Isang lalakeng mukhang koreano ang istriktong nakatayo sa harapan naming apat. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa amin. But despite of his mad expression ay kapansin-pansin talaga ang kagwapuhang taglay nito.
“Se detention room na kayo magpaliwanag. Here’s your love letters,” sabi nito saka may iniabot na maliliit na piraso ng papel sa akin na agad ko namang tinanggap.
“Magkita-kita tayo doon in less than 30 minutes.”
Tahimik ang mga kasama ko kaya tahimik din ako hanggang sa makaalis na siya.
“Sino iyon?” tanong ko sa kanilang tatlo pero walang sumagot sa akin kaya nilingon ko at nakitang nakatulala lamang sila.
“Hoy!” sigaw ko pero tiningnan lang ako.
Napabuntonghininga ako at tinalikuran na lamang silang lahat. Sinimulan kong ligpitin ang nagkalat na plastic ng mga chips na kinain namin. Pati na rin ang mga lata ng coke. Ilang sandali pa ay halos tumilapon ang mga hawak ko sa gulat nang biglang sabay-sabay na nagsigawan ang tatlo.
“Ahh!” si Curly na agad tinakpan ang bibig.
“Oh my god!” si Chel habang pinapaypayan ang sarili.
“Totoo ba ito?” at si Chubby na pinagsasasampal pa ang sarili.
Napakunot ang noo ko. Ano na namang nangyayari sa mga ito?
“He’s the supreme student council president, Mr. Florence Moreno aka. Rain. Singlamig ng hanging dulot ng ulan ang trato sa lahat. Ngunit nagagawang painitin ng kanyang maswerteng girlfriend. Ang swerte ng girlfriend niya at nagagawa niyang ngitian. E, kaming ordinaryong tao lang sa buhay niya ay sinisimangutan niya lang,” mahabang eksplinasyon ni Curly habang naglalakad kami papuntang detention room. First time ko ito. Jusko!
“And guess who’s the lucky girl,” nagmamalditang sabi ni Chel sa akin.
“I don’t want to guess. Not interested,” bulong ko.
“Ito naman ang kill joy! But anyway, si Sidney. Ang swerte no? Pero ang malas naman ni Rain sa kanya kasi ang pangit ng ugali ng babaeng iyon.”
At dahil ramdam ko na naman ang galit niya kay Sidney ay baka ito na ang tamang panahon ko para magtanong.
“Ang laki talaga ng galit mo kay Sidney no? Parang sagad hanggang buto! Inano ka ba niya?” tanong ko.
“Nah! Huwag na nating pag usapan!”
Nasa harap na kami ng double doors kung saan may nakasulat na detention room in bold letters and in all capslock. Pangalan pa lang, nakakatakot na.
May pitong estudyanteng nakaupo sa loob ng room nang nakapasok kami. Dumiretso kami ng upo sa mga upuang nakita. Pero hindi pa man nag iinit ang puwet ko sa pag upo ay bumukas na ang pintuan at iniluwa nito ang lalakeng nagbigay ng detention slip sa akin kanina.
Agad akong napatayo nang nakita kung sinong sunod na pumasok.
“Sino ba 'yang mga estudyanteng sinasabi mo na nanonood ng p**n?”
Oh dear! Another kahihiyan moment for me!
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Aldrin nang nakita kami bago nangunot ang kanyang noo at bumuntonghininga siya ng malalim.
Naupo siya sa silyang nasa harap at saka niya ipinatong ang mga kamay niya sa table. “Mr. Moreno, please tell me what exactly happened,” istriktong utos niya sa lalakeng nakatayo sa kanyang tabi habang ang paningin ay nakatutok sa akin.
“Naglilibot po ako sa garden nang nakita ko ang apat na ito, sir,” sabay tingin nito sa amin. “Nagkukumpulan sila. Akala ko noong una ay may inaaral sila sa harap ng laptop. But as I stole a glance, may nakita akong lalake at babaeng nakahubad. They are watching p*********y, sir.”
Napasinghap ako. p*********y agad?
Hinarap kami ni Aldrin at isa-isa niya kaming tiningnan.
“Ms. Chubby Bee Ignacio, Ms. Curly Puttie Ignacio, Ms. Rachel Ann Macasaet, and...”
Napabuntonghininga pa muna si Aldrin bago niya ako tiningnan ng diretso sa aking mga mata.
“Ms. Kelsi Guttierez, pwede kayong magpaliwanag.”
Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko dahil kahit isa sa amin ay walang naglakas ng loob na magsalita. Napayuko ako at kinagat-kagat ko ang aking labi.
“Ano, walang magsasalita?” mahinahong tanong ni Aldrin sa amin.
Napabuga ako ng hangin at saka lakas loob na nag angat ng tingin sa kanya.
“S-sir, hindi naman po kasi iyon p*********y. Romantic movie po iyo—” Natigilan agad ako sa pagsasalita nang itaas ni Aldrin ang kamay niya at pinapatigil ako sa pagsasalita dahil may kumatok sa pintuan at agad na pumasok ang limang lalake.
“Sir, nahuli ko po ang apat—” Ngayon ay sa kanila naman itinaas ni Aldrin ang palad niya saka niya ako muling nilingon.
“Ms. Guttierez, it's a romantic movie but with graphic mature scenes I concluded. How old are you again?”
“18, sir.”
“Old enough pero baka nakakalimutan niyong estudyante pa rin kayo ng eskwelahan kung saan may mahigpit na pamamalakad. Karapatan naming mga guro ang parusahan kayo at bigyan ng leksyon sa pagkakamaling nagawa ninyo. Nanood kayo ng ganoong palabas sa publikong lugar. Paano kung iba ang nakakita sa inyo? Paano kung mas bata pa ang nakakita sa inyo? Ano na lang ang papasok sa mga utak nila? Hindi niyo ba naiisip iyon?”
Nakayuko lamang ako habang nagli-litanya siya. Nahihiya ako sa kanya. Nahihiya ako sa crush ko. Mas kahiya-hiya yata ito kaysa doon sa naamoy niya ang hininga ko.
He took a deep very sigh.
“Tatlong oras kayong tutulala dito sa loob ng detention room. Try to open your mouth at dadagdagan ko ang oras. Sit down.”
Tutulala talaga? As-in, hindi kami mag uusap-usap? Ang tinding parusa nito ah? Mamamatay kami dahil sa boredom!
Naupo kaming apat. Si Mr. Moreno ay agad na ring lumabas ng detention room. Ngayon ay ang limang lalaki naman ang hinarap ni Aldrin.
“What happened?”
“Ayun na nga, sir. Nakita ko itong apat na ito na nag iinuman sa loob ng room nila,” sabi noong lalake na pinatigil kanina ni Aldrin.
Otomatikong dumapo ang isang palad ni Aldrin sa kanyang sintido. Marahan ang paghihilot na ginagawa ng kanyang daliri doon.
“Seven plus four, plus another four equals fifteen. Kulang pa. Dagdagan niyo pa.” Maririnig sa tono ni Aldrin ang pagiging sarkastiko. Pero mukhang hindi yata ito agad na nakuha ng lalaking kausap.
“Okay po, sir,” sabi pa nito.
Napalingon agad si Aldrin sa lalaki. “Nagbibiro lang ako,” sabi niya pero mukhang hindi naman siya nag jo-joke. Napakaseryoso nga ng pagkakasabi niya, e.
“Pfft. Ito talagang si sir. Napakaloko talaga kahit kailan!”
Lahat kami ay napatingin kay Curly nang bigla siyang nagsalita. At natatawa pa ang loka!
“Sino iyon?” tanong ni Aldrin.
Agad na nanlaki ang mga mata ni Curly habang nakatingin kay Aldrin. Ngayon niya lang yata na-realize ang pagkakamaling nagawa niya.
“Another two hours for your group, Ms. Ignacio.”
Napabuntonghininga agad ako. Sina Chubby at Chel ay agad na tinapunan ng masamang tingin si Curly. Napakadaldal kasi, e.
Napatingin ako sa orasan at nakitang ala una na pala. Kaya pala naririnig ko na ang pagrereklamo ng tiyan ko.
“Sir, wala pa po kaming lunch,” wala sa sariling sabi ko. Mabilis na nanlaki ang mga mata ko nang na-realize ko na nasabi ko pala iyon ng malakas.
“S-sorry, sir. Sa isip ko lang pala dapat iyon.”
Aldrin looked at me with his cold expression. “Another two hours for your group, Ms. Guttierez.”
Shit! Three plus two plus another two, so hanggang alas siyete ng gabi kami rito?
Napatingin ako kina Chel, Curly at Chubby. I mouthed sorry to them pero inismiran lang nila ako.
Muli akong napatingin sa wall clock, alas dos na ng hapon. Tulala lang talaga kaming lahat. Habang si Aldrin naman ay nasa lamesa niya lang at nakaharap sa laptop niya.
Napalunok ako ng ilang beses nang biglang tumunog ng napakalakas ang tiyan ko. Napatingin ako kay Aldrin at agad na nagtama ang aming mga mata. Nakatingin na rin pala siya sa akin.
Gusto kong mag sorry. Pero ayaw kong dagdagan pa ang oras namin dito kaya napayuko na lamang ako ngunit muli rin akong napaangat ng tingin nang narinig ko ang pagbukas sarado ng pintuan. Lumabas si Aldrin.
“Hooh! Bwiset ka talagang kulot ka, e!” bulyaw ni Chubby kay Curly.
“Sorry na nga! At saka hindi lang naman ako ang nag ingay ah? Pati si Kelsi!” turo pa sa akin ni Curly.
“Tss!” natatanging tugon ni Chubby.
“Atsaka hoy taba! Kasalanan mo naman talaga ito! Ikaw kaya ang nag ayang manuod ng ganoong palabas!”
“Huwaw! Ako pa ngayon? E ikaw nga itong mukhang mas enjoy na enjoy sa panonood, e!”
Napabuga ako ng hangin. Heto na naman po tayo.
Ang ibang mga kasama namin dito sa loob ng detention room ay unti-unti na ring nag ingay. Parang nakahinga ang mga ito ng maluwag nang panandaliang nawala si Aldrin. Hindi ko alam na ganito pala ka-istrikto. Nakakapanindig balahibo siya kung tumingin pero ang sarap niya pa ring kainin.
Napangisi agad ako sa mga naiisip ko.
“Hoy! Ano na naman iniisip mo?” tanong ni Chel nang napansin ang pangisi-ngisi ko.
Ibinuka ko ang aking bibig upang sana ay sumagot kay Chel pero naitikom ko itong muli nang biglang bumukas ang pintuan. Bumalik na ulit si Aldrin sa upuan niya at agad na minanipula ang laptop niya.
Ilang sandali pa ay may kumatok sa pintuan. Bumukas iyon at agad na nanuot sa ilong ko ang bango ng pagkaing dala nito.
“Andito na po iyong in-order niyo, sir.” Ipinatong ng babae ang hawak na mga supot ng pagkain sa lamesa ni Aldrin.
“Thank you,” Aldrin replied.
Hindi rin naman nagtagal ang babae at agad rin siyang lumabas.
Binuksan ni Aldrin ang mga supot at isa-isang inilabas ang naka-pack na pagkain sa loob nito.
Lumapit siya sa mga estudyanteng nauna sa amin at binigyan niya ito isa-isa ng pagkain. Takam na takam na siguro ang mga ito kaya hindi na nila napigilang magpasalamat.
“Maraming salamat, sir,” they said in chorus.
“Yeah. Another two hours for your group.”
Ang masayang ekspresyon ng mga mukha nito ay agad na napalitan ng pagkagulat. Matatalino itong mga kaibigan ko kaya noong binigyan kami ni Aldrin ng pagkain ay walang nagsalita sa amin.
Nang buksan ko ang pack lunch ay agad akong napapikit.
Ang sarap ng amoy ng fried chicken!
Susubo na sana ako pero inantig naman ako ng konsensya ko. Inangat ko ang paningin ko at nagpang-abot agad ang mga mata namin ni Aldrin.
Dahil ayaw ko rin namang madagdagan ang oras namin rito. I just mouthed thank you to him. Na agad rin naman niyang sinagot ng ngiti at tango.
***
S H I N Z A N Z O U