Kabanata 6

1674 Words
Nakakabagot ang pangalawang araw ng eskwela. Puro babae na kasi ang sumunod na mga propesor. At puro mga maldita pa. Napahiga agad ako sa higaan ko nang nakapasok kami sa dorm. Alas singko na ng hapon at ngayon lang natapos ang klase namin. Matapos makapagbihis ng tatlo ay niyaya nila agad akong maligo sa swimming pool ng school namin. Gusto ko sanang sumama pero pagod pa ang katawan ko kaya gusto ko na munang magpahinga. “Kayo na lang,” tanggi ko sa kanila. “Ang KJ naman nito,” ani Curly. “Kapag nagbago isip mo. Sumunod ka na lang ah?” sabi naman ni Chel. “Nandoon si Sir Aldrin for sure. Ayaw mo talagang sumama?” Nakaka-tempt ang sinabing iyon ni Chubby. Gusto kong makita si Sir Aldrin pero naubos yata ang lahat ng energy ko sa kakasulat at kakayuko kanina sa klase. Kaya tinanggihan ko na talaga ng todo ang tatlo. Naidlip ako't nagising ng bandang alas siyete. Nakatulog ako na suot pa ang navy blue naming uniform. Kaya pala feeling ko mainit pa rin kahit na naka-aircon ang room. Masyado kasing hapit sa katawan ko ang puting blouse ng aming uniporme. Samantalang maiksi naman ang palda namin. Napagdesisyunan kong lumabas at sumunod kina Chel kaya nagbihis na muna ako. Simpleng puting tshirt at maong short lang ang isinuot ko. Bago ako dumiretso sa pool ay bumili pa muna ako ng sukang paumbong flavored na chicharon ni mang juan sa cafeteria. Matapos makabili ay saka ako nagtungo sa pool habang kumakain. Nasa b****a pa lang ay pansin ko na kumpol ng mga natatarantang estudyante ng Dewford Academy. Humahangos ang mga ito at nagsisisigaw ng tulong. May iba pang tumatakbo palabas na nakasalubong ko. Kamuntikan pa nga akong mabangga. “Sino bang marunong mag CPR diyan?” narinig kong may sumigaw. “Nasaan ba kasi ang mga med students?” “Nagkaklase pa raw, e.” Nagpatuloy ako sa paglalalad palapit. Mukhang may nalunod yata. Hindi ako sigurado pero base na rin sa mga kilos ng lahat ay parang ganoon nga ang nangyari. Nakita ko sa kumpol ng mga estudyante sina Chel. Bakas sa mga mukha nila ang pag aalala. Itinapon ko sa gilid ang hawak kong chichirya at saka ako agad na tumakbo papunta sa kanila. Hinawi ko ang ibang nakakaharang sa daraanan ko. At halos mawalan ako ng hininga sa aking nakita. Basang-basa at walang malay si Aldrin! “M-marunong akong mag CPR!” Bagaman kinakabahan ay nilakasan ko ang loob ko. Tinuruan kami noong high school kung paano ang tamang pag C-CPR. May naaalala pa naman ako at siguro ay sapat na iyon para tumulong ako imbis na maghintay sa kung pwedeng tumulong. Napatingin ang lahat sa akin at kita ko kung paanong napabuga ng hangin ang iba. Tila nakahinga ng maluwag. Lumapit ako kay Aldrin at naupo sa kanyang harapan. Inilagay ko ang dalawang kamay ko kanyang dibdib saka buong lakas kong itinutulak. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para sana bigyan siya ng hangin. Pero hindi ko pa man tuluyang nailalapat ang bibig ko sa kanya ay dumilat na siya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang nakita ako kasunod niyon ay ang pag-ubo niya at ang paglabas ng mga tubig mula sa kanyang bibig. Narinig ko ang matunog na pagbuntonghininga ng ibang estudyante na naririto. Nawala na ang kabang naramdaman nila ilang sandali ang nakakalipas. “Ano ba iyon? Bakit ang baho?” reklamo ni Aldrin. Napatayo ako at agad na umalis mula sa kanyang harapan. Napatalikod ako sa lahat saka ko inilagay sa aking bibig ang kaliwa kong kamay at inamoy ko ang sarili kong hininga. Lintek! Ang baho nga! Pinaghalong amoy ng suka at panis na laway na hindi ko maintindihan. Putcha! Nagtatakbo ako pauwi sa dorm. Ilang sandali lang ay pumasok na rin sina Chel, Curly, at Chubby sa room namin habang nagsisipagtawanan. Ang sarap nilang palayasin! “Ano ba kasing kinain mo?” “Chicharon ni Mang Juan. Iyong sukang paumbong flavor. At saka bagong gising ako. Nakalimutan kong mag toothbrush,” pagtatanggol ko pa sa sarili ko. Pero ang mga lintek ay hindi pa rin matigil-tigil sa pagtawa. “Ang saya saya niyo ah!” nakabusangot kong sabi. “Epic kasi talaga mukha ni Sir Aldrin kanina!” si Curly na ang dami pa ring tawa. Mas naiinis ako lalo. “Ano ba iyon? Bakit ang baho?” panggagaya naman ni Chubby sa sinabi at pati na boses ni Aldrin. Saka na naman niya sinundan ng malakas na tawa. Leche talaga itong mga ito. “Tanginang iyan! Makapag toothbrush na nga!” Tumayo ako at saka tinulak paalis si Chel na nakaharang sa daraanan ko. “Tabi nga!” Nang nakapasok sa banyo ay napatingin agad ako sa salamin. May muta pa pala ako na agad kong kinuha. Jusko, Kelsi! “Kelsi, bilisan mo dyan. Mag di-dinner na tayo!” tawag ni Chubby mula sa labas ng banyo. Binilisan ko na lamang ang pagto-toothbrush saka ako nagmadali sa paglabas. Naghihintay na sila sa labas ng room pagkalabas ko. “Ang tagal mo!” reklamo ni Chubby. “Ilang minuto pa nga lang. Nagmamadali sister? Gutom na gutom?” salungat ni Curly sa kanyang kapatid. “Alam mo namang naniniguro pa iyang si Kelsi na mabango hininga niya, e,” si Chel at muli na namang tumawa. Nang nakababa kami sa cafeteria ay napatingin agad ang maraming estudyante sa amin. I mean, sa akin. Ito marahil ang mga estudyanteng nasa pool kanina at nakasaksi sa nakakahiya kong pangyayari. Nakita namin sa isang malapad na lamesa sina Aldrin at Tairon. Mukhang close na close talaga silang dalawa. Sila ang palaging magkasama, e. “Rachel, dito!” tawag ni Tairon kay Chel at itinaas pa talaga ang kamay kaya wala Kaming naging choice kung 'di ang lumapit. Mapapahiya siya kapag ini-snob siya ni Chel since kuha niya lahat ng atensyon ng mga estudyanteng narito dahil sa pagtaas niya ng kamay. Habang naglalakad ay minamadali ko rin ang sarili ko na mag isip ng sasabihin kay Aldrin dahil sa nangyari kanina sa pool. “Hoy! Lutang ka na naman girl!” sabi ni Chubby na talagang hinila pa ako para makahabol sa kanila. “G-good evening po,” bati ko nang nakarating sa lamesa kung nasaan si Aldrin at Tairon. “Maupo ka na, Miss Guttierez,” sabi ni Tairon. Naupo ako sa tabi ni Chel kung saan magkaharap kami ni Aldrin. Patuloy lang siya sa pagkain at hindi pinansin ang pagdating namin ng mga kaibigan ko. “Girls, samahan niyo muna akong kumuha ng pagkain.” Narinig kong inaya ni Tairon sina Chel. Napatingin ako sa upuan ni Tairon at nakitang may pagkain na naman na siya. Hindi ko na nagawa pang mag protesta nang mabilis silang tumayo at iniwan kaming dalawa ni Aldrin. Bakit nga ba nag A-Aldrin lang ako? At least, tinatawag ko pa rin naman siyang Sir Aldrin kapag kausap ko siya. Nakayuko lang ako at nakikiramdam. Hindi niya ako pinapansin kaya hindi ko rin alam kung anong sasabihin o gagawin ko. “Salamat pala kanina ah?” Agad akong napatingin sa kanya nang narinig ko siyang nagsalita. “Naku, sir! Pasensya na po talaga kanina ah? Kumakain po kasi ako ng chichirya nang naabutan ko kayo doon. At saka kakagising ko lang din at nakalimutan kong mag toothbrush. Hindi ko naman alam na ganoon iyong mangyayari. Jusko! Nakakahiya!” Kinagat ko ang labi ko't agad akong nagtikom ng bibig. Naglalaro na ang ngisi sa labi niya habang nakatingin sa akin. “Ayos lang, Miss Guttierez. Nabigla lang din ako.” Napabuntonghininga ako at napatitig na naman sa kanya nang ngitian niya ako. Ang sarap mo talagang gawing hapunan! Napakagwapo! “So ano? Nakapag-explain ka na ba, Miss Guttierez?” tatawa-tawang tanong ni Tairon na bigla na lang sumulpot mula sa aking likuran. Nilingon ko siya at nakita kong may dala na siyang isang tray na puno ng pagkain saka niya iyon inilapag sa lamesa kung saan ako nakapwesto. “Dinner mo,” aniya saka ako nginitian. “T-thank you po.” Nagsimula na kaming kumain. Madaldal si Tairon kaya puro kwento niya iyong naging kasabay namin sa hapunan. “Sir, bakit po sobrang maldita ng kapatid niyong si Sidney?” tanong ni Curly. “Sorry na po agad ah? Pero totoo naman po kasi,” dagdag niya pa. Natawa sandali si Tairon. “Ayos lang at talagang maldita naman talaga ang kapatid kong 'yon. Pagpasensyahan niyo na lang at talagang galit lang iyon sa mundo.” “Halata nga,” pabalang na singit ni Curly. “Actually, mabait naman iyan noon. Nagbago lang noong nawala ang kapatid naming si Tanya...” Tumigil kaming lahat sa pagkain at nakinig na lamang kay Tairon. “Nagbabakasyon kami noon sa Siargao nang pinabantayan sa kanya sandali si Tanya dahil magbabanyo lang si mommy. Pero naiwala ni Sidney si Tanya. Tinanong siya nang tinanong nina mommy at daddy pero tanging pag iyak lang ang itinugon ni Sidney.” “Nasaan na si Tanya?” Hindi ko naiwasan at napasingit ako. Nilingon ako ni Tairon at sandali siyang tumitig sa akin. “Ilang linggo ang lumipas bago nakakita ang mga rescuer ng bangkay ng isang bata na kasing edad ni Tanya. Mommy declared that it was Tanya. Kaya laging galit si Sidney ay dahil pakiramdam niya siya ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid namin. Pakiramdam siya sinisisi namin siya. “E, totoo naman 'di ba? Ako iyong sinisisi niyo...” Nanlaki ang aming mga mata at agad na natigil si Tairon sa pagke-kwento nang bigla na lang may sumingit sa usapan. Napaangat kami ng tingin at nakitang nanlilisik ang mga mata ni Sidney habang nakatingin sa kuya niya. “Sid...” Mabilis na tumayo si Tairon upang daluhan ang kanyang kapatid. “Hindi ko kailangan ng awa ng kahit na sino para maintindihan nila ang ugali ko. I am like this whether Tanya’s dead or alive. You don’t have to tell them about my life because it’s my story to tell, not yours.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD