“Go, Diego!” panay ang pag ch-cheer ni Chel sa Diego niya. Wala siyang pakialam kahit na masakit sa tainga ang sigaw niya.
Nasa basketball court kami, sa loob ng gymnasium at pinapanood namin ang laro nina Diego.
May meeting ang mga professors kaya wala kaming pasok. Tumayo si Chubby kaya napatingin ako sa kanya.
“Saan ka?” tanong ko.
“Bibili ako ng makakain sa cafeteria. Sama ka?”
Wala naman akong ginagawa at nanunuod lang kaya napagdesisyunan kong sumama. Nagpaalam lang kami sandali kina Curly at Chel na halos hindi na matanggal ang mga mata sa kakatitig sa mga players. Saka kami tuluyan nang lumabas ng gym.
“Excited na akong mag Friday. Makakauwi na tayo.”
Napalingon ako kay Chubby habang naglalakad kami at nakita ko kung gaano siya kasabik na bumalik sa labas. Ako lang siguro ang estudyanteng walang uuwian sa tuwing darating ang weekend. Every Friday kasi, alas singko pa lang ng hapon ay nagbubukas na ng gate ang Dewford Academy at pwede nang makauwi sa kani-kanilang mga pamilya ang mga estudyante dito. Saka babalik sa Lunes ng umaga.
May ilan rin namang nagpapaiwan sa dormitory at mas pipiliing dito na lang kaysa umuwi. Especially for those students na sa malayong lugar pa ang uuwian.
“Ikaw, Kels? Hindi ka ba excited?”
Umiling ako. “Hindi. Wala naman kasing magulang na naghihintay sa akin.”
Napatigil si Chubby sa paglalakad saka napatingin sa akin.
“Magulang mo na ang parents ni Chel since doon ka naman na nakatira. At saka hindi mo ba talaga alam kung nasaan ang totoo mong mga magulang?”
Napabuntonghininga ako. Wala talaga akong kaide-ideya kung nasaan sila. Ang kwento sa akin ni nanay noon ay may babae raw siyang nakita na nagmamadaling umalis bago niya ako nakita noon sa tulay kung saan siya nakapwesto para sa mga binebenta niyang kakanin at gulay.
“Hindi ko alam kung nasaan sila. Feeling ko sinadya akong iwan. Siguro ay malakas ako kumain kaya ako iniwan,” pagbibiro ko pa.
“Grabe ka naman! Feeling ko may ibang rason, e. O baka naman kinidnap ka talaga at ipinatapon ng bagong asawa ng daddy mo dahil galit siya sa iyo kasi kamukhang-kamukha mo ang mommy mo.”
Nangunot ang noo ko.
“At saan mo naman napulot ang ideyang iyan?” tanong ko.
“Sa mga pinapanood kong movies,” natatawang sabi niya.
Natawa na lang din ako’t napailing saka kami nagpatuloy sa paglalakad.
Nang nakarating sa cafeteria ay agad siyang nag order ng maraming chichirya. Ang tanging ganap ko lang ay ang tumulong kay Chubby na magbitbit sa mga pinamili niya.
Bumalik kami sa gym at nakita naming mas lalong nagkakagulo ang mga nanunuod. Nang dumako ang paningin ko kina Chel ay nakita kong hindi na ito magkamayaw sa pagsigaw. Makikitang sobrang saya nito habang pinapanood ang crush na si Diego.
“Alam mo bang Guttierez rin ang apelyido ni Diego?”
Nanlalaki ang mga mata ko nang naibaling ko ang paningin kay Chubby. Natawa pa ito habang nakatingin sa mga players.
“Pero hindi naman siguro kayo magkaanu-ano since hindi mo naman totoong apelyido ang Guttierez. E, hindi ba ay inampon ka lang.”
“Chubby, totoong Guttierez ako.”
Kunot noo akong nilingon ni Chubby.
“Paano naman mangyayari iyon? E, hindi ba ay hindi mo nga alam kung saan ka galing matapos kang iwan sa Davao?”
“Sa lahat ang pangalan ko lang ang totoo... Kelsi Guttierez.”
Natatawang inilingan lamang ako ni Chubby. Halatang hindi siya lubusang naniniwala sa akin.
Kung Guttierez nga si Diego... Ibig sabihin ay siya ang kuya ko. Malakas ang naging pagkabog ng dibdib ko at pakiramdam ko’y ito na ang pinakahinihintay kong pagkakataon para matagpuan silang muli. Makakapiling ko na ang totoo kong pamilya.
Pero ang nakikinita ko ng pag-asa kanina ay bigla na lang naglaho nang subukan kong kausapin si Diego pagkatapos ng laro nila.
“Hi, pwede ka bang makausap?” pang iisturbo ko sa kanya habang kausap niya ang mga teammates niya.
Tumigil siya sa pagsasalita at nilingon ako. Agad na lumawak ang ngisi sa kanyang labi nang nakita ako.
Familiar na ba agad ako sa kanya?
“Bago ka?” aniya.
Bahagyang kumunot ang noo ko at naging alanganin ang naging pagngiti ko.
“Ha?”
“Bago ka sa fans club ko? Katulad ka rin nila?” sabi pa niya sabay turo sa grupo ng mga estudyanteng sumisigaw at kinikilig sa kanila.
Napamaang ako sa kanya at hindi agad ako nakahanap ng isasagot.
“Sayang ka! Ini-spot pa naman kita noong first day ng school. Crush sana kita, e.” He crumpled his nose. “Kaso ayaw ko sa mga babaeng naghahabol sa akin. Walang challenge,” sabay iling niya.
“Hindi—”
“Wala akong oras para sa iyo. Sorry.”
Napanganga talaga ako. s**t! Ang yabang!
Bago pa man ako makapag-react ay nawala na siya sa harapan ko’t umalis na kasama ang mga ka-team niya.
“Ano? Nakausap mo ba?” tanong ni Chubby nang nakalapit sa akin.
“Hindi, e. Inakusahan akong may gusto raw ako sa kanya.
Agad kong narinig ang tawanan mula sa mga kaibigan ko. Kaya sa nanlilisik na mga mata ay nilingon ko sila. Lalong lalo na si Chel.
“Ikaw? Bakit hindi mo sinabi sa aking Guttierez pala ang apelyido niyang crush mo?”
Agad na tumaas ang dalawang kilay ni Chel.
“Hindi ko naman kasi inaasahang Guttierez ka pala talaga. Akala ko dala mo ang apelyido nina Auntie Linda. At saka paano mo naman nalamang Guttierez ka talaga? At totoong Kelsi ang pangalan mo? E, wala ka ngang maalala 'di ba?”
Napabuga ako ng hangin at saka napahawak sa kwintas na suot-suot ko. Totoong gold ito na hugis puso kung saan nakaukit sa likuran ang buo kong pangalan. Binaliktad ko iyon at ipinakita sa kanilang tatlo.
“Woah!” namamanghang sabi ni Chubby.
“Totoong gold, Kelsi?” tanong naman ni Chel.
“Ang ganda ng pagkakaukit sa pangalan mo,” Curly added.
“Suot-suot ko raw ito noong nakita ako ni nanay. Ito ang pinakainiingatan kong bagay. Ito raw ang magiging susi ko para makilala ako ng pamilya ko.”
“Siyang tunay!” pagsang-ayon sa akin ni Chubby.
“What if i-post natin itong kwintas mo sa social media? Like sa Grammable, Faceslap o 'di kaya ay sa Witty,” suhestiyon ni Curly.
“E, paano kung may masasamang tao na makakita at isiping anak mayaman itong si Kelsi... E 'di na-kidnap pa ang kaibigan nating ito? Curly talaga hindi nag iisip!” apela ni Chubby sa sinabi ng kapatid.
“Napak-nega mo naman, taba!” ganti naman ni Curly kay Chubby. Pero bago pa man siya magantihan ni Chubby ay nagtatatakbo na siya palayo habang tumatawa at lalo pang tinutukso ang kapatid niya.
“Humanda talaga itong lampayatot na ito sa akin.” Ikinuyom ni Chubby ang kanyang mga kamao habang naglalakad ng mabilis para makahabol sa kanyang kapatid.
“Nga pala, Chel. Sa garden daw tayo ngayon sabi ni Chubby sa akin kanina.”
“Bakit?” tanong niya.
Itinaas ko ng bahagya ang mga supot na bitbit ko.
“Food trip,” simpleng tugon ko.
Tumango naman agad si Chel.
“Sige, hintayin niyo na lang ako sa garden. Kukunin ko lang ang laptop ko para makapanood na rin tayo ng movies,” aniya saka nauna ng lumabas ng gym.
Naiwan ako sa kinatatayuan ko. Kailangan kong makausap ng masinsinan si Diego. Malakas ang kutob ko na siya ang kuya ko ayon na rin sa impormasyong alam ko. Si Diego ang kuya ni Kelsi. Si Jonathan at Sonya ang kanilang mga magulang.
Pero paano ko naman kakausapin si Diego kung ang buong akala niya ay may gusto ako sa kanya. Lintek! Ba't naman kasi napaka-assuming niya?
Nasa garden na sina Chubby at Curly nang nakarating ako. Pareho na silang nakaupo habang nakatingin sa paligid.
Dewford Academy’s garden is a perfect place for lovers. With it’s well-trimmed flowers and bermuda grass, fresh air, pristine water from the lake, green benches, tall pine tress, and path way that was made for lovers I think, not for students because of it’s engraved heartshapes on the ground. Masasabi mo talagang romantic at perpektong lugar ito para sa mga mag syotang gustong mag date.
Mas pinili naming sumilong sa ilalim ng puno kesa sa umupo sa mga bench. Dumating si Chel na may dalang laptop, picnic mat, at dalawang throw pillow. Tinulungan ko naman siyang ilatag ang mga iyon.
“Anong movie ang panonoorin natin this time?” Chel asked while scrolling up and down on her laptop.
Nagbukas naman ng isang chips si Chubby. “Trending ngayon sa faceslap ang Hide and s*x na movie. Gusto kong mapanood iyon.
“Maganda ba iyan?” si Curly.
“May link ka?” tanong naman ni Chel.
“Hanapin mo sa timeline ko,” tugon ni Chubby saka muling sumubo.
Hinayaan ko silang hanapin ang movie na sinasabi ni Chubby. Pinagkaabalahan kong panuorin ang mga estudyanteng naglalakad, nagbabasa ng libro, mga estudyanteng natutulog, at ang mga mag syotang naghaharutan.
Naabot ng paningin ko ang lake kung saan tanaw na tanaw ang mag syotang halata namang nag aaway. Pilit na lumalapit ang babae sa lalake at mukhang nagmamakaawa habang ang lalake naman ay palayo nang palayo. Mukhang nandidiri ito sa kanyang kaharap.
“Oh! Ayan! Iyan 'yon,” Narinig kong sabi ni Chubby kaya napalingon akong muli sa kanila.
Sumilip ako sa laptop at nakitang hubad na imahe ng lalake at babae ang naroroon.
“E, rated SPG iyan, e,” reklamo ni Curly. “Kailan ka pa natutong manuod ng ganyang klaseng pelikula ha, taba?!”
“Shut up, Curly! Huwag mo akong akusahan na parang ang laki ng nagawa kong kasalanan. Normal lang ang manuod ng ganyang movies no!” tugon naman ni Chubby.
“Makakarating talaga ito kay daddy. They trained us to be a good daughters pero iyong isang anak pala nila—”
Hindi na nagawang ituloy ni Curly ang litanya niya nang ihampas ko sa kanilang dalawa ni Chubby ang hawak kong throw pillow.
“Magsitigil nga kayo sa paulit-ulit niyo na lang na bangayan!” sabi ko. Pero imbis na sundin ako ay tumayo silang dalawa. Inagaw ni Curly ang hawak kong unan. Ang isang unan naman na nasa gilid ay kinuha ni Chubby at sabay nilang hinampas ang ulo ko.
Putcha! Naalog yata ang utak ko.
Natatawang pinanood ni Chel ang karahasang natatamo ko mula sa magkapatid. “Tama na nga iyan! Magsisimula na oh!” aniya.
Tumigil kaming tatlo sa ginagawang pillow fight at agad na nagkumpulan sa harap ng laptop.
Sa kalagitnaan ng palabas ay nanindig ang mga balahibo ko. Ang wild ng mga bed scenes!
“What the f**k are you watching?!”
Nanlaki ang aking mga mata at natataranta kaming nagsipagtayuan nang bigla na lang may sumigaw sa aming likuran.
Lagot! Hindi pala dapat nanonood ng ganoon sa public place!
***
S H I N Z A N Z O U