CHAPTER 2

2326 Words
I don't know why people make it big deal. Mas lalo ko lang nagustuhan si Vianne nang nakita ko kung paano niya hinarap ang kahinaan niya She's rare and unique, She's honest, She's more pretty and cute in her red hair I lifted up my head and glare at Riej, Umupo na siya sa tabi ko. Nag start ang Prof namin na mag discuss kahit late ang iba naming mga kaklase. Sumulyap akong muli kay Vianne na nakikinig na. Minsan nahuhuli niya akong nakatingin sa kaniya at napapailing pa. I smirked when i felt her looked at me so i turned my head to looked back. Nag taas siya ng kilay sa akin at muli din nakinig sa discussion. Minsan ay nag re-recite siya, ako naman ay tagahanga niyang nakikinig lang sa sinasagot niya sa Prof namin. Bukas ay hindi ko na ulit siya makikita dahil wala kaming parehong klase, Itong Night class lang ang parehong klase namin at thrice a month lang, Malas! Alas nuwebe y medya na kami nakauwi. Hinanap ko si Vianne kasama na si Priezma na kaibigan niya, Nakita ko din na lumapit si Louisse sa kaniya. "Der!" Tawag ni Riej sa akin at tinapik pa ang balikat ko. "Bakit, Der?" Tanong ko sa kaniya at nilingon siya pero muli kong hinanap si Vianne na lumabas na kasama sila Louisse "Uwi na?" Tanong niya. Agad kong sinukbit ang bag ko at lumabas na din. Sumunod na si Riej sa akin. Hinanap ko naman si Vianne na nag lalakad na palabas ng hallway. Tumakbo ako palapit sa grupo nila Vianne at humarang pa sa kanila. Nagulat naman ang dalawang kasama niya but Vianne doesn't look bothered at all. Wala ba talaga akong epekto sa kaniya? Hindi tumatalab ang charm ko or totoo ba talaga ang charm ko na tinutukoy ng iba? I started doubting at my Charm, eh? "Uuwi na kayo? Commute? Sabay na kayo sa akin." Prisinta ko at ngumiti pa sa kanila. Naramdaman ko naman ang pag lapit ni Riej sa'kin. "How about Riej?" Tanong ni Louisse na akala siguro ay sa'kin sasakay si Rodriej. Nakita niya kasi kahapon na sumakay si Rodriej sa akin dahil may pinaayos sa sasakyan niya "He brought his car tonight." Sagot ko sa tanong ni Louisse "So... Sabay na kayo sakin?" Tumingin kay Vianne na tahimik lang. Kinakabahan talaga ako pag ganun na tahimik si Vianne hindi ko alam kung ano tumatakbo sa utak niya "Sige, if you don't mind?" Si Priezma ang sumagot at nilingon si Vianne. "Yeah, i don't mind." I smiled "Vianne, ano?" Tanong naman ni Priezma kay Vianne. Tumango si Vianne at gusto ko namang sumigaw ng YES! Pero masyado naman OA yun dahil hindi pa nga ako nanliligaw at hindi pa ako sinasagot. "Pa'no pala si Louisse? Duon pa siya sa La Georgia" Nag aalalang tanong ni Vianne at nag katinginan pa sila ni Louisse "Duon din si Rodriej" Nilingon ko ang masungit na si Riej. "Der, sabay mo na si Louisse. Okay lang?" Tanong ko kay Riej at tahimik lang. Masyadong mahal ang salita nito "Kung hindi okay, mag co-commute na lang ako." Sabi ni Louisse na nag aalanganin. Nag tinginan pa silang muli ni Vianne. "Sasabay na lang ako sayo, Louisse—" "Sige akin na si Louisse" At tumalikod na si Rodriej. I owe you, Der! Ngumiti si Priezma kay Louisse na halatang gulat pa sa sinabi ni Riej. Nilingon ni Louisse si Vianne na ngumiti sa kaniya at tumango. Na Unang nag lakad si Louisse na sumunod kay Riej na nag lalakad patungo na sa Parking lot, Sumunod naman din ako at sina Vianne. Sumakay na si Louisse at Riej sa sasakyan nito, si Priezma ay sumakay sa likod kaya nag tinginan kami ni Vianne. Ilang sandali nag iwas siya ng tingin at umikot na para sumakay sa Front seat. i bite my lower lips to stop myself from smiling. D*mn! This feeling! Sumakay na ako sa driver seat. Nag suot din ako ng seatbelt gaya nang ginawa ni Vianne. I start the engine of my car at sumunod kina Rodriej, nag hiwalay lang kami ng daan nang kumaliwa na sila at kami ay deretso lang. "Dyan lang ako sa DR building" Sabi ni Priezma. Nag slowdown ako at nang matapat na sa mismong building, Gumilid ako at huminto na. "Salamat, Rhivo." Pasasalamat niya Nilingon ko si Priezma sa Rearview mirror na nakangiti, pasimple akong sumulyap kay Vianne bago tumango at ngumiti din pabalik kay Priezma. Man! I can sense it, Boto sa akin itong kaibigan niya. Make a fvcking Move, Roizon! Don't hide your balls! "Bye, Vianne. Goodnight" Paalam niya kay Vianne. Nilingon din siya ni Vianne sa Rearview at tinanguan siya "Sige, goodnight din." Sabi ni Vianne na nakangiti. Nag katinginan naman kami sa Rearview mirror, Kahit pa narinig na namin ang pag sara ni Priezma sa pinto hindi ko pinansin, hindi ako mag bibitaw ng tingin hangga't hindi siya nag bibitaw. I suddenly felt something inside my chest. i sighed for my defeat. dahil sa naramdaman ko ay ako na mismo ang nag iwas ng tingin at pinaandar na muli ang sasakyan. "Saan ka? Sa Montefiore ba?" Tanong ko kay Vianne para hindi gaanong awkward ang atmosphere dahil pareho kaming tahimik, sa Montefiore lang din naman ang alam ko kung saan siya tumutuloy. Nilingon ko siya saglit. Umiling siya at binaling kong muli ang paningin sa daan. "Sa Baroso ako." Lagpas pa 'yon sa Montefiore. Kumaliwa ako dahil duon ang daan ng Montefiore at Baroso. "Akala ko sa Montefiore ka" Sabi ko para mawala ang awkward sa pagitan namin. "Oo. Duon talaga ang bahay ko, pero uuwi ako sa lola kong may sakit at wala siyang kasama ngayon dahil pumasok si Mama at ang Tita ko sa trabaho." Kwento niya. Medyo lumuwag naman ang pakiramdam ko na kanina ay akala mo hinahabol Tumango-tango ako sa kwento niya. Hindi ako close sa pamilya ko kaya hindi ko ramdam ang kinukwento niya pero dahil duon mas lalo ko siyang nagustuhan. Hindi lang talaga siya mabait, maalaga pa sa mahal niya sa buhay. i wonder... kung maging girlfriend ko siya aalagaan niya ako hindi ba? Well.... that's make me crazy. Iniisip ko pa lang ay nababaliw na ako. "Ikaw? Saan ka pa uuwi? Hindi ka ba gagabihin?" Tanong niya. Bahagya akong napangiti dahil akala ko talaga snob na niya ako e. Lintek kasi na Bron 'to pinakalat na gusto ko siya imbes na private lang at ayaw ko maraming nakikisawsaw ayan tuloy mas naging awkward at nilalayuan ako. "Hindi, malapit na din ang sa amin pag dito ako nag daan" Sabi ko dahil totoo naman, daan to sa short cut ng papunta sa amin. "Pwede bang pahinto muna dyan sa may botika? Bibili lang ng gamot." Nakita ko naman ang maliit na botika na tinuturo niya. Huminto nga ako dito. Nilingon ko siya. Nag tanggal siya ng seatbelt at lumingon din sa akin na nahinto saglit. "Okay lang na iwan mo na ako dito, sasakay nalang ako—" Umiling ako at hindi siya pinatapos "I'll wait, okay lang sa'kin." Sabi ko at nginitian pa siya. Halata sa mukha niya na nag aalanganin kaya bago pa siya mag salita ulit inunahan ko na siya. "Okay lang sa'kin, nanliligaw ako kaya..." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin dahil bahagyang nakaramdam ng hiya Nakita ko naman ang medyo gulat na mukha niya. Nag iwas siya ng tingin. "Saglit lang ako" Paalam niya at bumaba na nga na hindi ako nililingon. Para naman akong tangang ngingiti-ngiti nang masarado niya ang pinto. Sinulyapan ko pa siyang lumapit na sa botika at kausap na ang isang pharmacist Ilang sandali pa ay umayos na ako ng upo at pumasok na siya. Hinantay ko siyang nag suot ng seatbelt bago pinaandar muli ang sasakyan. Nakarating na kami sa Montefiore at nalagpasan din namin ang bahay nila kung saan talaga siya nakatira. Medyo binagalan ko ang pag papatakbo nang narating na namin ang Baroso dahil hindi ko alam kung saan ang bahay ng Lola niya. "Dito na lang ako." Sabi niya at Dahan dahan naman akong promeno. Muntik nang nalagpasan ang tinuturo niyang bahay ng Lola niya. Nilingon niya ako at bahagyang ngumiti. Nilingon ko ulit ang bahay sa bintana sa likod niya, maliit iyon at simpleng bahay na gawa sa kahoy "Salamat sa pag hatid" Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Tumango naman ako at ngumiti. "Wala yun, bukas ulit." Sabi ko at pareho kaming nahinto sa sinabi ko. Pakiramdam ko ang kapal ng mukha ko. Marami na akong karanasan sa pakikipag relasyon at ligaw pero hindi ko alam na matotorpe ako nang ganito. "Hindi na, naabala ka pa namin." Sabi niya sa'kin at tinanggal na ang seatbelt. "Hindi ka abala saakin, ako ang may gusto" Sabi ko at pinipilit huminga ng wasto "Kung papayagan mo kong manligaw?" Tanong ko pa. Saglit kaming nag titigan. Bumilis naman ang t***k ng puso ko nang bahagya siyang natawa. Damn dude! I'm fck up. "Okay ka din pala mag joke." Sabi niya at pilit pang tumawa Wait! What? She think what i said is just a joke? Ganun na ba kasama ang reputasyon ko sa kaniya? I can't blame her dahil marami talagang bali-balita tungkol sa akin at bad records ko sa mga Babae But... Dude! I'm serious this time. Iba ang nararamdaman ko sa kaniya I need to show her that I'm Serious to my feelings. Nang makita niyang seryoso ang mukha ko Nahinto siya at umismid "Alam ko ang tipo mong babae at hindi ako 'yon" Seryoso niyang sabi. Kunot noo ko siyang pinag masdan. Hindi Tipo? Na sa kaniya ang lahat ng gusto ko sa Isang Babae. Hindi ako nag iwas ng tingin at pinatibay pa ang titigan namin. Hindi ako mag iiwas ng tingin para ramdam niya na seryoso talaga ako sa kaniya. "How you say that?" Tanong ko at kumunot ang noo. Hindi ko talaga makuha kung paano niya nasasabi 'yon. Isn't it obvious? Mukhang Mahina ata ang kapangyarihan ng balita at hindi nakaabot sa kaniya? "Kasi halata naman sa mga ex mo." Sabi niya at tinuro ang sarili niya "Imposibleng mag kagusto ka dito, Bukod sa di malaman ang sakit na meron ako, pangit ako. Kung pinag lalaruan mo ako please wala akong panahon para makipaglaro sa'yo" Nag buntong hininga pa siya matapos niyang sabihin 'yun "Vianne, I'm serious." Siya na mismo ang nag putol sa titig namin. "Hindi ka pangit" Dagdag ko dahil totoo naman na hindi siya pangit. Maganda siya at hindi ko alam kung pa'no niya na sasabi na pangit siya? "Rhivo, oo alam ko crush ka ng buong bayan at ng buong campus. kung sa tingin mo ay isa akong malaking challenge sa'yo..." Nahinto siya at muling tiningala ako A What? Challenge? "Hindi ako challenge sa'yo, inaamin ko crush kita. Hindi ako challenge sa'yo, tigilan mo na ako." Dagdag niya Kung totoo man na niloloko ko siya ngayon at tingin ko ay challenge siya para sa akin baka maguilty pa ako sa nakikita kong nakakaawang anghel na mukha niya pero isang malaking HINDI, Hindi ko siya niloloko at hindi ganun ang tingin ko sa kaniya Oo inaamin ko marami ngang nag kakagusto sa'kin at pwede naman akong mamili sa mga 'yun pero iba talaga ang sinisigaw ng puso ko. Si Vianne nung una akala ko din isa lang siyang challenge at natatapakan ang ego ko dahil siya lang ang babaeng hindi pumapansin sa'kin pero kalaunan hindi lang naman talaga tungkol sa ego ko yun dahil na-attract at nag karoon na ako ng nararamdaman Mas lalo lang ata lumalala ngayong nag kausap kami at nag karoon ako nang pagkakataon na ganito kalapit sa kaniya. Mabilis ko siyang pinigilan nang pababa na siya. Bumaba ang tingin niya sa braso niya na hawak ko. Bahagya akong napalunok at hinahanap ang dapat sabihin. "Vianne. Please, give me a chance to prove myself to you. I'm sorry kung ganun ang tingin mo sa akin—" "Hindi mo naman kailangan mag sorry dahil dun. Schoolmate mo ako at minsan kaklase kaya alam ko lang ang history mo sa mga babae" Hindi ko alam pero Napangisi ako at bahagyang natawa sa sinabi niya, siya naman ay namula. Hindi naman ako nag papakabanal dito at inaako ko naman ang p*******t ko sa mga babae nuon, Hindi ko lang kasi mahanap sa mga nag daang ex ko ang gantong pakiramdam. Yung napapabilis t***k ng puso ko at halos segu-segundo siya ang laman ng isip ko. s**t lang! Tapos hindi ka pa gusto pabalik. "Tatanungin kita ulit bukas, sorry kung minadali kita." Sabi ko at dahan-dahan nang binitawan ang braso niya Mabilis naman siyang umiling "Nagulat lang ako at hindi naniniwala sa sabi-sabi." Aniya "Sabi sabi na?" Tanong ko kahit pa may ideya na. "N-na gusto mo ako" Namumula ang mukha niyang nag iwas ng tingin. She's really cute Angel. Ngumiti ako dahil sa deretso niyang sagot. Akala ko ay mag papaligoy pa siya. I feel relief on her being honest, gusto kong ganung klaseng babae. No, I mean...I like her. "Gusto naman talaga kita" I stared at her. Tumango siya at binuksan na ang pintuan. "Salamat sa pag hatid." Pasasalamat niya "Ingat" at bumaba na "Pwedeng makuha number mo?" Habol ko. Tahip-tahip ang kaba sa dibdib ko Lumingon siya sa bahay nila at muli ding binalik ang tingin sa'kin. Kumuha siya ng papel at ballpen sa bag niya. Sa upuan na siya nag sulat at pinunit niya pa ang pinag sulatan niyang papel, Binigay na sa akin ito. "Salamat ulit" Ngumiti ako at tumango. Sinarado na niya nang tuluyan ang pinto. Agad kong nilabas ang cellphone ko at s-in-ave ang number niya pag tapos ay tinupi ko ang papel na bigay niya at sinuksok sa case ko. Tumingin ako sa bahay ng Lola niya na kakasarado lang ang pinto dahil kapapasok niya lang. Huminga naman ako nang maluwag at pinaandar na ulit ang sasakyan. This is my chance. I will not waste it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD