Takbong walang puknat ang ginawa niya kahit sa sulok ng isip niya ay maaaring patay na si Jude nang mga sandaling iyon. Namatay ang binata dahil sa pagtatangkang iligtas siya. Kahit papaano ay may tuwang namuo sa isang sulok ng kanyang puso dahil sa kaalamang nanaig pa rin ang pagmamahal sa kaniya ng katipan kahit nasa ilalim ito ng kapangyarihan ng kadiliman. Nasa ganoon siyang isipin nang magulantang siya. Malambot ang lupang tinatapakan niya. At sa bawat galaw niya ay tila lalo siyang lumulubog. Kumunoy. Kumunoy ang kinalalagyan niya ngayon. Halos sumabog ang utak niya sa realisasyong iyon. Pinilit niyang pinakalma ang sarili upang makapag-isip nang matino. Sinikap niyang hindi gumalaw habang naghahanap ng puwedeng makapitan. Pero gayon na lang ang gulat niya nang biglang gum

