Kabanata 3

2012 Words
Natigilan agad ako’t napapikit pagkapasok sa loob. Nasilaw ako sa liwanag na bumungad sa amin. Nang pakiramdam ko’y maayos na ay muli kong iminulat ng paunti-unti ang mga mata ko hanggang sa tuluyang makapag-adjust sa liwanag. “Are you okay?” Bakas ang pag aalala sa boses ni Aldrin nang tanungin niya ako. Aww! Touch naman ako. “O-oo, nasilaw lang.” Watermelon ang theme ng welcome party. Kaya napupuno ng watermelon ang buong paligid. Maging sa stage ay punong-puno ng desinyong watermelon. Natatakam tuloy ako. “Aldrin, dito!” Halos magkasabay kaming napalingon ni Aldrin sa gawi kung saan namin narinig ang boses na iyon. Nakita namin si Sir Tairon at Chel na kumakaway sa amin kaya pumaroon kami sa kanila. “Dito ka na sa tabi ko, Kels,” salubong sa akin ni Chel. Tumabi nga ako kay Rachel. Si Aldrin naman ay nakipag asaran pa kay Tairon Lim bago naupo sa tabi ko. Napabuntonghininga ako ng palihim. Hindi pa rin ako makapaniwala at labis-labis ang panghihinayang ko dahil professor namin sila. At saka ang babata pa kasi nila para maging professor namin. Dahan-dahang nag minimize ang musikang umaalingawngaw sa buong gymnasium hanggang sa tuluyan na ngang tumahimik. May narinig kaming tumikhim mula sa stage kaya napatingin kaming lahat roon. “Good evening, my co-students, our faculty and staffs, and to our beloved Dean, Sir Richard Sy, good evening. I am Ken Melecio, your EMCEE for this evening. As of tonight, we have all of you one thousand and one hundred ninety four students who gathered here tonight for this welcome party. Hello and welcome to Dewford Academy! Kaming lahat ay nagagalak at ito ang paaralang napili ninyo bilang katuwang ninyo sa pag abot niyo ng inyong mga pangarap. Long speeches no more dahil alam kong nagugutom na kayong lahat...” Nagsitawanan kami nang natawa ang emcee sa sarili niyang sinabi. “Kaya, ilabas ang lechon and let’s all enjoy the food everyone!” Nagpalakpakan ang lahat. Bumaba ang emcee mula sa stage kasabay niyon ang pagtugtog ng isang mabilis na musika. Totoo nga ang sinabi ni Chubby kanina na dalawampu ang lechon na inihanda. Mula sa malaking pintuan ng gymnasium ay nakahilerang pumasok ang dalawampung lalake na naka-coat and tie. May dala ang mga itong tig iisang ulo ng lechon. Nang nakarating ang mga ito sa gitna ay sumayaw ang mga ito sa salin ng 'twerk' na tugtugin. Naghiyawan ang lahat. Ang iba nama'y pinukpok pa ang lamesa para lang makagawa ng ingay. Nang natapos ang sayawan nila ay agad namang inanunsiyo na pwede nang simulan ang dinner. “Sandali at ikukuha kita ng lechon,” bigla ay sabi ni Aldrin. “Sir, naku! Ako na po. Nakakahiya naman po sa inyo.” Akma akong tatayo pero maagap niya akong napigilan. “Ako na,” aniya sabay tayo para pumunta sa table kung saan nakasadlak ang mga pagkain. Nilingon ko si Chel sa tabi ko. Binundol ko ang braso niya gamit ang siko ko. Abala kasi siya sa pakikipag usap kay Tairon Lim. “Close kayo?” bulong ko. Agad namang nangunot ang kanyang noo. “Huwag ka ngang chismosa!” aniya. Aasarin ko pa sana pero hindi natuloy dahil bumalik na si Aldrin at naupo na ulit sa tabi ko. Tahimik kaming kumakain ni Aldrin habang si Tairon at Chel ay abala sa pagke-kwentuhan. Mukha ngang close silang dalawa. “Bakit nga ba kasali kayo?” Narinig kong tanong ni Chel kay Tairon. “Nagkulang kasi ng lalake. Masyadong marami ang babae sa batch niyo,” tugon naman ni Tairon Lim. Naghintay ako ng sagot mula kay Chel pero walang dumating kaya nilingon ko siya at nakita kong pumapapak na siya ng crispy pata. “Ilang taon ka na?” tanong ni Aldrin na nagpalingon sa akin sa kanya. “Kaka-18 ko lang noong Abril. Kayo po?” Maingat kong tinusok ng tinidor ang karne sa kare-kare at isinubo ito. Napatingin ako sa kanya nang naramdaman ko ang paninitig niya. “Sorry...” Nanlaki ang mga mata niya at saka mabilis na nagbaba ng tingin sa plato niya. “B-bakit po?” “Nothing. I just got 23 last April too.” Nagliwanag ang mukha ko sa naging sagot niya. “Wow! Magka-birthmonth pala tayo.” “April 2,” sabi niya. Muli, ay nanlaki ang mga mata ko. “April 2 din ako. Naks! Magka-birthday pa pala tayo.” Nakita kong napangiti siya ng bahagya. Muling kinuha ng emcee ang atensyon naming lahat nang nagsalita itong muli sa stage. “Good evening, everyone. Ngayon, kung kayo ay tapos na sa inyong mga pagkain ay pwede na kayong makipagsayaw sa kahit na sinong gusto niyong makilala. Alam ko namang kaninang umaga pa may sina-site ang iba d'yan. Hindi ba, boys?” sabay tawa niya na agad ding pinaunlakan ng ibang mga estudyante. “O siya! It’s your time to shine na. Kilalanin niyo na ngayon dahil bukas ay serious mode na tayong lahat sa mga majors natin!” Mabilis na tumayo si Sir Aldrin. Nag angat agad ako ng tingin sa kanya nang naglahad siya ng kamay sa akin. Napataas tuloy ang dalawa kong kilay. Inaaya niya ba akong... “May I have this dance, Miss Kelsi?” Napangiti ako. I was trying to hide it pero talagang hindi ko na napigilan. Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad saka ako tumayo at nagpatianod sa kanya nang igiya niya ako papunta sa gitna. Nagsimula ng tumugtog ang malumanay na awitin. Kasabay nito ang paghawak niya sa kamay ko at dahan-dahang inilapat sa balikat niya. Habang ang isang kamay ko ay hawak-hawak niya. “Kinakabahan ka?” natatawang tanong niya. Lalo pa nang napaigtad ako nang naramdaman ang paglapat ng isang palad niya sa balakang ko. “H-hindi naman po. Medyo lang. K-kasi ano... First time ko pong makipagsayaw.” He just chuckled on the thought of me having no experience in dancing. “Just go with the flow, Kelsi.” Tila huni ng ibon ang naging tinig niya nang banggitin niya ang pangalan ko. We started swaying from left to right. Gaya nga ng sabi niya ay sinusundan ko lang din ang bawat galaw niya. “So, kumusta ang sayaw niyo ni Sir Aldrin kanina?” tanong ni Chel sa akin. Kasalukuyan na kaming naghahanda para sa pagtulog. Naglalagay ako ng punda sa unan ko habang ang tatlo ay nasa kani-kanilang mga higaan na. Dalawang double deck ang mayroon dito sa room. Double deck kasi high ceiling naman at para na rin may space pa para sa kani-kanya naming study table at may mini sala pa kasi tapos may isang malaki at malapad pa na cabinet para sa mga gamit namin. Ako ang nasa ilalim at si Chel naman ang nasa ibabaw ko. Sa kabilang double deck naman ay si Chubby ang nasa ilalim at si Curly naman ang nasa ibabaw. “Wait... Tama ba iyong narinig ko? Omg! Nag sayaw kayo?” sabi ni Chubby. “Ang swerte niyo naman. Pinapangarap iyan ng maraming girls dito sa Dewford Academy, e. Ang makapareha at isayaw ng mga gwapong propesor na tulad nina Sir Aldrin at Sir Tairon dito si Dewford Academy,” sabi naman ni Curly. Natigil ako sa pag aayos at inalala ang mga nangyari kanina habang nagsasayaw kami. Buong sayaw namin ay nakangiti lamang siya sa akin. Kumikislap ang kanyang mga mata katulad sa kung paanong kumislap ang mga tala sa kalangitan. Ang sabi sa akin ni Nanay Linda noon... “Noong unang kita ko pa lang sa tatay mo noon ay nabingwit na niya ang puso ko. Sa tuwing nakikita ko siyang bumababa sa jeep niya at naglalakad papalapit sa akin para bumili ng paninda kong talong ay nag iingay na kaagad ang puso ko. Mas maingay pa sa sigawan ng mga kundoktor na nagtatawag ng pasahero.” “Mararamdaman mo iyan, Kelsi kung siya na ang itinadhana sa iyo. Malalaman iyon ng puso mo.” Napangiti ako kay Aldrin. Ang gwapo niya talaga. Naghuhuramentado ang puso ko. Mukhang ito na nga ang sinasabi ni nanay. Baka siya na nga ang lalakeng nakatadhana sa akin. “Hoy!” Agad akong napatingala kay Chel na nakadungaw mula sa itaas nang bigla niyang binato ng unan ang mukha ko. “Anak ng! Kanina pa kami nagtatanong rito kung anong nangyari. Ikaw naman diyan, pangiti-ngiti lang.” Nagtawanan ang magkapatid sa naging bulyaw sa akin ni Chel. “Chel...” sabi ko at nangingiti pa. “Oh?” “Inlove na yata ako,” kinikilig na pahayag ko. Binato ulit ako ng unan ni Chel. “Matulog na nga lang tayo. Ang landi-landi ng isang 'to.” Nagsitawanan pa silang muli pero hindi ko na pinansin. Nahiga na ako't hinayaan ko na ang sarili kong matulala habang nakangiti. Pilit na sumasayaw sa isip ko ang bawat ngiti ni Aldrin kanina. Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Alas kwatro y media pa lang nang madaanan ng mga mata ko ang orasan na nakasabit sa dingding malapit sa banyo. Dahil excited na akong pumasok ay nagdesisyon na akong maligo habang tulog na tulog pa ang tatlo. Nakailang kuskos rin ako sa balat ko. Talagang pinangkuskos ko pa ang bagong sabon na binili ko pa sa Watsons noong nakaraang linggo. Matipid ako sa sabon noon. Pero ngayon ay mukhang kailangan ko nang mag stock ng maraming sabon. “Ano ba iyan? Mukhang ipinangligo mo na ang pabango, ah?” Napalingon ako agad kay Chel nang narinig ko ang inaantok niya pang boses. Mukhang kagigising lang niya. Kasalukuyan na akong nakaharap sa salamin at naglalagay ng kulay dark pink na lip tint. Napatingin akong muli sa orasan at nakitang mag a-alas sais na. “Good morning,” bati ko kay Chel. “Good morning too. Aga mong nagising,” aniya saka bumaba at nagdire-diretso na sa banyo para maligo. Ilang sandali pa, gumising na rin ang magkapatid. Nag agawan pa ito sa banyo nang natapos si Chel. “Ano bang liptint gamit mo, Kels? Bet ko iyang shade na suot mo ngayon,” si Chel habang nasa harap ng salamin at naghahanap ng pwedeng gamitin na liptint. “Iyang watermelon ang label.” Pinanood ko siyang hanapin iyon, hanggang sa makalagay siya sa labi niya. “Tapos na ba kayo? Breakfast na tayo, nagugutom na alaga ko,” sabi ni Chubby. “Dragon ba alaga mo d’yan sa tiyan mo? Kaya ka tumataba, e. Lagi kang gutom,” patutsada na naman ni Curly. “Ikaw naman kaya ka payat kasi hindi ka nagugutom,” ganti naman ni Chubby kay Curly. Nagbangayan na naman ulit sila. Nagkatinginan kami ni Chel at nauna nang lumabas. Ang dormitoryo ng Dewford Academy ay may hanggang sampung palapag. Nasa ikaapat ang room namin nina Chel. Nasa pinakamababang floor naman ang napakalaking cafeteria. Nasa harap na kami ng elevator nang nakahabol sa amin sina Chubby at Curly. “Ba't nang iwan kayo?” Hindi na namin nasagot ang tanong ni Chubby nang bumukas ang pinto ng elevator. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kung sino ang nasa loob. Natigilan ako at halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Kinurot ako sa puwetan ni Chel nang napansin niyang nakatulala lang ako kaya agad akong napalingon sa kanya bago ko nagawang igalaw ang mga paa ko papasok ng elevator. Nang tuluyan kaming nakapasok ay doon lang kami napansin nina Tairon Lim at Aldrin Torres. Abala kasi silang dalawa sa pag uusap kanina at kakatingin sa mga librong hawak nila. “Oh! Kayo pala iyan, Miss Macasaet,” ani Tairon. Aba! Special mention si Chel. Ngumiti siya kay Chel bago sa aming tatlo nina Curly at Chubby. Ngayon ko lang napansin na may dimple pala siya sa kanang bahagi ng pisngi niya. Ang cute! Matagal bago lumingon sa amin si Aldrin. At nang lumingon siya ay nakangiti na at diretso ang kanyang mga mata sa akin. Gosh! Bagong ligo siya. Mukhang mabango! “Anong pabango ang gamit mo? Ang tapang ng amoy, Miss Kelsi Guttierez. Masakit sa ilong.” Napanganga ako. Jusko, Kelsi! Dapat kasi isang spray lang, sapat na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD