CHAPTER 4

2713 Words
Umuwi ako kila Lola sa Baroso dahil wala akong kasamang matutulog sa bahay lalo pa at weekend. Nag tricycle lang ako at hindi ginagamit ang sasakyan sa garahe na binigay ni Papa Hindi sa hindi ako marunong mag drive pero wala naman akong pag pa-parking-an sa bahay nila Lola dahil maliit lang ang space duon. Pag uwi ko nga dito sa Baroso, si Mama at Lola ang naabutan ko. Nahiya pa akong nag mano kay Mama at yakapin naman si Lola "Akala ko ay duon kana matutulog?" Kalmadong tanong ni Mama at nag hahain na ng hapunan namin, Si Lola ay ngumiti sa akin. Tinulungan ko naman si Mama sa paghahain at pag aayos ng mga plato, nilagyan na din ng pares na kutsara at tinidor. "Hindi naman, Ma. dito ako tuwing weekend 'di ba po?" Mukhang nakalimutan ni Mama ang usapan. Binaba ko na ang plato at kutsara sa harap ni Lola. Naupo na kami ni Mama nang natapos at handa na para kumain. si Lola ang lagi ang nag li-lead ng prayer bago kumain, Natapos na kami sa pag papasalamat at kumain na nga. "Nag punta ang manliligaw mo dito kanina..." Panimula ni Mama na ikinatigil ko sa pag kain, Nilingon ko si Lola na nakangiti pa din sa'kin "Ah...Hindi ko pa naman po pinapayagan-" "Ayos lang sa'kin, Vianne. Matanda kana, anak at isa pa ay mukhang seryoso naman iyong manliligaw mo dahil siya lang naman ang humarap sa'kin sa mga manliligaw mong nababalitaan ko," I parted my lips to say something pero hindi lumalabas ang kahit anong salita Nag patuloy si Mama "Pero sana, Hija. wag mong papabayaan ang pag aaral mo. Nag titiwala naman kami sa'yo" Mabilis akong tumango kay Mama. "Hindi ko naman po pababayaan ang pag aaral ko" Agap ko, ngumiti si Mama at tumango. Nag kwento si Mama tungkol sa bago niyang trabaho, may mga naging kaibigan na siya agad at natutuwa naman ako. "Alam ba niya ang kondisyon mo?" Mama asked out of the blue, Ramdam ko ang mga mata niyang nanonood sa akin ngayon na nah huhugas ng plato. Alam ko namang si Rhivo ang tinutukoy niya. "Opo, halos lahat po sa campus alam," Sagot ko, pinatay na ang gripo at nag punas na ng kamay dahil tapos, pinapatulo na lang ang mga tubig sa plato para mailagay na sa tamang lalagyan "Mabuti naman, wala ba siyang nasabi tungkol duon?" Tanong pa ni Mama at uminit ang pisngi ko, Naalala ko tuloy ang sinabi ni Rhivo at pinuna ang buhok ko na nag iba ng kulay "Ang sabi niya po maganda daw ang kulay pula na buhok ko," Sagot ko at pag papakatotoo kay Mama Humalakhak si Mama at tinulungan na ako sa pag aayos ng mga plato. Kinabukasan maaga akong nagising dahil maaga ang time namin. Nag tricycle na lang ako, dala dala ko naman ang payong ko at clear glasses ang suot. Nagulat ako nang nakita kong nakaabang si Rhivo, ngumiti siyang sinalubong ako. Uminit ang pisngi ko nang maalala na pumayag na pala akong manligaw siya sa'kin at kung sakaling sagutin ko siya magiging first boyfriend ko at lalo pang namula ang mukha ko sa ideya na namumuo sa isip ko Kinuha niya ang payong na hawak ko at siya ang nag hawak nito para sa akin, nag taas ako ng kilay sa kaniya "Nanliligaw" Maikling sagot niya at ngumiti pa, tumango lang ako dahil wala pa man akong tinatanong "Nag almusal kana?" Tanong ko dahil baka hindi pa nag almusal at maagang pumasok para antayin ako, Konsensya ko pa. 'Wag ka nga, Vianne! may care ka lang, hindi ka nakokonsensya.' Naririnig ko ang boses ni Priezma sa isip ko. Umiling na lang ako kaya nilingon ako ni Rhivo na may tanong sa mukha. Inosente akonh tipid na ngumiti. Ngumiti siya ulit kaya ang puso kong nananahimik kanina ay sobra na naman ang pag tibok "Oo, nag breakfast ako bago ka antayin," Aniya. Tumango tango naman ako. "Ikaw ba?" He asked back. "Oo, maaga nakapag luto si Mama ng breakfast kasi maaga din ang Pasok," Sagot ko naman kay Rhivo at siya naman ang tumango. Nang nakahinga na ng maluwag at maluwag na din ang hawak ko sa strap ng bag ko sa aking balikat. Sinarado na ni Rhivo ang payong nang tumapat kami sa anino ng building. Inabot niya ang payong sa akin kaya mabilis ko namang tinanggap at ipinasok ito sa bag ko. "Rhivo!" Tawag ni Kaila, Ang team captain ng basketball girls "Oh?" Tugon ni Rhivo na hindi ito nililingon. Lumapit si Kaila sa'min kasunod ang iilang team. Nilingon ko si Rhivo na sa'kin lang ang atensyon. Muli ko din nilingon si Kaila na nasa gilid na namin. "Hindi ba practice niyo? Anduon na si Aldez sa court ah, bakit andito ka pa?" Sumulyap si Kaila sa akin na dumausdos ang tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Hindi ko gusto ang mata niyang matalim na tumitig sa akin. As far as i know, isa siya sa mga nag hahabol kay Rhivo. "Bakit mag kasama kayo ni Miss Payong?" Si Keithlene na pinsan ni Kaila at Medyo tumawa pa itong tanong kay Rhivo. Bahagya akong yumuko, Naramdaman ko naman ang buntong hininga ni Rhivo. "Manliligaw niya ako," Punong puno ng paninindigan ang boses ni Rhivo at iyon ang naging dahilan ng muling pag angat ng aking mata sa kaniya. Nag tama na naman agad ang paningin namin nang sinalubong niya ang mata kong bumalik sa kaniya. "Oh? Baka kayo na? Mag pakipot ka naman, Vianne," Biro pa ni Ansli, Ang Cheerleader na kaibigan ni Kaila. Naiinis na ako pero pinapakalma ko lang ang sarili. I gritted my teeth, Sumulyap ako kay Kaila na nakataas ang kilay sa amin. "Thanks sa concern," Punong puno na ng sarkasimo ang boses ko, Hindi na mapigilan pa ang inis sa kanila. Varsity player din naman ako sa Volleyball pero hindi bully na ginagawa nila ngayon. Nuong elementary suki ako ng pambu-bully pero kalaunan natutunan ko din ipag tanggol ang sarili ko pero hindi physical fight kaya wala silang karapatang maliitin ako gayong Wala naman akonh ginagawa sa kamila. "Ibigay mo ang salamin mo kay Rhivo, siya ang malabo ang mata" Nag tawanan sila sa sinabi ni Kaila. I pursed my lips. Kumalma ka pa, Vianne. Hayaan mo na. "Tama na, Kaila!" Tumaas ang boses ni Rhivo. Hinawakan niya ang Kamay ko at hinila palayo kila Kaila. Nakasimangot akong nilingon si Rhivo na pinapakalma ang sarili at halata pa rin ang iritasyon sa mukha. "Sorry 'bout that. Huwag mo na lang silang pansinin" He sighed again and forced himself to smile eventhough he isn't responsible to do so. "Ayos lang, sanay na," Sabi ko. Nahinto siya at nag buntong hiningang muli. "Pag may nang away ulit sa'yo kagaya nun, isumbong mo agad sa'kin ah?" Napasimangot muli ako dahil para akong bata na mag susumbong sa kaniya "Ayos lang," Hindi deretsong pag tanggi. "Hindi ayos sa akin yun, Vianne. Ayokong nalalaman na ginaganun ka nila kahit hindi mo sabihin alam kong nasasaktan ka," Seryosong na ang mukha ni Rhivo. Nag iwas ako ng tingin dahil nakakalusaw ang titig niya. "Ayoko lang talaga. Nadadamay ka dahil sa akin" Pabulong kong sabi "Nang ginusto kita, tanggap ko na ang lahat sa'yo." Gusto ko nang mahimatay sa sinabi niya pero masyadong maraming estudyante sa paligid at nakakahiyang mahimatay. Pinakawalan ko na lang ang ngiti na kanina pa gustong lumabas sa labi ko "Thank you," Mahina kong bulong pero alam kong maririnig niya Nag angat ako ng tingin sa kaniya, nakangiti na din siya sa'kin. Saglit na dumaan ang Anghel at tahimik na kami. Nang nakadalawa pa lang na hakbang ay nag salita siyang muli para mag tanong "Manonood ka ba ng practice mamaya?" Tumango naman ako bilang tugon. Lagi naman akong nanonood dahil kay Priezma "Isasama ko sila Priezma at Louisse," Sabi ko pa. "Cheer mo ko ah?" Bahagya din akong sumabay sa tawa niya. "Hindi pa naman finals," Biro ko sa kaniya pabalik, sumimangot siya pero lumilitaw pa din ang ngisi sa labi niya "Sige na nga," kibit balikat ko. Team ng school kaya bakit hindi ko i-cheer? "Yes" Medyo lumakas ang pag kakasabi niya. Nahiya akong lumingon sa iilang estudyante na tumingin saamin. Akala mo naman sinagot ko na siya kung maka YES "Sorry about that, na excite lang ako," He wickedly smirked. "Lagi naman akong nagche-cheer hindi mo lang nakikita-" "Nakikita ko, kaya nga double time MVP" depensa pa niya na lalong kinapula ng pisngi ko. "Bolero" Bulong ko sa kawalan at bahagyang umirap. Tumawa siya kaya naitikom ko ang bibig dahil hindi ko naman pinaririnig iyon. "Tara na nga, ihatid na kita" Pag aaya niya na bahagyang natatawa pa din ang tono. Natapos ang klase ko nang saktong Alas tres, Hinila naman ako nila Louisse at Priezma sa court dahil pasimula na daw ang practice nila, ang sabi pa ay may nag hamon daw ng laban sa outside school Pinayagan naman ng Campus dahil nangako na hindi mang gugulo but i doubt that lalo na at mukhang ibang outsider ang kalaban, Hindi din maiiwasan ang magpikunan. "Oy, inspired si Captain," Biro ni Creighve kay Rhivo nang lumingon sa'min Nag iwas agad ako ng tingin nang salubungin nila kami. Nakajersey shirt at short na sila kaya kita mo ang malalaking biceps ng mga Basketball players "Hoy galingan mo Aldez!" Si Louisse iyon na kinagulat namin ni Priezma. Kailan pa sila naging close para sigawan niya ito ng ganito? Kailangan atang ihanda ko ang sarili na makinig sa mahabang kwento ni Louisse? Walang sino man ang nag lalakas loob na sigawan si Rodriej, kaya nakakagulat 'to. Ang alam ko din crush niya ito pero bakit sinisigawan niya lang? Dapat ay maging mahinhin itong si Louisse para mag pakitang gilas kay Rodriej dahil alam ko ang tipo ng katulad ni Rodriej na tahimik dapat ay mahinhin "Tss" Ang famous line ni Rodriej. "Wag mo kong ma-tss tss dyan, Ang pinakamamahal kong Taehyung ang nakasalalay," Si Louisse na nakasimangot at pakunwareng sumisinghap na umiiyak. Tumawa naman si Priezma at nakaakbay na si Creighve ito. "Taehyung?" Tanong namin ni Rhivo. Pet ba 'yon? Narinig ko na ata iyon somewhere at mukhang familiar. Pinakamamahal daw ni Louisse? "Kpop idol" Si Priezma na ang sumagot. Tumango na ako at na-gets naman agad. "Oh! dream on. Hindi siya sa'yo," Si Rodriej na laging iritado ang boses "Akin siya no! Kaya galingan mo dyan." Inis na sabi din ni Louisse. "Tama na nga yan, basta galingan niyo na lang" Saway ko dahil baka mag away pa sila, Lahat sila ay lumingon sa'kin. Nag taas ako ng kilay sa kanila na para bang ang big deal ng pag suway ko. "Syempre, inspired si Captain kaya panalo 'to," Ngisi ni Creighve. "Pag natalo to! Hindi na ako pupusta sainyo, duon na lang ako sa ex ko-" "Then, go," Pag hahamon na sabi ni Rodriej kaya ako naman ay nag tataka sa kinikilos ng dalawa Lumapit si Rhivo sa'kin at nakangisi sa dalawang nag aaway, ngayon sa gitna na namin nag aaway ang dalawa "Talaga!" Umiirap pa ang mata ni Louisse. "Oh! Louisse! yung Ex mo" Biro ni Priezma at tinuro ang isa sa mga kalaban nila Rhivo na nakatingin kay Louisse. May itsura ito na kahit pa plain na hindi pair na jersey lang ang suot at hindi bagong basketball shoes. Nanlaki pa ang mata ko nang napalingon sa malapit sa kaniya at Nagulat pa na si Dylan iyon, ang kaibigan at kapit bahay namin sa Baroso. Kumaway si Dylan sa'kin at Ngumiti, napangiti rin ako at kumaway din pabalik. "Louisse," Tawag nuong Lalaki kay Louisse na kanina pa nakatingin sa kaniya. Masungit na nilingon ni Louisse ang katabi ni Dylan. "Ano ba Hakob?!" Sigaw ni Louisse pabalik. "Mukhang malakas ang laban," Mahimig na panloloko ang boses ni Priezma kaya pareho kaming bumaling sa kaniya ni Louisse. Nginuso niya si Rhivo at Rodriej na madilim na ang tingin sa'min ni Louisse, kinabahan naman ako duon. "Puso ata nakasalalay," Dagdag pa ni Creighve na ginagatungan si Priezma "Sa Utopia pala nag aaral si Dylan, Vianne?" Tanong ni Priezma sa'kin bahagyang nawala sa usapan. Tumango naman ako. Akala ko outsider lang talaga ang kalaban nila Rhivo, eto naman pala ay University Varsity din. "Oo, mas lapit sa Baroso e" kibit balikat ko at muli ding tinanaw si Dylan na muling ngumiti sa akin, tumango na lang din ako pabalik muli. "Ex mo din, Vianne?" Nagulat ako sa tinanong ni Louisse. Nag iwas ako ng tingin kay Dylan at binalik sa kanila ang harap. "Hindi" Agap ko at nilingon si Rhivo na tahimik lang katabi si Rodriej na hindi din mabasa ang expression ng mukha. "First love niya," si Priezma ang sumagot, sinimangutan ko nga dahil hindi naman totoo at baka anong isipin ng mga kasama ko. Louisse snapped her fingers. "Oh? Pustahan?" Mukhang may pinaplano. "Kila Hakob na ako this time, tataya ko kotse ko, libre mo akong concert pag nanalo sila. Ano?" Taas baba pa ang kilay ni Louisse. Umiling agad ako, hindi naman ako nakikipag pustahan. "Ganto nalang..." Singit ni Priezma na mukhang may plano rin at may suhestyon din. "Kampi ako dito kila Creighve at kayong dalawa duon kayo sa Ex at First love niyo. Pag nanalo ang team niyo libre concert kay Louisse at Libreng art materials sa'yo Vianne" Nag tinginan kami ni Louisse. si Louisse naman ay mukhang excited, Tumango tango agad at hindi tinapos ang kondisyon ni Priezma. "Kung manalo sila Rhivo, bilhan niyo ko ng limited edition ng Kastap dress"  kondisyon niya. Umiling akong muli. Binalik ko ang Mata kay Rhivo na medyo maaliwalas na ang mukha. "Ayoko, wala naman akong pinapanigan," Hindi ko pag sang-ayon. Sumimangot ulit si Rhivo. Bakit? Dylan is my Friend and Rhivo is ahm... I don't know, basta wala akong kakampihan. "Sige na, Vianne. Pustahan lang naman," Pag mamakaawa pa ni Louisse sa'kin. Anong pustahan lang? Kotse ang itataya ni Louisse at Malaki ang perang magagastos kumpara sa normal na pustahan na bente bente lang! Nag buntong hininga si Rhivo at tinanguan ako, "Okay lang" At wala nga akong nagawa. Kahit pa team outsider kami todo pa din ang sigaw namin ni Louisse pag nakaka-shoot si Rodriej o 'di kaya si Rhivo. Pinalabas si Rhivo para mag pahinga dahil kanina pa siya nag Lalaro,Pumalit si Creighve sa kaniya. Sumapit ang Quarter 4 pareho lang ang score. Tumingin ako sa banda ni Dylan na nakangiti sa akin, tumango at ngumiti na naman ako pabalik. Nilingon ko naman ang gawi ni Rhivo na nakatingin din pala sa'kin, ngumiti din ako kay Rhivo na tumango lang ang tugon sa'kin. Why I'm expecting him to smile back or do more when i shouldn't! Pinanood ko pa ang Baling niya sa mga kagrupo habang nag pupunas ng pawis, uminom pa siya ng tubig bago tumayo at nag simula na ang Fourth quarter. Si Dylan at Rhivo ang mag katapat ngayon, ang katapat ni Rodriej ang may hawak ng bola. Mabuti na lang at naagaw agad ni Rodriej ang bola dahil ilang segundo na lang at lamang sila Rhivo ng tatlo, kung ma-shoot ng three points nila Dylan mag papareho ang score at mag o-over time pa "IPASA MO ALDEZ!" rinig na rinig ang sigaw ni Louisse dahil tutok ang lahat at ayaw mag ingay hindi tulad pag intramural at UAAP ay maingay. Rodriej smirked and he passed the ball to Rhivo. "GO ROIZON!" Sigaw ko at nakapwesto na si Rhivo sa three points. Nag tilian sila Priezma at Louisse nang kindatan ako ni Rhivo bago na-shoot ng three points iyon, 3 second na lang ang natira nang mai-shoot nga iyon ni Rhivo. Inantay na nila matapos ang oras at pumito na ang referee. "Hoy, sa kalaban kayo 'di ba? Ba't may pa cheer?" Tanong ni Priezma na nakataas na ang kilay, sinalubong kami nila Rhivo na nakangiti na ngayon. "Ayos lang, hindi mawawala si Taehyung ko," Sabi ni Louisse at hinagis ang towel ni Rodriej na sakto naman sa mukha nito kaya bahagya akong natawa. Ang cute. "Congrats!" Lumapit na din ako kay Rhivo. "Congrats din sayo, Vianne. Lakas ng sigaw ah?" Biro ni Creighve sa'kin kaya uminit na naman ang pisngi ko. Naexcite lang naman ako e, saka hindi ko maiwasan mag cheer pag nanonood ako ng laban
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD