Kagaya ng kahapon sinalubong ako ni Rhivo ng makapasok ako sa gate bitbit ngayon ang hard hat niya, ngumiti pa ako sa kaniya nang ngumiti siya sa'kin at nakalapit
"Performance task" Sabi niya nang makita niyang bumaba ang tingin ko sa hard hat, tumango ako at ngumiting muli.
"Same, may performance task din" I shrugged. Dahil mag pi-paint na naman kami sa canvas mamaya at sa hapon naman ay mag e-edit sa computer
Nag lakad naman na kami patungo sa room malapit lang ang building niya ngayon sa building namin
"Naprint ko na iyong mga sinend mong picture" Sabi ni Rhivo at agad naman akong tumango, sinarado niya na ang payong ng makaapak na kami sa hallway
"Salamat" Papasalamat ko. inabot niya naman ang payong sa akin kaya habang nag lalakad ako ay pinasok 'yon pero nagulat ako nang hawakan ni Rhivo ang braso ko at bahagyang hinila.
Nag angat ako ng tingin, narinig ang mga sigawan ng nag dadaan sa gilid ko.
"Tss, mga walang respeto" Masungit na sabi ni Rhivo na nakatingin sa likod namin sa mga nag daan kanina na grupo ng mga junior high school
Bumalik ang tingin ni Rhivo sa'kin "Okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya agad naman akong tumango at ngumiti.
"Muntik ka nang nabunggo ng mga junior high school na 'yon, akala mo naman pag aari nila ang daan" Iritado na ang boses ni Rhivo at mukhang galit talaga sa mga Junior High kanina
Mag papatuloy na sana kami sa pag lalakad nang humarang si Rix kasama si Tyden isa sa mga sikat dito sa campus, Si Rix siya ang pinakasikat sa Mga student ng Seaman Department dahil bukod sa mayaman ay sobrang gwapo din, ito namang si Tyden kaklase ni Rhivo, gwapo din pero masungit gaya ni Rodriej, bunso si Tyden sa triplets ng mga Morenci sikat sila dito sa school dahil gwapo nga sila at maimpluwensya ang pamilya, ang pangalawa nilang kapatid ay kwento-kwento ay bakla daw sayang nga ang kagwapuhan e
Blessings nalang sa mga babaeng mapapangasawa ng Triplets dahil ang gagwapo, salamat na din kay God dahil hindi lang isa ang mukha na nag mamay ari sa mukha nila Tyden.
Napansin ko din na hawak din pala ni Tyden ang hard hat niya.
"Saan kayo galing?" Tanong ni Rhivo dahil sa daang paliko sila namin nakita nang galing
"Sa Senior High" Sagot ni Rix at nginisian si Tyden.
"May crush siya duon" Biro ni Rix na agad naman siyang siniko ni Tyden at pareho pa silang sumulyap sa'kin
"Si Vianne Llezach, nililigawan ko" Pakilala ni Rhivo sa akin sa dalawang kaibigan, agad naman akong ngumiti at nahihiya pa
Hindi ko aakalain na makakalapit sa kanila
"Wow bro! Hindi ba ako nabibingi?" Biro ni Rix at sabay silang tumawa ni Rhivo na umiling iling pa
"Mabuti at nanliligaw ka na?" Nag taas pa ng kilay si Tyden kay Rhivo
"Mukhang pumuti na ang uwak" Halakhak pa ni Rix, tama nga sila ano? Basta Seaman Seaman-loloko, loko loko itong si Rix!
"Hi, I'm Rixareo Crich Sartez" Pakilala pa ni Rix sa akin. tumango ako at tinanggap ang nilahad niyang kamay, nahihiya pa ako at medyo kinakabahan, hindi ko talaga ineexpect na makalapit sa mga sikat dito sa campus.
"Tama na" Sabat ni Rhivo at pabirong hiniwalay ang kamay ko kay Rix, ngumisi naman si Rix kaya medyo uminit ang pisngi ko. kakaiba kasi ang ngisi niya at may malisya
"Possessive" Biro ulit ni Rix. umiling lang si Rhivo
"Tyden Morenci" Pakilala ni Tyden at hindi na nag lahad sa akin, tumango ako sa kaniya at sobrang nahihiya ang ngiti ko. ang sabi sabi at alam ko hindi daw pala kaibigan itong si Tyden at bilang ang mga kaibigan at nakakahiya ngayon dahil nag papakilala siya sa akin
Nag paalam naman na ang Dalawa na mauna na. Nag patuloy naman na kami ni Rhivo sa pag lalakad. Naramdaman kong hindi nawala ang ngiti sa labi ko, agad kong inalis ang ngiti at nilingon si Rhivo na salubong ang kilay na nakatingin sa akin, kanina pa ba siya nakatingin? Bakit hindi ko pansin? Nakita niya ang ngiti ko na parang timang mateturn off siya nito!
"May crush ka duon?" Tanong ni Rhivo sa mababang boses. i cleared my throat before shook my head.
"Wala" Tipid ko sagot at nginitian siya. Ngumuso si Rhivo at sa daan na muli kami tumingin
Sumalubong si Louisse sa amin na may mga dalang box at mga papel na meron pang bulaklak
"Mommy" Tawag sa akin ni Louisse at kumaway kaya ang ibang hawak ay nalaglag, agad akong tumakbo palapit sa kaniya at pinulot ang mga nalaglag niya.
"Andami kasing Admirer" Sabi ni Priezma na kararating lang kasama sila Creighve at Rodriej
"Yung buhok mo pakitali nga! abot hanggang edsa" Gatong ni Creighve, sumimangot tuloy si Louisse.
"Thank you mommy" Nakangiting pasasalamat ni Louisse sa akin sa pag pulot ng nalaglag niya, aabutin niya sana pero nilayo ko.
"Ako na dito" Prisinta ko
"Lalagay ko muna sa locker ko mamaya pa start ng klase nag memeeting mga prof para sa inter game" Sabi ni Louisse, sinulyapan ko ang room namin sa pinto wala pa ang mga kaklase namin at iilan lang ang mga anduon, general course pala namin?.
Napakamot ako sa ulo dahil nakalimutan ko sched ko
"Ako na mag bubuhat niyan" Lumapit si Rhivo sa akin at kinuha ang hawak kong mga papel at box ng chocolates ni Louisse
"Patulong Riej!" Panghihinging tulong ni Rhivo na agad ikinailing ni Louisse
"Ako na" Protesta ni Louisse at wala naman siyang nagawa nang kinuha iyon ni Rodriej.
Tumungo naman kami sa Locker para tulungan mag lagay si Louisse ng mga iyon. Sumama din sila Priezma at Creighve dahil wala din daw pupuntahan
Nang makarating kami sa locker binuksan na ni Louisse ang locker niya at nalaglag pa ang iilang nakasobreng mga love letter
"Galing pa ata sa mga junior high ang mga admirer mo, Louisse. Ang cute ng mga ribbon" Ngumisi si Priezma at pumulot na din sa mga letter na nalaglag, puro nga may pula at pink na ribbon
"Grabe talaga Louisse pang Miss Universe ang ganda mo" Biro ni Creighve at tinapik ang braso ni Rodriej na nag lagay na ng mga chocolates at letters ni Louisse sa locker nito
Natapos ang araw na yun hinatid ako ni Rhivo at inabot na ang prinint na picture ni Louisse.
Nang nakapag bihis galing sa school dinikit ko na ang mga picture sa ginawa naming explosion box ni Rhivo
Mabuti nalang at Saturday kinabukasan dahil napuyat ako sa ginagawang explosion box, pag gising ko ng umaga agad akong nag almusal at habang nag aalmusal nag bukas ako ng i********:, ngayon nalang ulit ako mag bubukas ng Instagram
@selaalfonzo_ is now following you
Tinignan ko ang profile ni Louisse may lima siyang post duon at puro aesthetic
5 Post 23.7K Followers 567Following, vinew ko ang Story ni Louisse, kurtina lang niya at bintana iyon. kulay gray pink ang kurtina meron siyang text duon na maliit na "Happy Birthday To Me"
Nag reply ako duon at bumati ng happy birthday, agad niyang nilike ang reply ko at nag reply din
@selaalfonzo_
Yay, Thank u, Mommy. you made my day :)
Napangiti naman ako sa reply ni Louisse at masaya dahil sa sinabi niya, made my day daw? Kilig ako duon!
@vfreighllez
You're welcome baby :*
Pinatay ko na ang cellphone ko at tinapos na ang pag aalmusal, umakyat na ako sa kwarto at naligo
Matapos kong naligo kinuha ko ang susi ng kotse ko at driver license, binulsa ko pa ang wallet ko at cellphone
Nang nalabas ko ang kotse ko sinarado ko na muli ang gate at sumakay na muli sa kotse ko, mag babayad ako ng electric bill, water bill at internet bill ko at kila Lola na din.
Tanghalian na ako natapos sa pag babayad ng lahat ng bill namin kaya tanghali na din ako nakapunta ng super market at nakapag-groceries
Matapos ko nag punta sa grocery tumungo ako sa pharmacy para sa gamot ni Lola at pag katapos naman ay dumaan ako sa building ng pinag tatrabahuhan ni Mama
Tinawagan ko siya nang na sa labas na ako ng building, agad naman lumabas si Mama na naka-business attire
Inabot ko kay Mama ang binili ko sa drive thru para hindi na siya lumabas pa at bumili ng tanghalian niya
"Salamat, anak" Masayang sabi ni Mama, ngumiti ako at tumango.
"Sige, Ma. una na ako, take care po" I said politely, lumapit pa kay Mama at yumakap
"Sige, ikaw din ah? Ingat ka, ibati mo nalang ako sa kaibigan mong may birthday" Sabi pa ni Mama nang humiwalay na kami sa Yakap
"Faith" Pareho naming nilingon ni Mama ang tumawag sa kaniya
Sa tingin ko ay mas matanda iyon ng kaunti kay Mama, naka-suit pa ito at formal na formal.
"Yes, sir?" Lumapit na sa'min ito at sumulyap sa'kin
"Anak ko po, Sir." Pakilala ni Mama sa akin, bahagya akong yumuko at nahiya.
"Magandang hapon po Sir" Bati ko at nag angat na ng tingin matapos yumuko
"Magandang hapon din, Hija" Bati sa akin nito pabalik at ngumiti, medyo pamilyar siya sa akin
"Lunch?" Tanong nito kay Mama na inangat ang bitbit kong pag kain para sa kaniya
"Sa Loob na po ako Kakain, nag dala po ang anak ko ng pagkain" Sagot ni Mama.
Nag paalam naman na si Mama sa akin pati na iyong Sir niya
Papasok na sana ako sa kotse ko nang makita si Rhivo na palabas ng building na pinag tatrabahuhan ni Mama, nag salubong ang kilay ko, nanlaki pa ang mata ni Rhivo ng makita ako at nang makabawi masaya siyang lumapit sa akin.
"Andito ka pala?" Nakangiting tanong ni Rhivo sa akin. tumango naman ako
"Dinalahan ko ng lunch si Mama" Sagot ko. siya naman ang tumango at sumulyap sa kotse ko
"Ikaw?" Tanong ko kay Rhivo. bumaling na sa akin muli ang Atensyon.
"Pinuntahan ko si Papa" Sagot ni Rhivo, napanganga naman ako at nag angat ng tingin sa malaking silver plate name ng building na 'Roizon Corporation'
"Di pala nag tatrabaho ang Mama mo? Hindi ko siya nakikita pag bumibisita ako dito" Sabi ni Rhivo at medyo kunot pa din ang noo.
"Na sa Management department siya e" Sagot ko, hindi niya talaga makikita si Mama dahil na sa taas bumibisita si Rhivo
Tumango si Rhivo at muling sumulyap sa kotse ko.
"You drive?" Tanong ni Rhivo sa'kin, agad akong tumango nang sumulyap muli siya sa akin.
Ngumiti si Rhivo at kita ko pa ang pag hinga niya ng maluwag, maaliwalas na ang mukha ngayon.
"Akala ko boyfriend mo na ang na sa loob at inaantay ka" Biro ni Rhivo, tumawa naman ako at umiling.
"Tinted pa" Kunware ay nag punas pa ng pawis. He shook his head and dramatically held his chest.
Nag tawanan kami at saglit na nag usap pa bago nag paalam na para umalis na at umuwi.
Pag uwi ko ng bahay, kinain ko ang binili ko sa drive thru na kagaya ng pag kain ni Mama pareho kasi naming favorite itong chicken fillet
Bigla ko tuloy naalala kung sino yung Lalaki kanina na Sir ang tawag ni Mama, Inalok niya si Mama na mag lunch, Hindi ba nakakataas iyon? Bakit naman niya aayain si Mama na mag lunch? Hindi ba mataas ang posisyon nun o hindi kaya kamag anak nila Rhivo iyon? Medyo hawig sila e.