Pumasok ako na pula pa rin ang buhok ko Hindi pa bumabalik ulit sa itim at brown na kulay nito, hindi ko din alam kung bakit pero ang sabi ni Mama kinausap niya ang Doktor ko at ang sabi ay depende daw kung ilang percent ng sunlight ang dumikit sa cuticle ng buhok ko
Nang gabi nakauwi naman ako ng maayos, hindi gaanong siksikan sa jeep dahil huling biyahe na daw ng driver iyon
Nag text nga si Rhivo sa'kin kagabi at hindi pa nga nakuntento ay tumawag sa'kin
Kagaya nang inaasahan ko nakaabang nga sa harap ng gate si Rhivo, nakangiti siya nang makita ako at Dahan-dahan nag laho ang ngiti nang dumapo ang tingin niya sa buhok ko
Tuluyan naman na akong nakalapit sa kaniya
"Sabi mo ayos ka lang kagabi. Anong nangyare sa buhok mo?" Tanong ni Rhivo sa'kin na nag aalala ang boses, ngumiti ako at tumango
"Oo ayos lang naman talaga ako" Ayos lang naman talaga ako, wala namang masakit sa'kin at hindi naman ako mamamatay sa gantong sakit I feel so rare nga e.
"Bakit nag kulay red ang buhok mo? Naarawan ka ba sa daan? Sana sinundo nalang kita" Nag aalalang sunod sunod na tanong ni Rhivo at hindi naniniwala sa'kin na ayos lang talaga ako
"Ayos nga lang ako, wag kang mag alala." Sabi ko pa sa kaniya, nag buntong hininga siya at malungkot na ang mata.
"Sana pala hinatid muna kita-" Umiling ako at pinutol ang sasabihin niya
"Ayos lang talaga ako, Rhivo" Ngumiti pa ako nang mas malawak para kumbinsihin siyang ayos lang ako, actually kinikilig nga ako sa concern niya mula pa kagabi
"Hindi naman malala yan diba?" Nakakunot noong tanong ni Rhivo, bahagya akong tumawa at tumango.
"Hindi, ano ka ba" Umiling ako
"Tara na nga" Pag-aaya ko sa kaniya, hinila ko na ang braso niya palakad sa hallway.
"You're beautiful, anyway." Bulong ni Rhivo sa'kin na kinatibok ng puso ko ng mabilis, bahagya pang uminit ang pisngi ko. Kahit kailan talaga ang mga banat nitong si Rhivo! Playboy talaga e.
Nag lakad naman na kami ng tuluyan ni Rhivo, hindi ko naman makita ang grupo ni Kaila at mabuti nalang din hindi dahil masisira lang ang araw ko
"Saan ka pala?" Tanong ko kay Rhivo
"Sa Tech Lab" Sagot niya. Nilingon ko siya at nanlalaki pa ang mata ko dahil iba ang daan niya. Duon dapat siya sa kabila dumaan malayo pa 'yon baka malate siya sa lawak ba naman ng university na to
"Iba pala ang daan mo" Ngumiti siya at tumango.
"Mauna kana dito na ako baka malate ka pa" Sabi ko pa, agad naman siyang umiling
"Hatid na kita, tantyado ko ang oras ko. Ayos lang" He assured.
Kung makikipag talo pa ako sa kaniya ay baka humaba pa ang usapan namin at lalo siyang malate, minabuti ko nalang tumango at hinayaan siya sa pag hatid sa'kin
Nag paalam naman na siya na mauuna na at tutungo na sa Tech Lab nag paalam na din naman ako sa kaniya na papasok na sa room, ang iilang mausyosong kaklase ko sa course namin na hindi pa alam na nanliligaw sa'kin si Rhivo ay malisyoso ang tingin sa'kin
Hindi ko kaklase si Louisse sa course na to. Mas lalong hindi naman si Priezma dahil Art and Design ang course ko ngayon, Major ko ito sa degree program ko, sa additional course ko lang kaklase sila Priezma at Louisse at night class pa ang additional course na 'yon
Nakaharap lang kami buong klase sa Canvas namin, pini-paint ang prutas na na'sa harap na paulit-ulit naman pinagagawa sa'min.
Natapos ang klase namin at nag tanghalian na, wala na akong klase ng hapon at balak ko sana na umuwi ng mas maaga pero naalala ko pala na birthday ni Louisse sa susunod na araw, hindi naman ako makakabili ng regalo bukas dahil mag hapon klase ko at mas mabuting ngayon nalang hapon?
Pero saan naman kaya ako bibili? Hindi ko pa gaanong kilala si Louisse at hindi ko alam kung ano ang mga gusto niya...Teka! Gusto niya ng mga kpop kpop di'ba?
Kinuha ko ang cellphone ko at seanerch yung bias niya daw na Taehyung ba yun?
Lumabas naman ang picture nung lalaking Taehyung na sinasabi niya, Kim Taehyung pala ang buong pangalan at member ng kpop group na BTS, mukhang anime at manika kaya pala gusto ni Louisse dahil sobra naman talagang gwapo at smooth ang feature
Nag search ako kung saan malapit bilihan ng Kpop Merch pero naalala ko din na baka marami ng ganun si Louisse dahil fan nga siya
Nag isip nalang ako ng iba pang pwedeng iregalo habang kumakain mag isa dito sa Cafeteria, nagulat naman ako nang naupo sa harap ko si Rhivo na nakangiti
"Tapos na klase niyo?" Tanong ko sa kaniya, tumango naman siya.
"Sorry ah? Hindi na kita nasundo sa room niyo" Pag hihingi ng Tawad ni Rhivo na agad kong ikinailing, bakit sobrang bait niya? Bakit nang hihingi siya ng tawad? Hindi ako sanay
Hindi ba Playboy siya? Dapat medyo bad boy di'ba? Sobrang bait ng nakikita kong Rhivo, ang iilang chismis ang sabi madami daw napaiyak na babae ito e parang di makabasag pinggan
"Ayos lang" Sagot ko agad at nginitian siya pabalik. Dumungaw siya sa Cellphone ko at nag kunot ng noo.
"Kim Taehyung? Bakit sine-search mo? Crush mo din? Naimpluwensyahan kana ni Louisse ah" Biro niya sa'kin at bahagyang tumawa. Nakitawa nalang din ako sa kaniya at umiling pa.
"Nag iisip ako ng ireregalo kay Louisse, sa susunod na araw ang birthday niya di'ba? Bibili na ako ng regalo at mukhang hindi ko mahaharap bukas e" Kwento ko kay Rhivo
Tumango tango siya sa'kin at nag taas ng kilay
"Wala kanang klase mamaya?" Tanong niya sa'kin. Tumango naman ako at uminom na ng tubig.
Ngumiti siya ng malawak at tumango "Sakto, wala na din akong klase mamaya." Bahagya naman napaawang ang bibig ko sa sinabi niya
Nice! Mukhang may binabalak siya ah?
"So date?" Tanong pa niya at ngumisi, lumalabas ang pag ka Playboy. Nanliit naman ang mata ko at nag isip, pano kung tumango ako?
Mabuti nalang at bahagya siyang tumawa at muling, nag salita na siya at hindi naman na ako nakasagot.
"Kidding" He chuckled
"Samahan kitang bumili" Prisinta niya, tumango naman ako
Natapos kaming kumain, nag pahinga muna saglit bago tumungo sa sinasabing mall ni Rhivo sa 'di kalayuan
"Saan tayo?" Tanong Rhivo dahil kanina pa kami paikot ikot at hindi ko na din alam kung saan
Nahinto kami sa harap ng National Book Store. Naisip ko tuloy na gumawa ng explosion box, sabi ni Mama walang makakatumbas na pera sa Effort kaya mabuti nga na explosion box nalang ang iregalo ko? Panigurado akong maraming mamahaling gamit si Louisse
Nilingon ko si Rhivo na nakakunot ang noo
"Gagawa nalang ako ng ireregalo ko" Gagamitin ko ang skills ko sa arts
Ngumiti si Rhivo at tumango, pumasok na kami sa loob at binili lahat ng kailangan pati scissors
Uuwi nalang ako nang maaga para masimulan na agad ang pag gawa
"Where to?" Tanong ni Rhivo
"Uuwi na, para magawa ko na agad to" Sagot ko kay Rhivo
"Tulungan na kita sa pag gawa, may alam akong lugar kung saan pwede natin gawin yan" Nakangiti sabi niya at mukhang excited pa, dahan-dahan naman akong tumango at wala naman nang magagawa, ayos din naman nag tulong niya para mapadali pa lalo
Hininto na ni Rhivo ang sasakyan ng matapat kami sa abandoned Park malapit sa Baranggay ng Montefiore
Si Rhivo ang nag bitbit ng materials, hawak ko naman ang payong patungo kami sa Dulong parte ng Park sa may kubo
Pag pasok ko sa kubo ay akala ko madumi duon at puro alikabok pero akala ko lang pala, malinis iyon at malawak.
"Pag aari ng uncle ko tong Park, lagi ako dito pag gumagawa ng project or assignments tahimik kasi dito at malamig. nakakarelax" Kwento ni Rhivo at nilapag na ang mga materials sa may table dito sa gitna
Nag simula naman na kaming gawin iyon taga-pattern ako at siya naman ay taga-gupit nun.
"Bakit nga pala nag pula na naman ang buhok mo? May nangyare ba kahapon?" Tanong ni Rhivo sa akin habang nag gugupit siya at ako naman ay taga-dikit.
"Mag papa-print nalang ako bukas ng picture ni Louisse at didikitan ito" Pag iiba ko ng usapan. Nag angat siya ng tingin sa akin at kunot ang noo.
"May kinalaman si Kaila di'ba?" Tanong pa niya sa'kin at nag iwas ako ng tingin, tinuon nalang ang pansin sa ginagawa.
"Vianne" Seryoso na ang boses ni Rhivo. ngumuso ako at nag buntong hininga, dahan-dahan pang tumango sa kaniya
"Ayos lang ako, hayaan mo na sila" Sabi ko at nginitian si Rhivo, seryoso pa din naman ang mukha na bumalik na sa pag gugupit ng pinagugupit ko sa kaniya
"Sa susunod sabihin mo sa'kin, pag boyfriend mo na ako Vianne, Ayokong niloloko o sinasaktan ka nila" Malalim at buong buo na ang boses ni Rhivo, Nag angat pa muli ng tingin sa'kin. Napaawang naman ang bibig ko at hindi alam ang ire-react, gulat din siya sa sinabi niya.
Ang mga puso ko naman ay gusto nang kumawala sa katawan ko sa sobrang bilis ng t***k, namumula pa ang pisngi ko sa sobrang kilig na nararamdaman. Gusto ko ng mahimatay.
Maaga naming natapos ang pag gawa ng explosion box kaya naman maaga akong hinatid ni Rhivo sa bahay, siya na daw bahala mag print ng picture ni Louisse para sa explosion box na ginawa namin dahil may printer naman daw sila
"Pasok ka" Alok ko sa kaniya, ngumiti siya at umiling
"Hindi na, mag pahinga kana" Sabi pa niya. Lumapit naman si Lola sa'min na naka-wheelchair
"Hijo, salamat sa pag hahatid sa apo ko."
"Pasok ka" Alok din ni Lola sa kaniya na nasa tabi ko ng nakawheelchair
"Mag meryenda ka muna" Ngumiti pa si Lola at patuloy kinukumbinsi si Rhivo
Sumulyap sa'kin si Rhivo na nahihiyang nakangiti sa'min ni Lola
"Sige po" Sa huli ay pumayag din. Ngumiti naman kaming pareho ni Lola at pumasok na nga si Rhivo sa loob ng bahay
Nilagay ko muna sa kwarto ang mga gamit ko saka nag handa para sa meryenda namin ni Rhivo at kay Lola na din
"Natutuwa talaga ako na may manliligaw na ang apo ko" Sabi ni Lola at naupo naman na ako sa tabi ni Rhivo
"Ang iba kasing manliligaw nitong si Vianne namin ay umaatras dahil sa kakaibang sakit niya" Kwento pa ni Lola, ako naman ang nahiya ngayon kay Rhivo
"Lola kain kana" Sabi ko para matigil na si Lola sa pag kukwento at baka pati pag hilik ko ng malakas ay maikwento niya.
Bahagyang tumawa si Lola at tumango, nilingon ko si Rhivo na nakatingin na din sa'kin at nakangiti
"Bukod sa maganda ang apo niyo Mabait po si Vianne, bagay sa kaniya ang pulang buhok niya at wala naman po akong nakikitang mali duon" Sabi ni Rhivo na halos mangisay ako sa sobrang kilig habang sinasabi niya iyon
Nakangiti pa siya sa akin at deretso ang tingin. Tumawa muli si Lola at siya ang kinikilig para sa'kin, nag iwas naman ako nang tingin at uminom nalang ng juice para hydrated dahil mukhang na dehydrate ako sa banat ni Rhivo. I shouldn't be surprise to him dahil marami itong karanasan sa mga babae at normal nalang sa kaniya ang mga banat na ganito