Naramdaman ni Carylle ang pag-alog ng kotseng sinasakyan palatandaan na nakalampas na sila sa sementadong kalsada ng Ocean Enchantress Resort. Ngayon ay tinatahak na nila ang makipot at lubak-lubak na kalsada ng nayon ng Sta. Ana patungo sa bayan. Alas singko pa lang nang umaga ayon sa kanyang wrist watch. Araw ng Lunes.
Patuloy pa rin ang paninikip ng dibdib niya dahil sa tampo sa kasintahang si Jude. Imagine, naatim ng kanyang boyfriend na paalisin siya sa ganitong oras kasama nang hindi niya kilalang driver? Ganito na ba talaga ito ka-unreasonable at kaimposible ngayon?
Sa mapanglaw na liwanag ng ilaw sa loob ng kotse ay lihim niyang minasdan sa salamin ang itsura ng driver. Mukhang kasing-edad lang niya ito, at bagama’t mukhang probinsyano ay guwapo naman. Maganda ang katawan nito at sa tantiya niya ay may katangkaran kahit nakaupo sa driver’s seat. He had dark skin which was typical to a Batangueno. She also noticed that he was stealing glances on her through the rear mirror.
“Ano nga pala’ng pangalan mo?” lakas-loob na tanong niya. Kanina pa siya naiinip, kailangan niya ng makakausap.
“Lorenzo po,” masiglang sagot ng tinanong. Mukhang hinihintay lang na siya ang magbukas ng usapan. “Lorenz for short.”
“Ako naman si Carylle. Taga-rito ka ba?”
“Oho. Diyan lang sa isang baryo makalampas ng bayan.”
Napangiti siya sa accent nito maging sa pamumupo sa kanya. “Do not use ‘po’ and ‘oho’, I think we are of the same age.”
“Salamat,” lumuwang ang ngiti nito, napansin niya iyon sa bahagyang pagkiling ng mukha nito paharap sa kanya. “Kung hindi mo mamasamain, ma’am Carylle, puwede bang magtanong?”
“Sure. What is it?”
“Bakit tila kararating mo lang kahapon ay uuwi ka na agad ngayon?” Ibinalik nito ang tingin sa kalsada.
Bahagyang ikinainis niya ang pagtatanong na iyon ng lalaki. Tsismoso. Tipikal sa karamihan sa mga taga-probinsya, wika niya sa sarili.
“May trabaho kasi ako sa Ortigas Center. Kailangang makarating ako sa office before 8 o’clock.” kaswal na tugon niya. Pinili niyang huwag tarayan ang preskong kausap. Naisip niyang baka ma-bad trip ito sa kanya at ibaba siya nito sa ilang na lugar na iyon. Napag-alaman niya noong bagong dating siya na tanging mga tricycle lang ang bumibiyahe rito at siguradong wala pang bumibiyahe sa oras na ito.
“Ortigas? Naku, baka kahit umabot ka sa first trip ng bus na papuntang Pasay ay baka ma-late ka pa rin dahil sa traffic.”
Napataas ang kilay niya. At ano namang malay ng promding ito sa traffic sa Metro Manila? Pero sinakyan pa rin niya ang pagdudunong-dunongan ng kausap. “Bakit mo alam?”
“Kasi’y ganitong oras din kami umaalis ng resident manager ng resort, si Mr. del Callar. Kapag nagre-report siya sa main office sa Ortigas, ay talagang inaabot kami ng siyam-siyam dahil sa traffic.”
Lihim siyang napahiya sa sarili dahil sa paghusga niya sa kausap. “Ganoon ba? Saan ba ang office ninyo sa Ortigas?”
“Sa Houston building ,ma’am, along Emerald Avenue.”
Nagkainteres siya sa kausap. Doon din kasi ang call center agency na pinagtatrabahuhan niya. “Houston din ako, eleventh floor. Ano’ng floor ang office ninyo?”
“Fifth floor, ma’am,” excited itong sumagot.
“What a small world talaga, Lorenz. Kukunin ko ang number mo pagkarating natin sa bayan. Saka huwag mo akong tawaging ma’am. Just call me Cyle.”
Masiglang tumango ang kausap niya. Napansin niyang papasok na sila ng bayan ng Calatagan. Madilim at tahimik pa rin ang paligid.
Nang makababa ng kotse ay dumukot siya ng dalawang daang pisong papel mula sa kanyang shoulder bag. Ngunit kahit na ano’ng pilit niya ay hindi ito tinanggap ng binata. Bagay na lihim niyang ikinahanga dito.
“Basta po, mam, este Carylle, kung sakaling magkita tayo sa Houston, papakainin ninyo ako, ha? Iyon na lang ang tip ninyo sa akin,” nakangiting biro nito. Sa liwanag na nanggagaling mula sa mga street lamp at sa ilaw sa loob mismo ng kotse ay napansin niya ang kakisigan nito.
“Sure,” nakangiting wika niya. Naglaho na ang kanina’y inis na nararamdaman niya rito. Mukha naman itong mabait at mapapagkatiwalaan. Alam din niyang mapapakinabangan niya ito tungkol sa planong pag-monitor sa mga activities ni Jude sa resort. Kung kaya sinigurado niya na makuha ang cellphone number nito.
Hinintay muna nito na makasakay siya ng bus bago tuluyang pinaandar paalis ang kotse. She smiled secretly. Halata niyang may crush sa kanya ang probinsyano.
At sino nga ba ang hindi hahanga sa ganda niyang taglay? Hindi ba at ilang beses siyang nanalo sa mga beauty contest na sinalihan niya noong nasa college pa siya? Naging part time model din siya at minsan nga, may nag-alok din sa kanya na pumasok sa showbiz.
She was sporting a long, black hair that matched to her morena skin. Her thick eyebrows artistically curved to her deep eyes with long lashes. She had plump medium sized lips and a small pointy nose. She was about 5’5” and blessed with a thin but curvy body.
Jude Montero might be very lucky to have her. A lot of guys envied him because of her. But why it seemed that lately, he had already forgotten what he had got that other men on this planet failed to have. And that was none other than a beautiful and intelligent woman to be his future wife.
“But where is Jude?” nanlaki ang mga mata ni Jaymie nang malamang kararating lang niya mula sa Batangas. “You mean, umuwi kang hindi siya kasama?”
Nasa loob sila ng cafeteria ng kanilang opisina. Napagkasunduan nilang doon na lang mag-breakfast.
She heaved a sigh. She already expected the reaction of his friend. But she was not still prepared for the answer. As much as possible, gusto pa rin niyang pagtakpan ang nobyo.
“Bakit ba ang kulit mo?” pinandilatan niya ang kaibigan. “Hindi nga,eh. Nagpaiwan siya roon.”
“Hindi kasi ako makapaniwala,” isinubo nito ang isang piraso ng pan cake saka muling nagsalita. “Ganoon na ba talaga ka-iresponsable ang boyfriend mong ‘yon? Naatim niyang pauwiin ka mag-isa?”
“May dahilan naman siya, eh…” bumaba ang tingin niya sa cup ng cream frapuccino na nasa harap niya.
“Oh, yeah. Siguradong may dahilan siya. At kung ano man iyon, siguradong matinding dahilan iyon, dahil hindi normal sa isang matinong lalaki na ipagwalang-bahala ang isang magandang babae na katulad mo, Carylle.”
“Ayan ka naman…” bumuga siya ng hangin. Nasasaktan siya sa mga sinasabi ng kaibigan. Pero sa isang banda, may katotohanan ang mga iyon.
“Don’t get mad at me, friend,” she extended her one hand to hold hers. Matiim na tumitig sa kanya ang mga mata nito na nagkulay light brown dahil sa suot na contact lens. “I am after your feelings. Ayaw kong umasa ka at pagkatapos ay masasaktan. May kakaiba akong kutob na nararamdaman sa iyong boyfriend. I’m saying this not because I don’t like him for you, you know that since then. Noon ko pa sinabi sa iyo na may pagka-weirdo ang lalaking iyon, pero sumige ka pa rin. But this time, it has nothing to do with my apprehension to him…”
“You’re scaring me with your words, Jaymie,” she met the gaze of her friend.
“Because I feel something wrong, friend. It’s alright if he decided to stay in that place because of his writing job, I can understand that. But what I don’t understand is, why he has to turn off his cell phone and deactivate all of his social media accounts while he is there? For three months, there was no communication between you and him. There is something which is not normal about him, or between you and him.”
“Are you telling me that there maybe other reason?”
“Exactly,” she nodded.
“He made a promise to me, Jaymie. Magpapakasal na kami pagkatapos ng story na sinusulat niya ngayon,” paniniyak niya sa kausap.
“Hey, ganyan din ang sinabi niya sa iyo last year. At ikaw ay parang tanga na umasa at naghintay, pero after he finished the story, humirit pa siya ng another year,” sinundan iyon nito ng malakas na tawa. Parang hiniwa ang dibdib niya sa katotohanang sinabi ng kaibigan.
“What should I do, Jaymie?” wala sa loob na naitanong niya.
“You are beautiful and smart, a ‘good catch’ according to all the guys in our department. Lahat sila ay nagkakandarapa para mapansin mo lang, tapos sa isang weirdo ka na-fall eh mukhang hindi naman siya seryoso sa relasyon ninyo.” She intently looked at her again. “I hope you get my point…”
“Yeah, of course. But I cannot give him up nor our four year relationship…”
“Puwes, magpakahibang ka,” she shook her head. There was a glint of symphaty on her eyes. “Just don’t cry, my friend if…”
“If what?”
“If you discover one day that he is busy with other thing rather than writing only…”
“A-are you sure?” napaawang ang mga labi niya. She thought she was the only who has this intuition, pati pala kaibigan niya, iyon din ang pakiramdam.
“It’s for you to find out, Carylle. Baka nabubulag ka sa sobrang pag-ibig mo sa kanya up to the point na ayaw mong mag-entertain ng mga pagdududa at hinala sa kanya. I hope it’s not ‘other woman’ pero sa palagay mo, may iba pa ba na puwedeng umagaw ng oras at atensyon niya?” Pagkasabi noon ay tumayo na ito at tuloy-tuloy na lumabas ng cafeteria.
While she was left frozen. Nakatanim sa utak niya ang mga huling sinabi ng kaibigan. May pangambang unti-unting nagbabangon sa dibdib niya.