First Monday of June, 10 o’clock in the morning.
Habang tumatakbo sa lubak-lubak na kalsada ang traysikel na sinasakyan ay sari-saring isipin ang naglalaro sa utak ni Carylle. Her thoughts were consumed of the present condition of Jude that made her senses remained numb to the heat, dust and sweat.
Ano kaya ang gustong sabihin ni Lorenz tungkol sa kalagayan ni Jude na hindi nito itinuloy? Kung nagkasakit lang ang binata, walang dahilan upang ipaglihim ito sa kanya. Naengkanto na rin ba siya katulad ng pinsan niyang si Jake? Pero malayo ang mahiwagang pulo sa kinaroroonan ni Jude. At tiniyak sa kanya ng katipan na hindi ito masyadong lumalabas ng cottage at ng resort? Isa pa, dapat ba siyang maniwala tungkol sa kuwento sa engkantandang iyon na singluma na ng panahon?
Ngunit biglang parang tuksong pumasok sa isip niya ang nakakatakot na larawan ng pulo at ang imahe ng babae na may mahabang buhok na nakita niyang nakatayo sa veranda noong dinalaw niya ang kasintahan dalawang linggo na ang nakakaraan. Posible kayang may kinalaman ang mga ito sa tila pagbabago ng pakikitungo ni Jude sa kanya?
Whatever the answers to her questions are, she needed to know. And she was determined to check Jude’s condition that’s why she filed a one week vacation leave from her work.
Pagkababa ng traysikel at matapos iabot ang bayad sa driver ay nagtuloy-tuloy siya sa front desk ng resort. Matapos sagutin nang matipid na ngiti ang bumating receptionist ay agad niyang kinumusta ang guest na nasa cottage number 7.
“Ah, si sir Jude po? Do you have an appointment with him, ma’am?”
Bahagya umarko ang kanyang kilay sa itinanong ng kausap. “Do I really need to have an appoinment before I can talk to him?” Hindi niya naitago ang inis.
“That was his instruction to us ,ma’am,” the receptionist shyly replied.
“Well, I am his girlfriend and I was here two weeks ago,” pinigilan niya ang sarili na magtaray.
Tiningnan siya ng kaharap, wari bang pilit inaalala kung nakita na nga siya nito sa loob ng resort.
“I can’t wait any longer, miss. I have to see him. Thanks,” wika niya sabay buhat ng kanyang malaking bag. Walang nagawa ang receptionist kundi sundan na lamang siya ng tingin habang naglalakad patungo sa hagdang bato na siyang daan upang makapunta sa mga cottage sa tubig.
Bukas ang main door ng cottage number 7 kung kaya tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob. Nagulat pa ang isang lalaki na noon ay nagluluto. May kaliitan ito at payat ang pangangatawan, bata pa ito at maaliwalas ang mukha. Agad naman itong ngumiti at bumati ng ‘good morning’ nang makabawi na sa pagkabigla.
“You must be Teng? Ang butler ni Jude?” tanong niya habang ipinapatong sa upuang kawayan ang malaking bag na dala.
“Yes, ma’am.” Bahagya pa itong yumukod. “Sino po sila?”
“Girlfriend ako ni Jude. Narito ba siya?” Iginala niya kunwari ang mga mata pagkatapos ay natuon ang mga iyon sa saradong silid nito.
“O-opo, pero natutulog pa siya.”
“Natutulog pa siya? But it’s past ten already. Hindi nagpapaabot ng ganitong oras sa higaan ang boyfriend ko,” may pagdududang tanong niya.
She headed towards the bedroom. Sisilipin niya ang katipan sa loob ng silid. Gusto niyang makasigurong naroon nga ito.
She was turning the knob when the butler stopped her. “Pasensiya na, ma’am. Kabilin-bilinan ni sir na huwag siyang aabalahin kapag nasa loob siya ng kuwarto.”
Matalim niyang tinitigan ang kaharap. Ang tingin niya ay sapat na upang mapakamot ito sa batok sabay atras at tahimik na bumalik sa kitchen.
She turned the knob. It was not locked. Tuloy-tuloy siya sa loob.
She heaved a sigh of relief when she saw Jude on his bed. Mahimbing na natutulog ito, nakadapa sa kama, ang mukha ay nakabiling sa tagiliran. Walang suot na pang-itaas.
Matamang pinagmasdan niya ang mukha ng katipan. Pilit hinahanapan ito ng kahit na anong palatandaan ng pagbabago o anumang indikasyon na ito ay nasa masamang kalagayan.
She breathed a weary sigh. Ang ilang bote ng alak na walang laman sa ibabaw ng side table, ang hindi paggising sa oras na nakasanayan nito at ang yayat na mukha at katawan, ang mga iyon ay sapat na upang isipin niyang may hindi normal na nangyayari sa kanyang nobyo.
Ipinasya niyang huwag nang gisingin ang nahihimbing na lalaki. Naisipan niyang kausapin ang kanina’y nakainisang butler.
“Mukhang masarap ang niluluto mo, Teng,” bati niya rito habang umuupo sa bamboo chair. Alam niyang kailangang kaibiganin niya ito dahil dito siya makakakuha ng mga impormasyong kailangan niya.
“Tama po kayo, puro mga paborito ito ni sir Jude. Inihaw na tilapia na nilagyan ng kamatis at sibuyas sa tiyan, ginisang gulay na bagoong na isda ang pampaalat, sawsawang toyo na nilagyan ng katas ng kalamansi at pinalamig na pinya.”
Napangiti siya sa katabilan ng butler. Mukhang makakasundo niya ito.
“Teng, ano’ng oras ang posibleng gising ni Jude?” patay-malisya niyang tanong habang sumusubo ng isang gayat na pinya.
“Kadalasan po ala-una,” walang gatol na tugon nito. Tuloy ito sa ginagawa.
Kadalasan. Ibig sabihin ay madalas inaabot ng ganitong oras sa higaan si Jude. It was something new. He knew Jude so well. He was never a sleeping dog in his entire life. Naging isa itong palaisipan sa kanya.
“Palagi ba siyang ganyan?” tanong niya ulit. Kailangan niyang makasiguro. “I mean lagi bang late kung matulog siya sa gabi?”
“Aba hindi po. Nagsimula lang iyan noong…” nang bigla itong natigilan.
“Noong ano?” sabik niyang tanong. Para siyang batang nabitin sa laro.
“Noong hindi sinasadya ay nakarating siya sa hangganan ng resort na ito. Sa kabila po kasi ng Ocean Enchantress ay may isang abandonadong private resort.”
“At bakit naman siya nakarating doon? Akala ko ba ay hindi siya lumalabas ng cottage o ng resort na ito?”
“H-hindi ko rin alam, ma’am. Minsan ko siyang tinanong kung bakit siya nagpunta sa kabilang resort, nagalit po siya.” Biglang napahinto sa pagsasalita ang butler, nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa kanyang likuran.
Nang lumingon siya ay nakita niyang nakatayo si Jude sa pinto. Halatang bagong gising ngunit madilim ang anyo. Ang mga mata ay matalim na nakatutok sa kanilang dalawa ni Teng. Maging siya ay kinabahan sa kakaibang kilos na iyon ng katipan.
She couldn’t control her tears anymore. Kanina pa niya pinipigilan ang kanyang damdamin mula pa kaninang nagpakita nang matabang na pakikitungo sa kanya ang kasintahan. Pero ngayong halos ipagtabuyan na siya nito ay kumawala na ang emosyon niya.
“Basta, whether you like it or not, I will stay here for one week. I already filed a leave of absence in the office. Desidido talaga ako na samahan ka dito,” parang batang maktol niya.
Napatigil sa pagnguya ang lalaking kaharap niya. Matalim na tumitig sa kanya.
Ngayon ay pinagsasaluhan nila ang pagkaing inihanda ni Teng. Matapos abutan ng ilang pirasong papel na pera ay inutusan ni Jude ang butler na iwan muna sila sandali.
“But I’m giving you a choice, sweetheart. I will stay here with you or you will come with me. Umuwi na tayo. Bumalik na tayo sa Manila.”
Kumalansing sa plato ang kutsara at tinidor nang marahas na binitawan ang mga iyon ng binata.
“You know that it’s impossible,” singhal nito sabay tulak sa platong nasa harap. Senyales na nawalan na ito ng gana at tinatapos na ang pagkain.
“Which is impossible?” tumaas na rin ang boses niya.
“Ang alin man sa mga sinasabi mo.”
“Are you saying that I cannot stay here and you will not come with me to Manila?”
“Carylle,” Nakadagdag sa pagdaramdam niya ang muling pagtawag sa kanya ng katipan sa buo niyang pangalan. “Alam mong ang dami kong ginagawa.”
“You’re not doing anything here, Jude. Stop fooling me around. Stop giving me that f*****g alibi. It’s not your story that keeps you here, I know. May ibang dahilan. Malakas na malakas ang kutob ko na may ibang dahilan.”
“Whatever it is, it’s none of your business.”
Yumanig sa kanya ang huling tinuran ng kasintahan. Was it simply removing her out of his life?
“May karapatan ako dahil girlfriend mo ako. Karapatan kong malaman kung anu-ano ang ginagawa mo rito. Karapatan kong malaman kung may balak ka pang umuwi at bumalik sa dati mong buhay. Maliban na lang kung…oh well…inaalisan mo na ako ng karapatang iyan?”
“Carylle,” Sinapo nito ang noo na tila nahihirapan.. “You better go home now. Hindi ka nakakatulong sa akin, sa halip ay nakakagulo pa.”
She felt the surge of anger within her. She burst into tears. “Ang sakit naman nito, Jude. Lantaran na ang pagtataboy mo sa akin. Ano ba’ng nangyayari sa iyo? Akala mo ba ay hindi ko nahahalata na hindi ka masaya na naririto ako ngayon. Parang hindi na girlfriend ang turing mo sa akin.”
He didn’t say anything. His eyes were unemotional and lifeless.
Ipinasya niyang tumayo na. Siya man ay nawalan na rin nang ganang kumain. Dumiretso siya sa isa pang maliit na kuwarto na katabi lang ng silid ni Jude. Plano niyang doon matulog hangga’t hindi nagbabalik ang dating trato sa kanya ng kasintahan.
Ngunit napanis na siya sa paghihintay sa loob ng silid. Ang inaasahan niyang pagsunod ng kasintahan sa kanya upang suyuin siya ay hindi nangyari. Labis niya itong ipinagtataka. Si Jude pa rin ba ang kasama niya sa cottage na ito? Jude used to be a very loving, romantic and thoughtful guy. He used to lure her with attention, passionate words and sweet nothings. Pero bakit ngayon ay ang lamig na ng trato nito sa kanya? Bakit parang napakalayo ng distansya nila sa isa’t-isa?
Lalong nagsikip sa hinanakit ang dibdib niya. Hindi siya sanay sa mga ganitong kilos ng kasintahan.
Hanggang nakatulugan na niya ang matinding sama ng loob. Naalimpungatan lang siya nang tila nakakarinig siya ng isang musika. Isang napakagandang musika. Bahagya niyang iminulat ang mga mata upang tukuyin ang pinagmumulan noon. Humahaplos sa bawat pandama ang ganda ng tinig ng umaawit, nakakaginhawa ng pakiramdam. Para siyang idinuduyan upang kusa siyang magbalik sa pagtulog. Muli niyang ipinikit ang mga mata. Hindi niya mapigilan ang paanyaya na muling pumalaot sa mahimbing na pagtulog.
Bago tuluyang maglaho ang lahat ng kaalaman niya sa paligid ay sumingit sa utak niya ang isang tanong. Kaninong tinig iyon?
Pabigla siyang nagmulat. Ngayon ay gising na gising na ang diwa niya. At malinaw niyang naririnig ang awit na iyon sa kabila ng malalakas na tunog ng alon. Tinig iyon ng isang babae. Hindi galing ang awit sa radio o sa anumang gadget. Samakatuwid ay meron pa silang ibang kasama sa cottage na ito o maaaring sa labas ng cottage.
Bumangon siya mula sa pagkakahiga. Desidido siyang hanapin ang pinagmumulan ng tinig na iyon. Noon lang niya napansin na madilim na pala. Napahimbing pala siya ng tulog, marahil ay dahil sa pagod sa biyahe.
At hindi man lang siya naalalang i-check ng magaling na nobyo sa loob ng silid na ito. Malinaw na palatandaan ang naka-switch off na ilaw.
The nerve. Bumalik ang tampo na nakatulugan niya kanina.
Kinapa niya ang switch ng ilaw. Nang magliwanag ang buong silid ay binuksan niya ang pinto. Sumalubong sa kaniya ang madilim na sala gayundin ang malamig na simoy ng hangin. Malakas ang hangin, pinaglaruan nito ang mahaba niyang buhok.
Sarado rin ang ilaw sa sala ng cottage ngunit sa tulong ng liwanag na nagmumula sa bukas niyang silid ay nakita niyang bahagyang nakaawang ang main door. Tinungo niya ang silid ni Jude, pinihit ang door knob, naka-lock iyon.
Shit. Hindi niya napigilan ang magmura. At nakuha pang i-lock ng lalaking ito ang sariling silid.
Muling natuon ang pansin niya sa awit. Patuloy pa rin ito pero tila pahina na nang pahina. Alam na niya ngayon kung saan nagmumula ang tinig. Sa labas ng cottage. Maaring nasa andamyo ang umaawit, maari ring nasa veranda o kaya naman ay nasa dagat.
Sa dagat? Sa oras nito?
Dahan-dahan siyang sumilip sa nakaawang na pinto ng cottage. Sa tulong ng mapusyaw na liwanag ng buwan ay saglit niyang sinanay ang mga mata sa kadiliman ng paligid. Makailang ulit siyang kumurap bago itinuon ang mga mata sa mahabang andamyo na nagdudugtong sa labing-dalawang cottages na naroroon. Ngunit walang maaninaw ang kanyang mga mata.
Pahina na nang pahina ang tinig, tila ba palayo ito nang palayo. Paalis na sana siya sa kinatatayuan nang mapansin niya ang tila nagliliwanag na tila apoy sa ibabaw ng tubig ilang metro ang layo sa kanilang cottage.
Paliit ito nang paliit at palayo nang palayo gayundin ang tinig na unti-unti na ring naglalaho sa kaniyang pandinig.
Isang malaking alon ang humampas sa veranda ng kanilang cottage dahilan upang bigla siyang napaatras sabay sara sa pinto.
Nang maisara ang pinto ay saka parang nagbalik ang kaniyang kamalayan sa mga nangyayari.
Tinig at apoy sa gitna ng dagat. Ano’ng kababalaghan ito?