CHAPTER 4

1668 Words
Halos magdadalawang linggo na buhat nang manggaling si Carylle sa Ocean Enchantress ay hindi pa rin nagpaparamdam si Jude. Nananatiling nasa deactivated status pa rin ang social media accounts nito. Maging ang pamilya at mga kaibigan nito ay wala ring balita tungkol sa kalagayan ng binata. At gaano man kalaki ang pagdaramdam niya sa nobyo ay hindi pa rin niya maiwasang hindi mag-alala para rito. There were times that she was tempted to go back to the resort, but she knew that Jude would not appreciate it. She knew that she was not that welcome to his place there. Tutal naman ay mapagpasensiya siya at matiisin. Pero minsan ay naiitanong din niya sa sarili kung hanggang kailan niya makakayang magtiis sa ganoong abnormal na sitwasyon . She was beauty and brain, she knew that. Ngunit bakit nga ba si Jude Montero ang napili niya sa tambak niyang manliligaw noon? But she knew she could change her mind now. She had all the chances and choices to change her mind. Subalit iniisip pa lang niya ay mukhang hindi niya kaya. Mapalayo nga lang ng ilang buwan sa nobyo ay halos ikamatay na niya, paano pa kaya ang habangbuhay? She gave herself another one week. Kapag hindi pa talaga nagparamdam ang katipan ay babalik siya sa Ocean Enchantress Resort. Kesehodang magalit ito at ipagtabuyan pa siya. “Jude, what’s happening to you?” wala sa sarili na bulong niya habang hinihimas ng mga daliri ang noo. “Bakit nagagawa mo sa akin ito?” Ang nobyo pa rin ang laman ng kanyang utak hanggang makalabas siya ng Houston building. Dumadaan siya sa parking area ng naturang gusali upang makalabas ng gate patungo sa hintayan ng taxi nang isang tinig ang tumawag sa kanya mula sa mga nakaparadang kotse. “Ma’am Carylle, ma’am…” Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang isang pamilyar na lalaki na nakatayo sa tabi ng isang kotse na pamilyar din sa kanya. “Lorenz? Ikaw ba ‘yan? Ikaw nga!” she exclaimed. “Ako nga ito, ma’am Carylle.” Mabibilis ang mga hakbang na lumapit sa kanya ang lalaki. He flashed a wide smile. She also smiled upon hearing the accent of the man. “Kumusta na?” she said excitedly. Pero ang totoong gusto niyang kumustahin ay ang kasintahang hanggang ngayon ay naglulungga pa rin sa resort ng mga ito sa Batangas. “Mabuti po, ma’am.” Ngayon ay nakalapit na sa kanya ang lalaki. Nakatayo ito sa harap niya kung kaya mas nabistahan niya ang kaanyuan nito. Ngayon lang niya mas napagmasdan ang mukha nito. Mas guwapo pala ito sa malapitan at sa liwanag. At tama siya, mas matangkad ito kaysa sa kalkula niya noong una silang nagkakakilala sa loob ng kotse. Saglit siyang nabatu-balani sa hipnotismo nitong taglay. “Why are you here?” tanong niya. “Inihatid ko si Mr. del Callar, ma’am. May meeting siya,” sagot nito habang inaayos ang hindi naman lukot na collar ng suot na midnight blue shirt. Palihim siyang napangiti. Isa ito sa mga palatandaan ng lalaking humahanga sa kanyang opposite s*x. Biglang nagiging conscious sa kanyang anyo. Niyaya niya ito sa isang cafeteria sa labas ng gate upang magkape ngunit ang totoo ay gusto lang niyang makausap ito nang matagal. Meron siyang kailangang malaman. Black coffee ang inorder nito, espresso naman ang sa kanya. “Kumusta na si…’yung guest ninyo sa cottage number seven?” seryosong tanong niya pagkatapos tikman ang kanyang kape. “Si sir Jude po ba?” His black and deep eyes gawked at her. Ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang kakaibang emosyon na nakarehistro sa mukha nito. At naintriga siya, kailangan niyang malaman kung ano ang ibig sabihin ng reaksyon na iyon lalo na at tila may kinalaman iyon kay Jude. “Oo siya nga. I’m sure, you know him already. Sa tagal na ng pag-stay niya sa Ocean Enchantress, imposibleng hindi siya makilala ng mga tauhan doon.” “Ang alam ko, ma’am ay mabuti naman ang kalagayan niya roon. Pero…” sinadya ng lalaki na putulin ang pagsasalita. Nakaramdam siya ng tensyon. “Kaya lang ay ano?” may himig inis na tanong niya. “Mas mabuti siguro na dalawin mo uli siya.” “What made you say that? May problema ba siya roon?” “Palagay ko ay wala ako sa lugar upang magsalita. Pasensiya na, ma’am Carylle, kasi hindi naman ako sigurado sa nalalaman ko. Puro hearsay lang ang akin, kaya ang maipapayo ko, personal mo siyang puntahan doon. Mas maaga, mas makakabuti.” Lalo siyang nag-alala sa huling sinabi ng kausap. Ngunit kahit ano’ng pilit niya ay ayaw na nitong magsalita. Nalulumong nagpaalam na siya rito sabay sabing sa Linggo ay dadalawin niya ang kasintahan. Marahan itong tumango sabay ngiti at hindi na muling nagsalita pa tungkol kay Jude o sa Ocean Enchantress Resort dahil marahil sa pangambang may masabi na naman ito na kung ano. Ngunit ang takot para sa kalagayan ng katipan ay buhay na buhay na sa dibdib niya. “Napapabayaan mo na ang sarili mo at ang trabaho mo dahil sa Jude na iyan, Carylle.” Ang mommy niya ang nagsalita matapos niyang sabihin ang planong bumalik sa resort sa darating na Linggo. Hawak nito ang isang ice bag. Dumaing kasi siya na masakit ang ulo kung kaya nag-aalalang inasikaso agad siya ng butihing ina. Mula’t sapul ay ipinahayag na ng kaniyang ina ang pagkadisgusto kay Jude. Ayon dito ay paluluhain lamang siya ng lalaki dahil tila mas mahal nito ang kaniyang sining. Minabuti na lang niya na huwag sagutin ang ina. Nagkunwari siyang napukaw ang atensyon sa paglalapat ng ice bag sa noo. “Wala sa lahi natin ang naghahabol sa lalaki, anak,” mahinahon nitong wika pagkaupo sa gilid ng sofa na hinihigaan naman niya. “Ma, I feel something is wrong with Jude. Iyon ang kutob ko nang dalawin ko siya roon two weeks ago. At bilang kasintahan niya, tungkulin kong alamin kung ano na ang kalagayan niya sa Ocean Enchantress Resort.” “Ocean Enchantress?” biglang tinakasan ng kulay ang mukha ng kanyang ina. “Yes, ma. Why?” Bahagya niyang iniangat ang ulo upang lalong makita ang reaksyon ng matanda. Diyata’t may alam ang kaniyang ina sa lugar na tinitirhan ni Jude? “Ocean Enchantress… sa Sta. Ana ba iyan?” Marahan siyang tumango. Nagiging interesado na siya sa pag-uusap nilang mag-ina. “Carylle, nalimutan mo na ba na sa resort na iyan naengkanto ang pinsan mong si Jake ilang taon na ang nakakalipas?” “Ma, hinala lang iyon ng ating mga kamag-anak. Until now, wala namang nakapagpatunay na naengkanto nga kung kaya nabaliw and eventually ay nagpakamatay si Jake pagkatapos niyang magbakasyon kasama ng kanyang mga kaibigan.” “Wala tayong lahing baliw, Carylle. At walang dahilan upang masira ang ulo ng pinsan mong iyon. Maging ang mga doktor ay hindi masabi kung ano ang dahilan ng pagtakas ng kanyang katinuan. At nangyari lang ang lahat ng iyon nang minsang pumunta siya sa Ocean Enchantress.” Napabuntong-hininga siya sa kakulitan ng ina. “The place was sooo beautiful, ma. Kapag nakarating ka doon, hindi ka maniniwala sa sabi-sabing may engkanto roon.” Muli niyang inihilig ang ulo sa arm rest ng hinihigaang sofa. “Hindi siya sa mismong resort naengkanto, Carylle. Ayon sa kuwento ay namasyal sa dagat ang kaniyang barkada sakay ng isang bangka hanggang mapadpad sila sa isang pulo…ano nga ba’ng pangalan ng pulong iyon?” Bahagyang tumingin sa itaas ang kanyang ina na para bang sa gawing iyon ay maaalala ang gustong maalala. Nangingiting hinintay niya ang susunod na sasabihin ng ina. “Pulo ni Sara. Tama, ‘Pulo ni Sara’ ang pangalan ng islang pinuntahan niya kasama ng kaniyang mga kaibigan.” “Pagkatapos?” Ipinikit niya ang mga mata habang hinihintay ang susunod na sasabihin ng kanyang ina. “Diumano ay may nakatira raw doon na isang malupit na engkantada. At ikinagalit nito ang pagpunta ng grupo nina Jake kaya pinarusahan niya ang mga ito, maliban sa pinsan mo na nagustuhan daw ni Sara.” Muli siyang napangiti. Katatakutan. Kababalaghan. Mga urban legend na singtanda na ng panahon ngunit nagpasalin-salin pa rin sa bibig ng mga taong patuloy na naniniwala sa mga ito. “Alam ko na ang isusunod mo, ma. Nagustuhan ng engkantada si Jake kung kaya hindi siya agad nakauwi hindi katulad ng dalawa niyang kasama. Pero iyong dalawa niyang kaibigan na nakauwi nga ay kung anu-ano namang kababalaghan ang pinagsasasabi hanggang isang araw kapwa sila dinapuan ng mahiwagang sakit hanggang tuluyang namatay.” “Tama. Namatay sila dahil pinatay sila ni Sara. At si Jake naman ay natagpuang palutang-lutang sa dagat ng ilang mangingisda pagkaraan ng ilang araw. Buhay nga ngunit wala naman sa sariling katinuan. Huwag mong sasabihing pagkakataon lang ang mga iyon.” “Ma, respeto sa grupo ni Jake pero sasabihin ko pa rin ang alam ko. Drug dependent silang lahat. Posibleng under influence sila ng bawal na gamot o alak ng mga oras na iyon kaya nagkaroon sila ng mga hallucination na binili naman ng ating mga kamag-anak.” Bumuga nang malakas na hangin ang kanyang ina sabay marahang tumayo. “Kung ayaw mong maniwala ay bahala ka. Basta ang importante ay may alam ka kahit papaano sa lugar na pupuntahan mo. Huwag mong kakalimutang magdasal at dalhin ang rosary na ibinigay ko sa iyo.” Nangingiting ipinikit niya muli ang mga mata. Ngunit parang tuksong lumitaw sa kanyang imahinasyon ang imahe ng mahiwagang babae na nakita niyang nakatayo sa veranda ng cottage ni Jude. Napabalikwas siya ng bangon. Alam niyang hindi iyon panaginip dahil gising na gising pa siya. Ano’ng dahilan at maging hanggang dito ay sinusundan siya ng imaheng iyon? Naramdaman niya ang kilabot na unti-unting gumagapang sa kanyang balat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD