CHAPTER 14

2435 Words

Bago umuwi ay napagkasunduan nilang dumaan muna sa kubo ni lolo Temyong upang ibalita sa matanda ang mga nangyari. “Sinabi ko naman na mag-iingat kayong mabuti. Ang kampon ng kadiliman ay mahusay mag-balatkayo. Napaglalangan ka niya ngayon, sana naman ay hindi na mauulit pa,” himig paninisi ng matandang albularyo sa kanya matapos marinig ang kanilang kuwento. “Nataranta kasi ako nang makita ko si Jude, lolo Temyong. Kahit umaasa akong buhay pa siya, iba siyempre iyong nakita mismo ng dalawa kong mata.” “Huwag kang padalos-dalos at lalong hindi dapat magpadala sa emosyon, diyan ka niya tatalunin. Isa sa mga dahilan kung bakit madalas ay natatalo ng mga kampon ng dilim tayong mga mortal ay dahil sa ating kahinaan.” “Mabuti na lang at hindi niya kami sinaktan, lolo,” sabat ni Lorenz

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD