CHAPTER 12

473 Words
Leslie Dale's POV Kakainis! Wala na akong nagawa kundi ang umayon sa kagustuhan ni Xander. Wala na akong magagawa dahil asawa ko siya. Humiga na ako saka tumingin sa kisame. Napaisip ko hindi naman niya kailangan na paghigpitan ako minsan sa katunayan lang ginagawa ko lang iyon para maenjoy ko yung sarili ko, saka naisip ko na itong kwarto mas okay kasi maganda na kulay white ito para simpleng tignan, hindi tulad ng ibang kwarto dito sa bahay niya. Kung saan na lumilipad ang isipan ko hanggang sa nakatulog na ako. *KINABUKASAN* Pupunta muna ako sa Mall para bumili ng halos ng white na shirts kasi gusto ko talaga sa white para mukhang malinis tignan. Nagbihis na lang ako ng long sleeve na kulay white, short shorts na kulay black at converse na kulay white. Okay na siguro ito bulong ko sa sarili ko. Lumabas na ako sa kwarto saka bumaba, pagkababa ko naabutan ko siya sa sala na nakaupo saka napadako yung tingin niya sa akin sabay kunot-noong tumingin sa akin. "Saan ka pupunta?" Nagtataka na tanong niya. "Diyan lang sa mall may bibilhin lang. Can I barrow your key?" Hindi na ito nagtanong pa saka binigay yung susi ng sasakyan niya “Mag-iingat ka.” Sabi nito, lumabas na ako. Pagkalabas ko pumunta na ako sa garahe para kunin yung kotse saka na ako nagmaneho papuntang mall. Pagkarating ko pa lang pumasok na kaagad ako at naglibot muna para hindi masayang yung oras ko. Makalipas ang ilan oras bumili na rin ako ng mga bagong damit ko, saka bumili na din ako ng pagkain para sa amin. Nang nakarating na ako sa bahay nakaupo pa din sya at nanonood ng kung ano-ano. "Xander ito bumili ako ng pagkain natin mamaya." "Pakilagay na lang dyan." nilagay ko na saka umakyat sa taas para magpahinga. Mamaya ko na aayusin yung mga damit na binili ko. Nakakapagod sobra. *** Pagkagising ko bumaba na ako dahil oras na rin naman. Pagkababa ko nakita ko si xander na nakaupo pero nakapikit at mukhang matamlay, kaya nilapitan ko siya, nilagay ko yung kamay ko sa leeg niya mainit siya. "Xander." Tawag ko sabay tapik ko sa kaniya pero mahina lang. "Hmmm." Ungol nito. "Tumayo ka na muna saka ka pumunta sa kwarto mo." Sabi ko at sumunod naman siya. Ako naman kumuha ng palanggana at towel saka katamtaman na tubig, atsaka na ako umakyat patungo sa kwarto niya. Pagkapasok ko nakita ko siya na nakahiga kaya lumapit ako at umupo saka siya inumpisahan punasan sa katawan. Sobrang init niya, pabaya din itong lalaking ito. Pinalitan ko na rin yung damit niya para komportable siya. Pagkatapos ko siyang pinunasan at binihisan yumuko ako para halikan siya sa noo. "Please get well soon." Bulong ko bago ako yumukod para magpaantok. Siguro dito muna ako hanggang sa maging okay siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD