Matapos nila akong ayusan tinignan ko yung sarili ko sa salamin at nasabi ko bagay ko pala pero hindi ako ngumingiti kasi mukha talaga akong napipilitan sa ginagawa kong ito.
"Tara na Leslie." Sabi ni dad at inilahad yung kamay niya tinanggap ko na lang iyon.
Sa judge lang naman kami ikakasal okay na siguro iyon, pagkarating namin tinignan ko lang si xander bumagay sa kaniya yung damit niya sa kaniya. Nag-umpisa na, kinakabahan ako ilan minuto natapos na yung mga sinasabi nila at pinaharap kami.
"You may now kiss your bride." Saad ng Judge.
Tinignan lang ako ni xander nilapit nya yung mukha nya at hinalikan ako sa pisngi. Matapos iyon ay lumabas na kami.
"I'll fletch you later lilipat na tayo sa bahay ko." Sabi niya.
Bumugtong hininga ako sabay tumango.
"Aalis na ako may pupuntahan pa ako."
"Saan ka na naman pumunta?" Nagtataka na tanong niya.
"Maglalaro." Maikling sagot ko at nagpaalam na rin ako kina mommy at mama at umalis doon.
Umuwi muna ako saka ako nagbihis, ayoko lang talagang magtagal doon.
Umalis na ako at pumunta ng part kung saan ako nags-skateboard, wala naman sigurong masama kay xander kung late akong uuwi ngayon.
Lumipas ang ilan oras ng may tumawag sakin na number lang.
*Calling Unknown Number*
"Hello?"
(Nasaan ka?!) Galit ng nasa kabilang linya.
"Nasa park." Sagot ko.
(Hintayin mo ako dyan susunduin kita!)
*End Called*
Feelikg ko tuloy kinakabahan ako, baka galit na naman iyon. Hindi baka dahil bakas talaga na galit siya, ilan minuto lang at dumating na siya.
"Uuwi na tayo." Sabi ni Xander.
"Mamaya na pwede kita mo ng naglalaro ako."
"Wag mo akong subukan, Leslie Dale!" Giit pero galit na sabi niya, sa pagkakataong iyon hinila na niya ako papunta sa sasakyan niya.
"Dahan-dahan naman!" Pero parang hindi niya ako pinakingan at sumakay na rin siya tapos humarap siya sakin.
"Uuwi na tayo! Kaya pwede manahimik ka na lang dyan!"
"Pwede naman kasing mamaya pa!" Nakabusangot na sabi ko.
"Gabi na! Sa tingin mo sinong matinong babae ba na nakalabas pa ng gabi!"
Sa puntong iyon hindi ako nakasagot at tumingin lang ako sa bintana hanggang na sa byahe kaming dalawa.