes na lang. “Bakit may linyahan pang nagaganap?” nagtatakang tanong ko nang nakarating kami at nakisali na agad sa linyahang nagaganap kahit pa wala kaming ideya kung para saan ito. Mga babae lang ang nandito. Wala akong idea kung nasaan ang mga lalakeng estudyante ng Dewford Academy. “Hindi mo ba na-orient itong si Kelsi, Chel?” tanong ni Chubby. “Hindi, e. Nakalimutan ko. Pasensya na at na-excite ako agad kaya hindi ko na nabanggit,” Alanganin ang naging pagngiti ni Chel nang sagutin niya si Chubby. “Banquet night ang magaganap,” ani Curly. Agad na nangunot ang noo ko. “Banquet night? Ano iyon?” Ang pagsagot ni Curly ay hindi natuloy nang biglang may dumating na dalawang bakla sa aming harapan. “Iyang left side na sapatos niyo pakilagay rito sa sako.” Nagkatinginan pa kami nina Chel bago namin nagawang hubarin ang sapatos at agad iyong inilagay sa sako na dala-dala no'ng dalawang bakla. Ano naman kaya ang gagawin nila sa sapatos namin at bakit isa lang? Ano, ibebenta nila sa ukay-ukay? Ng walang kapares? “Anong gagawin nila sa mga sapatos natin? Bakit isa lang? In-anounce na lang sana kanina na kailangan pala naka-paa para hindi na tayo nag abala pang magsuot ng sapatos,” narinig kong reklamo ng nasa unahan. Ilang sandali pa kaming naghintay. Hindi rin nagtagal ay lumabas na ang mga kalalakihan at dala-dala nila ang mga sapatos namin na inihulog namin sa sako kanina. Hinahanap ng mga boys ang mga babaeng may suot ng sapatos na kaparehas ng hawak nila. So, ito pala ang plano nila? Parang finding Cinderella... Nice! Marami rin ang lalakeng tumingin sa sapatos na suot ko. Pero lahat sila, iba ang sapatos na dala. Pumasok na iyong iba na nakahanap na sa mga partner nila. Habang iyong iba, katulad ko ay naghahanap pa o 'di kaya naman ay naghihintay pa na mahanap. “Maaari ko bang tingnan ang iyong sapatos na suot?” Abala ako sa kakatingin sa harap kaya halos tumalon ako sa gulat nang lumapit sa akin si Tairon Lim. Iyong propesor na kanina ay pinag uusapan namin. Nasa likod niya ang kanyang mga kamay kung nasaan marahil ang sapatos. “Uhh...” Nahihiya ma'y ipinakita ko sa kanya ang suot kong sapatos. Tiningnan niya at dahan-daha niyang inilabas mula sa likuran niya ang sapatos na hawak. Napangiti siya sa habang nakatingin sa sapatos. “Hindi match,” aniya. Nahihiya ko siyang nginitian pabalik. Mukhang hindi yata tayo ang para sa isa’t-isa. Natawa ako sa naisip ko. Agad akong nagseryoso at tumikhim nang nakitang nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko. Sunod na tiningnan ni Tairon Lim ang sapatos ni Chel. Napataas pa ang dalawang kilay ko nang nakita ang ngiti niyang pilit niyang pinipigilan nang nakita niyang match ang sapatos na hawak niya at sapatos na suot ni Chel. “Hindi niya raw type pero kung makakapit sa braso ni Sir Tairon parang ayaw nang kumawala,” bulong sa akin ni Curly nang nakaalis na sina Rachel at Tairon Lim. Narinig ko namang bumuntonghininga si Chubby sa aming likuran. “Nagugutom na ako. Kailan pa kaya ako mahahanap ng prince charming ko? Baka kasi maubusan ako ng lechon.” “Ano ka ba naman, Chubby! Hindi naman sila magsisimula hangga't hindi tayong lahat nakakapasok doon no!” ani Curly. “Kahit na! Gusto ko nang makita kung gaano kaganda ang pagkakaletson nila sa mga baboy. Rinig ko'y apatnapu ang k*****y na baboy at dalawampu doon ang ni-lechon.” “At saan mo naman narinig iyan?” Nagpalitan sila ng salita pero hindi ko na napagtuonan pa ng pansin dahil may agad nang kumuha sa atensyon ko. Mabilis kong pinigilan ang ngiti kong nagnanais na kumawala. Sobrang gwapo naman kasi ng isang ito. Nabuhay yata bigla ang kalandian na pinakatatago ko. Mestizo ang isang ito. Mas mataas sa akin ng ilang pulgada. Asul ang kanyang mga mata at maayos ang pagkakasuklay sa medyo may kataasan niyang buhok. Makapal pero pormadong-pormado ang kanyang kilay. Katamtaman ang tangos ng ilong bagay sa kanyang medyo may kakapalang bigote. Nagmumukha siyang hot sa paningin ko. Ang that kissable lips... Oh dear! Tinutunaw mo ang puso ko! “Sa iyo ba ito?” Omg! Ang macho ng boses! Ipinakita niya sa akin ang sapatos na hawak niya at tuluyan nang kumawala ang kanina ko pang pinipigilan na ngiti. Match na match! Mabilis at sunod-sunod ang naging pagtango ko. “O-oo... Oo, akin n-nga,” kandautal ko pa. Ngumiti siya pagkatapos ay lumuhod siya sa harapan ko, saka niya inaharap ang sapatos sa paa. Agad ko iyong sinuot. Feeling ko talaga ako si Cinderella at siya ang prince charming ko. Nang tumayo siya'y inilahad niya ang kaliwang kamay sa akin. Inaanyayahan na niya ako para makapasok na kami sa loob. Walang pagdadalawang isip na tinanggap ko ang kamay niyang nakaabang. “Ako nga pala si Kelsi Guttierez,” pagpapakilala ko sa kanya habang naglalakad kami papasok. Hawak-hawak niya pa rin ang kanang kamay ko. Nanlalamig at feeling ko ay namamasa na nga. Nilingon niya ako. “Aldrin Torres.” Malayo-layo pa ang lalakarin namin bago tuluyang makapasok sa loob ng gymnasium. Marami pa kasi ang nagkalat na estudyante na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang magiging kapareha. Habang naglalakad ay walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko. Ewan ko ba... Na love at first sight yata ako sa kanya. “May panyo ka?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko. Bakit naghahanap siya ng panyo? Siguro ay hihiram. Sa kasamaang palad, wala ako no'n. “W-wala, e. Anong gagawin mo sa panyo?” Napahinto siya sa paglalakad kaya gano'n din ako since nakahawak siya sa kamay ko. Nanghinayang agad ako nang bumitaw siya. Sayang! Feel na feel ko pa naman ang moment. May kinuha siya sa bulsa niya at nakita kong panyo iyon. May panyo naman pala siya, naghahanap pa siya sa akin. Nagulat ako nang iabot niya ang panyo sa akin na agad ko namang tinanggap. “Anong gagawin ko rito?” "Ipunas mo sa kamay mo. Basa, e," aniya saka niya ipinunas sa gilid ng suot niyang black pants ang kamay niyang inihawak niya sa kamay ko kanina. "S-sorry..." nahihiya kong paghingi ng paumanhin. Pinunasan ko na rin ang kamay ko. Iniabot ko pabalik sa kanya ang panyo niya pero hindi niya tinanggap. "Labhan mo muna," nakangising sabi niya. Oh my gosh! Where's my manners? Ginamit ko na ito. Dapat malinis na kung ibabalik ko. Ang tanga mo talaga, Kelsi! Mahina kong pinukpok ang ulo ko dahil sa katangahan. Napatingin naman ako sa kanya nang bigla siyang natawa. “Tara?” anyaya niya at agad na hinawakan muli ang kamay ko saka ako hinila para makapagpatuloy kami sa paglalakad. Gosh! Akala ko hindi na niya muli pang hahawakan ang kamay ko. “Uhh... Tourism nga pala ang kurso ko,” sabi ko. Gusto kong makipag kwentuhan sa kanya pero hindi ko alam kung anong pwede naming topic. Medyo malayo pa kasi talaga kami sa gym. “Ikaw, anong kurso mo?” dagdag ko. Nginitian niya ako. Natulala na naman ako. Omg! Bakit pati pag ngiti niya, nakakakilig na? Nang nakarating kami sa b****a ng gym ay doon lang niya sinagot ang tanong ko. “Isa ako sa mga professor niyo.” Wait... Teka, sandali! Natupok yata ang apoy ng pag-asa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD