bc

This Is I Promise You

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
HE
escape while being pregnant
second chance
bxg
sassy
addiction
actor
like
intro-logo
Blurb

ISANG sikat na aktres si Cielo Morales—isang nepo baby na lumaki sa ilalim ng anino ng mga magulang niyang kapwa sikat na artista noong kanilang kapanahunan.

Sanay siya sa spotlight. Sa camera. Sa mga matang laging nakamasid.

Hanggang sa isang araw, isang eskandalong video na kinasasangkutan niya at ng dati niyang ka-love team ang tuluyang gumiba sa mundong kinalakihan niya.

Iyon ang naging dahilan para talikuran niya ang showbiz at tuluyang mawala sa paningin ng publiko.

Sa isang tagong isla, sinubukan ni Cielo na magsimula muli—malayo sa ingay ng kamera, sa mga intriga, at sa pangalang Cielo Morales.

Doon, nakilala niya si Shiela Malanday—ang pangalang pinili niyang gamitin para mamuhay bilang isang ordinaryong babae.

At doon din niya nakilala si Maximo Morales.

Isang simpleng lalaki. Tahimik. Walang pakialam sa mundo ng showbiz.

At higit sa lahat, ang tanging lalaking nakilala niya na hindi alam kung sino siya.

Sa unang pagtatama ng kanilang mga mata, may kakaibang bagay na naramdaman si Cielo—isang damdaming hindi niya maipaliwanag at hindi niya kailanman inasahang mararanasan sa isang lugar na pinuntahan niya para takasan ang lahat.

Pero hanggang kailan niya kayang panindigan ang buhay na itinayo niya sa piling ni Maximo?

Paano kung isang araw, matuklasan nito ang buong katotohanan tungkol sa kaniya?

At paano kung ang pagkakapareho ng apelyido nilang Morales ay hindi lamang isang simpleng pagkakataon?

Sa pagitan ng lihim at katotohanan, ng nakaraan at bagong buhay…

Mapapanindigan kaya nila ang pangakong hindi nila iiwan ang isa't isa—kahit ang katotohanan mismo ang maging dahilan para magkahiwalay sila?

chap-preview
Free preview
Chapter One
THIS IS I PROMISE YOU “CIELO! CIELO, PLEASE. DON’T DROP THE CALL! NASAAN KA NA? KANINA PA KITA HINIHINTAY, CIELO…” Narinig ko ang boses ni Kris—ang kaibigan ko at naging personal assistant ko sa mahabang panahong nasa showbiz ako. Siya ang humahawak ng lahat para sa akin. Calls, interviews, appointments… lahat. Heto nga at dapat ay may exclusive interview ako ngayong araw sa isang sikat na Sunday talk show. Live pa. Pero hindi ako dumating. Para saan pa? Para kanino pa? Pinaniwalaan na ng mga tao ang gusto nilang paniwalaan. That damn scandal. Napapikit ako habang muling bumalik sa isip ko ang lahat. Ang mga headlines. Ang mga tingin ng tao. Ang mga bulong na hindi ko na mabilang. “Cielo, makinig ka sa akin…” Patuloy si Kris sa kabilang linya. “Magiging maayos din ang lahat. Haters gonna hate. But I know you. I know you better than they do. Hindi mo magagawa ’yon. I know you wouldn’t.” Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. “I'm not coming back, Kris…” Tahimik akong huminga bago muling nagsalita. “Ayoko na sa buhay na ’yan. Ayoko na ring pag-usapan pa. I’ve spent so many years standing on my own, pretending I was okay when I wasn’t.” Napalunok ako. “Pagod na pagod na ako, Kris. Pagod na akong ako lang ang umaayos ng sarili ko every time everything falls apart. Pagod na akong magpanggap na kaya ko kahit ang totoo… matagal na akong nauubos.” Huminga ako nang malalim. “I’m sorry… pero this time, I have to choose myself. Kailangan ko namang umalis sa lugar na matagal nang nagpapahirap sa akin.” Nais kong maintindihan niya. Nais kong maramdaman niya kung gaano na ako kapagod. Matagal ko nang gustong iwan ang buhay na ’to. Matagal ko nang gustong makalayo sa lahat. Kung hindi lang dahil sa mga pangalan ng mga magulang ko—mga pangalang ayaw kong madungisan dahil sa akin—baka noon ko pa ginawa. Kahit sabihin pang tama si Kris… Kahit sabihin pa niyang hindi ako ang babaeng nasa video… Kahit ilang beses ko pang ipaliwanag na hindi ko kayang gawin iyon… People won't believe me. Dahil gaya nga ng sinabi ko—pinaniwalaan na nila ang gusto nilang paniwalaan. At wala na akong kailangang patunayan sa kahit kanino. Mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa kahit sino. And that damn bastard— Zacharias. Siya ang dapat managot sa lahat ng ito. Napakawalanghiya niyang tao. May galit pa ring nanatili sa mga mata ko habang nakatuon ang tingin ko sa labas ng bus. Hindi ko namalayan na nakahinto na pala kami sa terminal. Ito ang lugar na pinili kong puntahan. Batanes. Ayon sa sinabi sa akin ng konduktor kanina, kailangan ko pa raw sumakay ng tricycle papunta sa port. Mula roon, sasakay ako ng bangka patungo sa Isla ng Liwayway. Tiningnan ko ang cellphone ko. Pasado alas-siyete na ng umaga. Mula Manila, alas-nuwebe pa ako umalis. Napabuntong-hininga ako bago nagpasyang tumayo. Kinuha ko ang maleta ko sa compartment ng bus at bumaba. Pagkababa ko, agad kong nilibot ang paningin ko sa paligid. Abala ang mga tao sa terminal. May mga nagtitinda ng iba’t ibang delicacies, souvenirs, at kung anu-ano pang pagkain na hindi ko na matukoy ang pangalan. Napatingin ako sa kaliwa ko nang mapansin ang iba't ibang klase ng kakanin. Bigla akong napangiti. Kumalam ang sikmura ko. Napaisip tuloy ako. Ano nga bang oras ang huli kong kain? Hindi ko na maalala. Basta ang alam ko… Okay na ako. Nandito na ako. At hindi ko ito pagsisisihan. Inayos ko ang salamin ko sa mata bago inayos ang scarf na nakapulupot sa leeg ko. Nasa dulo na ako ng Pilipinas. Wala naman na sigurong makakakilala sa akin dito. How I wish. Napahinto ako sa paglalakad nang biglang maalala ang ID na pinagawa ko. Dahan-dahan ko itong kinuha at tiningnan. Shiela Malanday. Iyon na ang pangalan ko ngayon. O dapat kong sabihin… Iyon na ang pangalan na kailangan kong panindigan. Tinitigan ko ang ID nang ilang segundo bago ako napangiti nang mapait. Goodbye for now, Cielo. Hindi ko alam kung kailan kita babalikan. But for now… kailangan muna kitang kalimutan. I have to. Mula sa sandaling iyon, kailangan kong panindigan ang pagbabagong matagal kong pinag-isipan. Bagong lugar. Bagong buhay. Bagong pangalan. Sa islang pupuntahan ko, iiwan ko muna ang lahat ng bagay na kumilala sa akin bilang si Cielo Morales. At doon… Ako si Shiela Malanday. Walang artista. Walang scandal. Walang camera. Walang nakaraan. Just me… starting over. At kung ano man ang kahihinatnan ko sa isla na iyon.. Paninindigan ko dahil pinili ko ito. Pinili kong iwan ang buhay na mayroon ako bilang si Cielo. Sikat. Iniidolo. Pinapalakpakan. Sa mata ng lahat, parang wala na akong dahilan para talikuran ang buhay na pinapangarap ng karamihan. Pero hindi nila alam kung gaano kabigat ang maging ako. Dahil sa likod ng bawat ilaw ng camera, bawat ngiti sa harap ng mga tao, at bawat palakpak na natatanggap ko, may kasamang inggit, panghuhusga, at walang katapusang paninira. At nang sumabog ang iskandalo… parang biglang nagbago ang lahat. Isang video lang. Isang pangalan. Isang paratang. At sa isang iglap, nakalimutan nila ang lahat ng taon na pinaghirapan ko. Hindi na nila ako nakita bilang si Cielo na kilala nila noon. Para sa kanila, ako na lang ang babaeng nasa video. Kahit paulit-ulit kong sabihin na hindi ako iyon, tila wala nang gustong makinig. They had already chosen what to believe. At doon ko naintindihan kung gaano kadaling mahalin ka ng mga tao kapag nasa itaas ka—at kung gaano kadali nilang talikuran ka kapag may pagkakataon silang hilahin ka pababa. Kaya pinili kong umalis. Hindi dahil wala na akong laban. Kundi dahil napagod na akong ipaglaban ang sarili ko sa mga taong ayaw naman akong paniwalaan. Sa pagkakataong ito, hindi ko gustong maging si Cielo. Gusto ko lang maging ako. Malayo sa camera. Malayo sa ingay. Malayo sa mga taong nakatingin sa akin na parang kilala nila ang buong pagkatao ko. At higit sa lahat… malayo sa iskandalong halos burahin ang pagkataong ilang taon kong binuo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yüzbaşının Cerrahı

read
1.8M
bc

The Silver Wolf

read
669.8K
bc

The Billionaire’s Intern

read
1.2M
bc

Chosen, just to be Rejected

read
924.8K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
1.2M
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.3M
bc

Unscentable

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook