Matiyagang inakyat ni Lorenz ang puno ng fire tree upang putulin ang lubid na nakapulupot sa isang sanga nito habang ang kabilang dulo naman ay nakatali sa leeg ng bangkay ni Teng. Nang maibaba sa lupa ang bangkay ay matiyagang naghukay ang binata sa lupa gamit ang itak na dala. Tumulong na rin si Carylle. Wala silang kibuan habang naghuhukay ng paglilibingan ng bangkay ng butler. Nang ilang talampakan na ang lalim ng hukay ay inilagay na ni Lorenz si Teng dito. Si Carylle naman ay nag-ipon ng malalaking bato na ipapatong sa ibabaw ng libingan. Namupol din siya ng ilang ligaw na bulaklak upang ipatong sa punto. Halos tirik na ang araw nang makatapos silang dalawa. Pawisan, ipinasya nilang maupo muna sa mga nakausling ugat ng fire tree. Carylle broke the silence. “Noong nakaus

