CHAPTER 3

2231 Words
Dahil sunday ngayon, sumama ako kay Louisse at Priezma na nag simba. Tumanggi naman akong sumama sa Mall pero dahil mapilit sila kaya sumang-ayon na lang. Wala naman akong gagawin sa bahay dahil day off ni Tita Beverly at nag paalam naman ako. Minsan lang naman ito.  Nag libot pa kami sa Mall at kung saan saan ako hinila ng dalawa. Panay ang bili nila ng damit at pati ako nadadamay. Bumili pa si Louisse ng tatlong damit na mag kakapareho kami. "Ang saya ko, may kasama na akong nag mo-mall," Nakangiti si Louisse. Na kwento niya nga na mag isa lang siya laging nag mo-mall dahil wala daw siyang kaibigan. I feel pity for her, Naikwento din kasi ni Louisse na duon sa dati niyang school ay binu-bully siya at na-trauma siguro kaya hirap na mag hanap pa ng mga kaibigan. Simula pag kabata si Priezma ay kaibigan ko na, Masaya naman ako na kaibigan na namin itong si Louisse at nakikita ko naman na masaya siya sa'min. "Every Sunday simba tayo ah? Kung hindi pwede nang umaga, sa hapon na lang" Nagkatinginan pa kami ni Priezma at parehong tumango kay Louisse bilang pag sang-ayon. Wala namang problema sa'min 'yon dahil pare-pareho naman kaming Catholic ang religion, Mukhang maka-Diyos itong si Louisse at kahit saan ay may bitbit na rosaryong nasa pouch niya, Nakita ko nga 'yon dahil nung nag bayad ay bahagyang lumitaw nuong hinugot niya ang card niya. "Oo ba," Si Priezma. Tumango at ngumiti din ako. Natapos na kaming nag tanghalian at nilibre na naman kami ni Louisse sa restaurant. hindi naman ako gumastos ngayon sa gala dahil masyadong galante si Louisse, Hindi din kami nag commute dahil nag dala siya ng sasakyan. Hindi ako mayaman gaya ni Louisse at Priezma. Hindi din ako spoiled sa Papa ko na nag papadala lang sa akin ng pera. Si Mama may trabaho at sapat lang ang sweldo para mabigay ang kagustuhan at pangangailangan ko. Yung bahay namin na malaki ay galing iyon kay Papa pero hindi kami tumitira duon dahil masyadong mataas ang pride ni Mama at sa bahay nila Lola at Tita Beverly kami tumitira, minsan ako lang ang na sa bahay na bigay ni Papa dahil nakapangalan iyon sa'kin at sayang naman. Isa ako sa mga Volleyball player at sumasama sa mga art contest para mabawasan ang binabayarang tuition fees, Scholar ako dahil isa ako sa students council representatives at Classroom President. "Nanliligaw si Rhivo sa'yo?" Kinikilig na sumulyap si Louisse sa'kin. Pauwi naman na kami. "Louisse, eyes on the road," Saway ko, iniiwasan ang tanong niya. Nakita ko sa Rearview mirror si Priezma na nakangisi na rin sa akin. "Totoo yung chismis, Vianne?" Si Priezma na ang nag tanong at nakikiusyoso na. Hindi ako nag salita at iniwas ang tingin sa Rearview mirror. Last night kasi tinanong ako ni Rhivo at manliligaw nga pero hindi pa naman ako sigurado Oo kalat nuon na may gusto nga siya sa akin at minsan ay naniniwala, pero kagabi ay masasabi kong mabilis siya. Hindi man lang muna umamin nga at pinatagal pa ang araw bago ako tanungin sa panliligaw, Nagulat din talaga ako. Ang tinatanong nila ay Tinanong na ba akong manligaw? Kung ganun nga ang usapan ay o-oo ako "Kaibigan mo naman kami, sabihin mo na," bahagyang na tatawa na pangungulit ni Louisse. Nag buntong hininga ako at tumango na nga, Alam kong hindi ako tatantanan ng mga ito kung hindi ko pa sagutin, ayaw ko din namang mag sinungaling. Humiyaw naman si Priezma at si Louisse na halos mamatay na sa kakatawa. Hindi ko din maiwasan ang mapangiti kaya ngumuso ako at pinipigilan ang tumatakas na ngiti sa labi. This feelings and emotions are new to me, Masaya pa lang malaman na kahit papaano ay may nagkakagusto din sa isang tulad ko. "Hindi ko pa pinapayagan pero manliligaw daw" Paglilinaw ko at iyon naman ang totoo "Yes! Dalaga ka na," Si Priezma na patuloy ang panunuya sa akin. "Reto mo ako sa kaibigan nuon ah?" Natatawang sabi ni Louisse at biro lang. Tumango naman ako at alam kong gusto niya si Rodriej, Obvious naman. "Ikaw talaga, Patay na patay ka kay Rodriej" Si Priezma na ngayon ay si Louisse na ang niloloko. Huminto na ang sasakyan ni Louisse sa tapat ng bahay namin, dahil ang usapan kasi ay tatambay kami dito at pumayag naman ako dahil ako lang mag isa at na sa kabilang bahay sila Mama at Tita. Gusto ko din sana sila duon na lang papuntahin pero ang sabi ni Mama dito daw ako pag mag dadala ng bisita. Bukod kasi sa mas presentable na ihaharap ang bahay na ito ay mas malaki ito para mag patuloy nga ng bisita Mabuti na lang at may mga pag kain sa ref na niluto at ginawa ko, Eto naman ang mineryenda namin habang nanonood kami ng Netflix dito sa bahay "Asaan ang Parents mo? Mag isa ka dito?" Kunot noo na tanong ni Louisse at halatang walang alam sa buhay ko. Nag kwento naman si Priezma kay Louisse at ako ay tahimik lang na pinapakinggan si Priezma na memorize ang linyahan niya Si Louisse ay wala ng Papa pero may Mama pa daw siya kagaya ko na Ina lang ang kasama sa bahay pero ang pinagkaiba namin ay Buhay pa ang Ama ko pero mag kahiwalay naman sila ni Mama Nag katuwaan naman kami at kung ano-ano ang pinag kwentuhan, minsan ay tungkol sa pag aaral at madalas girls talk saka mga kinabibwisitan, lalo na si Louisse maraming kinaiinisan at tuwang-tuwa naman ako dahil para siyang bata na gustong sumabunot at gigil pa ng mukha habang nag kukwento Narinig namin ang nag doorbell kaya tumayo ako para silipin 'yon. "May ine-expect ka pang ibang Visitor? Or  Delivery?" Nakakunot ang noo ni Priezma na ngumunguya ng Pop corn I shrugged. Hindi ko alam at ni Isa sa Delivery or Visitor ay wala akong ine-expect "Titignan ko lang," Paalam ko sa dalawa Nakapayong ako nang binuksan ang gate. Pag bukas ko naman ng gate ay nagulat ako na si Rhivo ang sumalubong sa akin at may dalang Tulips na Boquet. Sinulyapan ko pa si Rodriej na walang emosyong na sa likod ni Rhivo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at tila naipit ang dila ko "Para sayo," Sabi pa ni Rhivo, Ngumiti ito at nilahad ang mga bulaklak. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ito dahil hindi pa naman ako pumapayag na manligaw siya Ang t***k ng puso ko ay nakisabay pa sa kaba na nararamdaman. hindi pa ako nakakaranas ng manliligaw sa personal dahil lahat ay sa chat lang "Salamat" Binaba ko ang tingin sa Boquet na hindi ko matanggap tanggap dahil nahihiya ako Si Priezma na ang kumuha nito para sa akin at Tinapik pa niya ang Braso ko, hindi ko alam na nakasunod pala siya. "Ako na mag lalagay sa vase," Prisinta ni Priezma at alam niya talaga ang pakiramdam ko na hindi ko nga tatanggapin ang bulaklak kaya para hindi din siguro nakakahiya kay Rhivo siya na ang tumanggap Hindi ko lang talaga inaakala na seseryosohin niya ang panliligaw sa akin. "P-pasok kayo," Binuksan ko nang malaki ang gate at bahagyang tumabi para bigyan sila ng daan. Nag tinginan pa si Rhivo at Rodriej bago pumasok Si Priezma naman ay sinamahan sila Papasok at ako ay sumunod na lang dahil sinarado ko pa ang gate. Nang makarating kami sa Sala halata kay Louisse ang gulat dahil nanlaki pa ang mata. Dahan-dahan siyang ngumiti at bumaling sa crush niyang si Rodriej na tahimik lang. "Hindi ka nag sabi na pupunta sila?" Bulong ni Louisse sa akin nang tumabi ako sa kaniya. "Upo kayo," alok ko, tinuro pa ang dalawang upuan sa gilid namin at naupo nga sila. Lumapit ako kay Louisse para ibulong ang sagot sa huli niyang tanong, "Hindi ko din alam" "Sorry, hindi ko na sabi na pupunta ako," Panimula ni Rhivo kaya natahimik ako, tumango lang at sinundan ng tingin si Priezma na nakangisi na umupo sa kabilang gilid ko "Ahm...o-okay lang" Bumabaliktad ata ang dila ko. Sinulyapan kong muli si Rhivo na katabi lang si Rodriej na walang imik na pinanonood kaming lahat. "Dumaan ako duon sa bahay ng Lola mo, Ang sabi ng Mama mo ay andito ka daw," Dahil sa titig ko ay napansin ang pag basa niya sa labi niya at mabilis na nag iwas ng tingin sa'kin. Medyo kinabahan ako dahil walang alam si Mama sa mga manliligaw ko dahil agad ko din namang bina-basted at isa pa— hindi ko pa din pinapayagan siyang manligaw kaya hindi ko pinakilala kay Mama "N-nakausap mo... s-si Mama?" Tanong ko sa maliit na boses. Tumango naman siya sa'kin at mas lalo naman akong kinabahan. Ibig sabihin ba nito ay?— "Anong pakilala mo kay Tita?" Biro ni Priezma at ramdam ang siko niya sa tagiliran ko na gumagalaw para kilitiin ako. Rhivo licked his lower lips again, Tila nag hahanap ng isasagot at nag aalanganin kung sasagot ba. "Manliligaw, pero ahm...ano— alam ko naman na hindi pa pumapayag si Vianne kaya andito ako mag tatanong ulit," Ngumiti pa siya ulit sa akin. Kung kanina ay kaya ko pang kumalma pero ngayon...ang t***k ng puso ko sobrang bilis na. Tinusok-tusok na ng tuluyan ni Priezma ang tagiliran ko para makiliti pero agad ko siyang sinuway. "Sinama mo pa ang anak mong si Rodriej" Biro pa ulit ni Priezma sa nananahimik na si Rodriej. "Tss" Pag susungit ni Rodriej. Agad naman siyang tinapik ni Rhivo. Nilingon ko si Louisse na tahimik na at halos 'di gumalaw sa tabi ko. "Hindi ka na dapat nag punta dito, pumapayag naman na si Vianne" Si Priezma at inakbayan ako hanggang ang kamay niya ay sa Balikat ni Louisse. Naramdam ko pang tinapik niya si Louisse at halatang nang hihingi siya ng tulong dito "Oo nga, payag na daw. Diba President Vianne?" Pareho silang na sa akin na ang tingin. I looked away and i feel nervous, My heart can't calm. Hindi ako makapag isip ng mabuti. Ayaw kong mapahiya si Rhivo pero nag dadalawang isip ako, Kung papayag ako ngayon ay pwede ko naman siyang kausapin kung mag bago ang isip ko at basted-in. Kahit gusto ko mang mag salita ng "Hindi," ay walang lumalabas sa aking labi. Papayag ako ngayon at kung mag bago ang isipan ko ay pwede ko nga siyang kausapin, Para hindi na din sayang ang pag punta niya at may maliit din na boses sa isipan ko na pinapapayag nga ako. Binaling ko na lang ang atensyon kila Priezma at Louisse na nakalapit ang mukha sa akin, dahan-dahan akong tumango at nagulat pa ako nang pumalakpak si Priezma. Bumaling ako kay Rhivo na maaliwalas na ang mukha at bahagyang nakangisi na din ang katabing si Rodriej. "Ikaw Rodriej, kailan mo liligawan 'tong Anak ni Vianne?" Nawala ang ngisi ni Rodriej at bumalik sa walang emosyon ang mukha. Umirap pa kay Priezma. Tinapik ni Louisse si Priezma at si Priezma na lang ngayon ang tumatawa "Susumbong kita kay Creighve," May pag babanta sa tono ni Louisse habang nakasimangot itong humarap kay Preizma. Si Priezma naman ang sumimangot kaya si Louisse naman ang tumawa, See? The table turned. Hindi niya napikon si Louisse at ngayon ay tila nagsisi na hindi naman umepekto ang pang aasar. Niyakap ako ni Louisse at binulungan "Yung sinabi ko ah?" Tawa pa niya kaya nakiliti naman ang Tenga ko at tumawa na din. Tinanguan pa siya. Niyakap din ako ni Priezma pero tinapik ni Louisse ang braso ni Priezma na dumagan sa braso ni Louisse Binaling namin ang paningin sa dalawang lalaki na tahimik kaming pinanonood. Muling ngumiti si Rhivo sa'kin. Pakinakiramdaman ko din ang dalawang kaibigan ko na mas kinikilig sa'kin. Hindi naman din nag tagal si Rhivo at Rodriej. Tag-isa pa silang sasakyan na dala kaya tawag pansin sa mga kapit bahay namin. "Ilan na kayang naisakay ni Rodriej na Babae sa kotse niya?" Dahil hindi nag tagumpay kanina si Priezma sa pang aasar kay Louisse ay bumawi ngayon. Ngumuso si Louisse na nakatanaw pa din sa papalayong Kotse ni Rodriej na nahuhuli "Hindi naman gaya ni Rhivo si Rodriej na playboy," Nag tinginan kami ni Louisse at medyo nanlaki ang mata na tila nagulat sa sariling sinabi. Mabilis siyang umiling "Hindi. Hindi yun ang ibig kong sabihin," Napakamot siya sa Batok niya. Bahagya na akong tumawa at mukhang akala niya ay magagalit ako o ano? "Hala ka!" Gatong ni Priezma na mabilis kong sinaway "Hindi naman sa ganun ang ibig kong sabihin," She laughed awkwardly. "Alam mo naman 'di ba yung balita kay Rhivo?" Tumango ako sa tanong niya "Hindi tulad ni Rodriej na tahimik-" "We? Sure ka? 'di siguro" Humalukipkip si Priezma at tinitimbang ang nag dadalawang isip na mukha ni Louisse "Hindi porke tahimik ay mabait na," —nag kibit balikat si Priezma—"Malay ba natin? Malay natin kung mas marami palang Babae iyong si Rodriej? Nakatago lang. Ika nga, Don't judge a book by it's cover." Alam ko namang biro-biro lang ito ni Priezma pero tama naman siya duon sa 'Don't judge a book by it's cover' kaya dapat lang na bigyan ko ng chance si Rhivo na ipakita sa akin na mali ang naririnig kong balita tungkol sa kaniya, besides chance pa lang at pwede ko pa naman bawiin na basted-in kung hindi ko nga magustuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD