“Bakit ba kasi ipinangligo mo ang pabango mo? Ayan tuloy... Napansin ka nga pero para punain,” sabi ni Chel habang sumesegway pa ng malakas na tawa.
Kahit sina Chubby at Curly ay pinagtatawanan ako. Napapatingin tuloy sa amin ang ibang estudyanteng kumakain dito sa cafeteria.
“Nyenyenye!” I mumbled saka ko sila inismiran at nagpatuloy ako sa pagkain.
“Uyy! Crush niya si Sir Aldrin!” panunukso pa ni Curly.
Agad na nanlaki ang aking mga mata. Gusto ko pa sanang takpan ang bibig niya ang kaso ay malayos siya sa akin. Hindi ko siya abot.
“Hoy! Hindi ah!” tanggi ko.
Napataas naman ang isang kilay niya. “Talagang hindi?”
“Hindi. Hindi talaga!” Kunot na kunot ang noo ko habang itinatanggi ang sinasabi ni Curly na may crush ako kay Aldrin. Panay pa ang pag lingon ko sa magkabilang gilid para lang maiwasan ang mga nanunukso nilang titig.
Never akong aamin. Kahit pa tamang hinala sila. At saka crush lang naman ito. Hindi naman siguro big deal ang magkaroon ng paghanga sa isang propesor hindi ba?
Habang kumakain ay nagke-kwentuhan silang tatlo ukol sa nakaraan nila. Pare-pareho silang nag high school sa Dewford High na katabi lang nitong academy.
“Hindi naman sa minamaliit kita sister. Pero kasi hindi ba ay sexy ang hinahanap doon. Malamang hindi ka talaga mananalo. At saka sa laki mong iyan? Papaano kita mamaliitin? Heler!” litanya ni Curly.
“Ah basta! Naniniwala talaga akong binayaran ni Sidney ang mga judge para siya ang tanghaling panalo,” sabi ni Chubby.
Umirap si Curly. “Tanggapin mo na lang kasi ang pagkatalo mo.”
Pinupuno ko lang ng pagkain ang bibig ko since hindi naman ako kailangan na magsalita. Wala naman akong alam sa kung anong pinag uusapan nila. Out of place ang drama ko. Natigil lang ang pagtatawanan ng tatlo nang biglang tumahimik ang buong cafeteria at tanging yapak lang ng takong ang gumagawa ng ingay. Napalingon kaming lahat sa hagdan na nagkokonekta sa first at second floor ng cafeteria kung saan nanggagaling ang tunog.
Literal na nakanganga ang lahat. Pababa mula sa ikalawang palapag ang isang babaeng singpayat ni Miss Universe Catriona Gray. Umaalon ang kulay chestnut niyang buhok. Nakikita rin ang pantay at mapuputi niyang ngipin dahil sa walang humpay niyang pag ngiti sa bawat kakilalang nadadaanan. That pointed nose of her also reminds of the famous Liza Soberano's viral photo. Ang kanyang nakataas na kilay na kahit na nagmamaldita ay bumagay naman sa hugis puso niyang mukha. Sobrang puti niya. Halos magkakulay kami pero mas maputi siya. Parang alagang-alaga ang kanyang balat at hindi pinahihintulutang masinagan ng araw.
Natigil siya sa paglalakad nang nakarating sa table namin.
Ang ganda niya lalo na sa malapitan!
Nakangiti akong nakatitig sa kanya habang nakatingala. I can’t get enough of this beauty in front of me. Grabe! Nakakatomboy!
“Hi!” nakangiti niyang bati sa amin.
“Hello!” Magiliw kong bati pabalik. Halos nagkasabay kami ni Chel pero siya ay halatang walang gana nang sabihin iyon. Kaya agad akong napalingon sa kanya.
Nakita ko ring nasa malayo ang paningin nina Curly at Chubby na parehong nakanguso at nakakunot ang noo. Bakit naman kaya ganito umakto itong mga ito?
Muli akong tumingala sa magandang babae nang narinig ko ang kanyang pag ismid.
“Still the pathetic Rachel Ann Macasaet who hates me, huh!” Nang aasar ang tono ng kanyang pananalita. Parang iba, e. Hindi sila friendship?
“Pathetic? Talaga ba? At ako talaga ang tinawag mong pathetic? Look who’s talking,” ganti ni Chel dito.
“Oh bakit? Sino ba sa atin ang bitter, Rachel? Sino ba sa ating dalawa ang hanggang ngayon ay galit pa rin sa dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on!” Nang aasar na sagot no'ng babae kay Chel.
Ang ganda niya na sana... Masama pala ugali.
“At paano mo naman nasabing hindi pa ako nakaka-move on? Oh, Sidney! Ang tagal na no'n! Baka naman ikaw ang hindi pa nakaka-move on!”
So siya pala si Sidney na tinutukoy nila. Kaya naman pala mayabang... Maganda rin naman kasi.
Sa ikalawang pagkakataon ay napaismid si Sidney. “You are so far from the Rachel Ann I know...”
She sighed.
“Tanggapin mo na lang kasi na ako ang minahal ni Diego at hindi ikaw! Ako ang pinili! Not you, Rachel!”
Ibinuka ni Chel ang kanyang bibig sa akmang pagsagot kay Sidney ngunit napigilan ito ng isang sigaw na nagmumula sa bulwagan.
“Sidney!”
The girl, who happens to be Sidney rolled her eyes and took a deep breath, bago siya lumingon sa lalakeng sumigaw, si Tairon Lim.
“Hi, kuya!” masayang bati niya sa lalakeng ngayon ay palapit na sa table namin.
“What's happening here? Nambubully ka na naman ba?”
Napasinghap si Sidney saka sarkastikong natawa.
“Ako agad? Nambubully agad? Come on! Kapag may kaaway ako, ako agad ang mali? Isn’t it unfair?”
“Sidney...”
Dismayadong inilingan ni Sidney ang kuya niya bago niya kami nilisan sa table namin.
“Are you okay? Inaway ka na naman ba?” tanong ni Tairon kay Chel nang tuluyang nakaalis si Sidney.
Umiling at ngumiti naman si Chel bilang tugon.
“Pumasok na kayo sa klase niyo kung tapos na kayong kumain. Nakita kong papunta na doon ang magiging propesor niyo sa unang subject,” ani Tairon.
Agad kaming tumayo ng mga kaibigan ko at nagmadali na sa pagpunta sa building namin. Nasa hallway pa lang kami ay tanaw na namin ang propesor namin na kapapasok lang sa loob ng classroom. Kaya agad kaming nagmadali.
“Good morning, ma'am,” bati namin sa kanya nang nakarating kami sa pintuan. Tiningnan lang kami nito at saka tinanguan, kaya nagdire-diretso na kami sa mga upuan namin.
Nang nakaupo ay doon ko lang siya nagawang titigan. Mahahalata sa mukha niya na nasa mid-50s na siya. May wrinkles na, naka-bun ang siguradong mahaba at itim niyang buhok. May suot siyang eyeglasses. Marahil sa katandaan ay hindi na niya masyadong maaninag ang bawat letra sa libro.
“Good morning, class. I will be your professor for Euthenics 1. I’m Euprocina Albarro but I want all of you to call me Miss Albarro. Alam kong wala pa kayong kamuwang-muwang sa kung anong kurso itong pinasok niyo. Hindi madali ang kursong ito. Kaya bago natin simulan ang subject na ito ay gusto kong malaman mula sa bawat isa sa inyo ang inyong mga dahilan kung bakit niyo pinili ang kursong ito. Baka kasi mababaw lang at ma-engganyo ko kayong mag shift na ng course habang maaga pa.”
Naupo siya sa kanyang upuan ay bumuntonghininga. “Ayaw ko ng paulit-ulit. Get. One. Whole. Sheet. Of. Paper.” May diin ang bawat bigkas niya sa mga salita. Pahinto-hinto at binibigkas niya ng may kalakasan.
Agad naman kaming nagsikilos at kumuha ng papel. May iba pa akong naririnig na nanghihingi ng papel. Kahit pala sa college ay may ganyan pa rin.
“Ano raw?” Narinig kong tanong ng kaklase kong nasa kabilang bintana. Pumipindot-pindot kasi siya sa cellphone niya na nasa loob ng bag niya kanina kaya siguro hindi niya narinig ang kung anumang sinasabi ni Miss Albarro.
“Miss, pwedeng one half po?” tanong niya.
Kita ko kung paanong pagpikit ang ginawa ni Miss Albarro habang hinihimas niya ang kanyang sentido.
“Gawin niyo kung anong gusto niyo.”
Sinimulan ko nang magsulat ng dahilan kung bakit BSTM ang kinuha ko. Gusto kong maging flight attendant. Gusto kong magpalipat-lipat sa mga bansa sa buong mundo. Para kung nasaang dako man ng mundo naroroon ang mga magulang ko ay magtatagpo pa rin kami.
Babasahin pa dapat sa harapan isa-isa ang mga isinulat namin ngunit hindi na natuloy dahil biglang nag bell. Oras na para sa susunod na klase.
“Anong susunod na klase?” tanong ni Curly habang may kinakalikot sa loob ng bag niya.
“Nawawala ang syllabus ko. Hindi ko mahanap,” dagdag niya pa.
“PE,” sagot ni Chubby.
Akala ko ay iyon lang ang magiging tugon niya sa kapatid pero nagitla nangay idinagdag pa siya.
“Nasa akin ang syllabus mo, tanga!”
Okay na sana, e.
Agad na napatingin si Curly kay Chubby na nanlilisik ang kanyang mga mata. Galit marahil dahil sinabihan itong tanga. At katulad ng inaasahan ko ay nagbangayan na naman sila
“Ganyan ba talaga ang dalawang iyan?” tanong ko kay Chel habang pinapanood ko pa rin silang hindi pa natatapos sa ginagawang away.
Si Chel ang katabi ko sa upuan habang ang magkapatid naman ay nasa aming harapan.
Napatingin ako kay Chel nang hindi ako nito pinansin. Nakatulala siya sa ballpen na hawak niya. Siniko ko siya na ikinagulat niya.
“Problema?” bulong ko.
Bumuntonghininga siya.
“Naisip ko kasi iyong nangyari sa welcome party.”
“Bakit anong bang nangyari?”
Abala pa rin ang magkapatid sa pagbabangayan kaya hindi nila kami napapansin.
“Huwag mo kasing iniiwan sa akin. Makakalimutan ka pa naman!”
“Edi sana kusa mo na lang ibinigay. Pabida ka rin kasi kaya hindi mo tinatago mo pa rin.”
Napatingin si Chel sa akin. Malamlam ang kanyang mga mata, halatang problemado.
“May nagtapat ng pag ibig sa akin, Kels.”
Nanlaki ang mga mata ko. Ano namang problema doon?
“So? Nagtapat lang naman. Big deal ba? At saka ayos lang naman kina tita na mag boyfriend ka ah! Hindi ka naman pabaya sa pag aaral mo.”
“Paano na si Diego?”
“So hindi si Diego ang nagtapat sa iyo? Kung ganoon, sino?”
Kunot na kunot na ang noo ko habang naghihintay sa sagot niyang hindi na nakarating dahil pumasok na ang propesor sa sunod naming subject.
“Good morning,” bati nito sa lahat. Agad akong napatingin sa harap nang narinig ang boses na iyon.
Suot niya'y puting long sleeve na naka-tuck in sa kanyang black pants. Kanina pang umagang-umaga kami nagkita. Ilang oras na ang dumaan pero hindi pa rin nagugulo ang maayos niyang buhok. Napakalinis niya pa ring tingnan at halatang maalaga sa sarili.
Napabuga ako ng hangin habang nakangiti.
Kung sarili niya nga kaya niyang alagaan. Siguradong kaya niya rin akong alagaan kapag naging kami.
Shocks! Asa pa, Kels!