Ilan araw ang lumipas at bukas na yung kasal.
Umaga akong nagising ngayon para magjogging wala pa din naman pasok kaya okay lang para may exercise naman yung katawan ko.
Bumangon na ako at pumunta ng banyo para maghilamos, pagkatapos nagbihis na ako at lumabas ng bahay.
Habang nagjojogging ako hindi ko maisip bakit ganon yung inakto ni xander. Napabugtong hininga na lang ako, wala naman yung ibig sabihin e.
Matapos ilan ikot nagpahinga muna ako at napagpasya na bumalik sa bahay para nagbihis at pumunta ng Mal, sinuot ko na lang gray t-shirt, blue jeans, black rubber shoes at blue cap.
Lumabas na ako at pumunta sa kwarto ni kuya renz, kumatok muna ako bago pumasok.
"Kuya?"
"Hmm?" Habang may binabasa na libro.
"Pahiram muna ng susi ng kotse mo."
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Sa mall lang."
"Nandyan sa side table ko." Sabi niya, lumapit ako sa side table at kinuha yung susi ng kotse at pumunta ng garahe. Sumakay na ako at pinaandar ito.
Makalipas ang ilan minuto nakarating na ako sa mall, nagpark muna ako at pumasok na sa loob ng mall. Napagdisisyon ko na pumunta muna ako sa department at nagikot-ikot. Bumili na ako ng mga culture na T-shirt at mga jeans. Nasanay na ako ganito sinusuot.
Nang mabayaran ko na, lumabas na ako at pumunta ng parking lot nang makasakay na ako sa sasakyan umalis na kaagad ako at umuwi ng bahay.
Pagkapasok ko pa lang sa bahay umakyat na ako at umakyat para matulog.
*Kinabukasan*
Ginising ako ni mommy kasi may mag-aayos daw sa akin.