Napakabilis ng mga pangyayari, ngayo’y nakaburol na si lolo Temyong at ang apong si Crystal naman ay nawawala. Himala namang biglang tumigil ang malakas na unos kagabi. Nabuo tuloy ang hinala na kagagawan lamang iyon ng engkantada. Sari-saring haka-haka ang kumalat sa buong baryo maging sa karatig-lugar. Sa mga sulyap na ipinupukol ng mga taga-baryo kay Carylle ay alam niyang may lihim na galit ang mga ito sa kanya. Kung hindi nga naman sila biglang sumulpot ni Jude sa lugar na ito, hindi mabubulabog ang engkantadang matagal-tagal na ring nananahimik. Bagamat nambibiktima pa rin ito, pawang mga dayuhan naman at hindi taga-roon katulad nang nangyari kay Teng, lolo Temyong at Crystal. Hindi sana mapapabuwis ang buhay ng minamahal at pinakikinabangang albularyo ng nayon. Hindi rin san

