The coolness of the morning breeze somewhat gave Carylle a soothing effect. Alas sais na ng umaga. Namamasyal siya ngayon sa paligid ng resort yaman din lang at hindi pa lumalabas ng kanyang silid si Jude. At dahil wala pa si Teng upang ipaghanda sila ng almusal, ipinasya niyang magkape muna sa restaurant. Habang hinihigop ang mainit na kape ay nakarinig siya ng ilang tinig mula sa likuran niya. Ang isang tinig ay tila pamilyar sa kanya. Nang lumingon siya ay eksaktong namang napatingin sa kanya ang nagmamay-ari ng boses na kilala niya. “Miss Carylle…” “Hi, Lorenz,” sabi niya sabay kaway. Nakita niyang may dalawang lalaki na kausap ito. Kapwa empleyado rin sa resort. Walang inaksayang sandali si Lorenz. Agad na lumapit ito sa kanya. He was wearing plain white t-shirt and blue d

