CHAPTER 5

1857 Words
This week hindi masyadong stress dahil nag hahanda para sa UAAP, ang iilang mga athletes kagaya ko ay puspusan sa training. Hindi nga ako makapag paint ngayon dahil puro training lang kami, nakapag paalam naman ako sa iilang mga prof at ayos lang sa kanila dahil naintindihan naman nila na Athlete ako na kailangan mag training. "Mine" Sigaw ni Enleez, ang center at captain namin. Hindi ko naman na inagaw pa amg bola at pinaubaya sa kaniya, maganda ang pag spike niya sa bola kaya nakascore kami. Nag rotation at ako naman na ang mag se-serve. Pagka-serve ko ay hindi na-receive kaya sa amin ang score. nag serve ako muli at muntikan na sanang hindi nanaman ma-receive nf kalaban kaya sayang, pero na-block naman ng kateam namin ang bola. "One Touch!" Umayos si Castani para i-set ang Bola. "GO LLEZACH!" Nilingon ko ang sumigaw na iyon. Kusa na lang akong napangiti nang makitang si Rhivo iyon na naka-jersey shirt pa din at mukhang katatapos lang nang training nila. Muntik ko na hindi matamaan ang bola dahil occupied ang isip kay Rhivo, mabuti na lang pumasok. Napailing pa ako sa mga kasama na binibiro ako. "Buti pa sila tapos na training," Nakasimangot na sabi ni Enleez, "BERLOG! TIME NA!" Ilang minuto pa tinagal ng practice namin kaya ilang minuto din cheer nang cheer sa'kin si Rhivo. Lumapit ako kila Priezma kasama si Rhivo. "Galing naman," Si Louisse iyon na masaya para sa akin. "Practice lang," Sabi ko dahil kung makapag-cheer sila akala mo ay finals na Inabutan ako ng tubig at towel ni Rhivo, ngumiti pa siya sa 'kin kaya ganun na lang ang bilis ng t***k ng puso ko. "Thank you" Nahihiyang pasasalamat ko. Tumango si Rhivo sa'kin at pinag bukas pa ako ng bote ng tubig, agad ko naman kinuha dahil nakakahiya na talaga, Pinagbukas pa niya ako e bigay niya na nga 'yon Nag aya sila na kumain na ng lunch. si Louisse ay sa'kin nakadikit dahil may tampuhan siguro sila ni Rodriej? Pinag bukas ako ng payong ni Rhivo, nilingon ni Rhivo si Louisse at bahagyang ngumisi. "Duon ka kay Rodriej," Taboy ni Rhivo kay Louisse pero pabiro lang 'yon, sumimangot si Louisse at nilingon ako "Mommy, oh! Si Daddy" Malokong sabi pa na sumbong sa'kin ni Louisse, tumango lang ako at nginuso si Rodriej na nauunang nag lalakad "Sige na, puntahan mo na." Tumango at Ngumiti ako. Mukhang lonely si Rodriej na nauunang nag lalakad at bahagya pang nakayuko. Nag buntong hininga si Louisse sa'min at sinunod na lang kami. sa likod siya ni Rodriej at hindi siya tumabi, mukhang wala talagang balak makipag bati. Hindi ko pala suot ang salamin ko kaya medyo sumasakit ang mata ko dahil sa repleksyon ng araw sa semento at tiles sa hallway. Napansin ata ni Rhivo ang panliliit ng mata ko kaya lumipat siya sa kabilang gilid ko, pareho kaming nag tinginan at muli naman siyang ngumiti sa'kin "Birthday ko na sa Sabado, Punta kayo ah?" excited na sabi ni Louisse. ngumiti naman ako at nag isip nang isasagot dahil mukhang ayaw sumagot ng mga kasama ko "Sige, magpapaalam muna ako kay Mama pero sure naman akong papayagan ako" ani ko, tumango tango pa si Louisse. Bumuntong hininga naman si Rodriej na ikinalingon ni Louisse at inirapan naman niya ito. bagay sila pero opposite character at personality dahi medyo madaldal itong si Louisse habang si Rod naman ay tahimik at di marunong mag salita. "Sige sasama ako basta imbitado rin si Rodriej" si Rhivo iyon at ngumiti. sumimangot si Louisse habang si Rodriej ay unbothered lang. "I'm in, basta pinayagan si Vianne" si Priezma, tumango tango pa si Creighve Matapos naming kumain nagyaya si Louisse na tumambay muna sa may open field. Pumayag naman ako dahil sa silong naman kami ng puno "Ang bagal ng data nag lalag" Reklamo ni Louisse habang nakatanaw sa cellphone niyang naka landscape ang hawak "Tae! Yung lord! May nag lo-lord! Request back up!" Sigaw ni Louisse at nag pa-panic. Nag tinginan naman kami ni Priezma na nag kibit balikat Si Rhivo naman ang tinignan ko. nakangisi naman siya habang tanaw si Creighve at Louisse, na sa cellphone nila nakatuon "Hoy! Creighve tulong! Mapapatay na ako ni Alucard ang lakas na ng life steal" Hinahampas pa ang braso ni Creighve. si Creighve naman ay tumatawa lang na nakatingin sa cellphone niya. "Gag* KS!" Napakamot si Creighve sa ulo niya at bumalik ang atensyon sa nilalaro na nakakunot na ang noo "Namatay na ako! Huli naman kayong dumadating!" Sumimangot pa si Louisse at binaba ang cellphone Tumawa si Creighve "Na sa atin ang Lord" Sabi pa nito. Kumunot lalo ang noo ko. Banal ba itong si Creighve? I think not! Nag mumura nga e "Push na mga pabuhat!" Galit na sabi ni Louisse at halos sirain na ang cellphone niya "Tss" Nilingon namin si Rodriej na kanina pa naiinis kila Creighve at naiingayan "Sama ka next game dude? Galing mag Angela nitong si Louisse" Sabi ni Creighve kay Rodriej na umiling, tinaasan naman ni Louisse ng kilay ito. "E'di wag, isa ka ding cancer" Inis na sabi ni Louisse, umupo naman ng maayos si Rodriej at nilabas ang cellphone niya "Rank?" Tanong ni Rodriej kay Louisse at landscape na din ang hawak nito sa cellphone niya "Epic VI" Sagot ni Louisse, tumawa si Creighve at Rhivo "Hindi pwede" Napakamot si Creighve ng ulo, bahagya namang napaawang ang bibig ni Louisse "Mythic kana?" Hindi pa makapaniwalang tanong ni Louisse kay Rodriej na tahimik nang nakatingin sa cellphone niya "Pababa ka ng Legend bro, buhatin mo kami. Kahit Legend One lang katulad ko" Suggest ni Creighve at hinawakan pa sa balikat ni Rodriej Hindi ko naman maintindihan ang pinag uusapan nila kaya nilingon ko nalang si Rhivo na nakataas ang kilay sa'kin "Bakit hindi ka nag lalaro?" Tanong ko kay Rhivo. Karaniwan naman kasi sa mga Lalaki mahilig sa online games. Nakakaturn on yung ibang mga lalaking kayang gawin ang dalawa, games saka books. "Ayoko, may iba namang oras para duon. Pero ang oras ngayon hindi na mababalikan kaya sulitin na" Ngisi ni Rhivo sa'kin. naramdaman ko naman ang bahagyang pag talon ng puso ko. "Ehem! Sana all" Biro ni Louisse na nakatingin sa'min at tumawa. "Rodriej! sana all daw" Si Rhivo kay Rodriej na umiling-iling lang na nakatingin pa din sa cellphone "Victory!" Masayang sabi ni Creighve at niyakap pa si Priezma, pinatay na niya ang cellphone at binulsa na iyon. "Oras naman sa baby ko" Ngisi pa ni Creighve, tinulak naman siya ni Priezma at pabirong hinampas ang braso nito. "Hoy! MVP ako!" Masayang sigaw ni Louisse at napatayo pa. "Tara laro, Louisse." Nilingon namin ang Grupo nila Gerald, na sa kabilang table sa kabilang puno. "Anong rank mo?" Tanong ni Louisse kay Gerald "Legend" Makita ko pa ang pag kindat ni Gerald. Hinila naman ni Rodriej ang braso ni Louisse palapit sa kaniya at napaupong muli si Louisse. "Laruin mo to, tutulog lang ako saglit" Sabi ni Rodriej kay Louisse at inabot ang cellphone nito, bahagyang gulat pa si Louisse pero nakabawi din naman agad at tinanggap nga ang Cellphone ni Rodriej. "Next time nalang" Sabi ni Louisse kay Gerald, Ngumiti at tumango naman si Gerald. "Smell some fishy" Bulong ni Priezma sa'kin na nakatingin kila Louisse at Rodriej. Sinubsob nga ni Rodriej ang Ulo niya sa bag niya na nakapatong sa lamesa. "Hoy, ayaw ko na Mama! Puro mythic. kagagaling" Hindi mapinta ang mukha ni Louisse at palaging nag bubuntong hininga sa tuwing mamamatay siya sa nilalaro Ilang oras pa kami tumambay at kalaunan nag paalam na si Creighve at Priezma na uuwi na Si Rhivo naman ay may katawagan sa Cellphone, rinig ko pa na may emergency sa Mama niya kaya nag aalala akong nilingon si Rhivo na malungkot at marahan pang nag buntong hininga. "Ayos lang ako, hindi mo na kailangan akong ihatid" "Sure ka ba? Babawi ako promise" Ngumiti pa ako kay Rhivo na nag aalala din para sa'kin, tumango pa ako para iparating na ayos lang talaga ako. Matagal naman na akong nag co-commute kaya ayos lang sa'kin ngayon na hindi ako ihatid ni Rhivo "Sige, pero ihatid na kita sa sakayan" Pagpayag naman ni Rhivo, umiling ako agad dahil mag kaibang direction ang parking lot ng school sa main gate na sakayan "Hindi na, ayos lang talaga ako. Hanapin ko nalang si Louisse baka di pa nakakalayo" Sabi ko pa kay Rhivo para mawala ang pag aalala niya "Sige" Buntong hininga ni Rhivo at parang ayaw pang sumang-ayon sa'kin "Basta tatawag ako ah? Or tawagan mo ko pag nakauwi kana" Sabi pa ni Rhivo Ngumiti naman ako at tumango, nagulat pa ako ng yakapin niya ako. mabilis tuloy ang t***k ng puso ko. "Take care" Bulong pa niya sa malungkot at malalim na boses "Ikaw din" Habol na hiningang sabi ko, masyado kasing mabilis ang t***k ng puso ko at hirap sa pag hinga dahil sa nerbyos na nararamdaman. Humiwalay na siya at pinilit na ngumiti sa'kin "Babawi ako promise, ingat ka" ngumiti ako at tumango din Nanatili ako sa kinatatayuan at inaantay ang pag alis niya pero mukhang hindi din siya aalis pa? Ano ba talaga? Bahagya siyang tumawa kaya natawa na din ako. "Mauna ka na, panonoorin ko ang pag alis mo." Bakit parang ang sakit nun? Dapat ay kiligin ako hindi ba? Nag buntong hininga ako at ngumiti muli sabay tumango, tinalikuran na si Rhivo at ayaw ko naman na makita ang mukha niya dahil feeling ko nag papaalam na kami sa isa't isa. Mabilis na akong nag lakad patungo sa hallway palabas sa entrance patungo sa gate pero natigil ako dahil humarang sa daan ko si Kaila at ang grupo niya na basa ang buhok dahil bagong ligo ata at mukhang Night class ang sched nila "Bakit hindi mo kasama si Loverboy?" Sarah teased me, she's one of Kaila's friend. "Mukhang nahinto ng manligaw Sarah? naisipan na pangit pala si Vianne" Nang aasar ang boses ni Kaila at tumawa pa, nag salubong naman ang kilay ko at inirapan sila Ako pangit? hindi lang ako puro make up katulad ni Kaila, palibhasa kasi dinaig pa niya ang canvas sa dami ng kulay sa mukha "Excuse" i excused politely. sabi nga nila Kill 'em with kindness kaya wag tayong babawi ok? kalma ka lang self! Mas lalo pang humarang si Kaila sa daan kaya nag buntong hininga ako. "Malaki ang daan sa gilid" tinuro pa ni Kaila ang kabilang gilid na wala ng bubong at may konting sinag pa ng papalubog na araw. Inayos ko ang bag ko at pinilit na dumaan sa gitna pero tinulak ako ni Kaila sa gilid at tumama nga sa'kin ang sinag ng papalubog na Haring araw Nilingon ko si Kaila na nakangisi sa'kin. Marahan akong pumikit at mabilis na nag lakad. Ramdam ko ang pag bilis ng galaw ng mata ko kaya konti lang ang pag mulat ko para makita ang daan. Habang dahan-dahang humahakbang Pinakakalma ko ang mata kong mabilis ang pag galaw at nanlalabo, ramdam ko din ang malamig na buhok ko at paniguradong mabilis 'yon na nakapag palit ng kulay, red na naman ito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD