kinaumagahan, nagising si Christine habang si Gerald ay mahimbing pa rin ang tulog. Pinagmasdan niya ito at hinawakan ang ilong... “Why so handsome?” mahina niyang tanong sa natutulog na si Gerald. Hinalikan niya ito sa noo at binati kahit na tulog. “Good morning, Babe,” aniya. Bumalikwas siya sa higaan at bumaba rito. Nagtali muna ng buhok gamit ang panali na nasa side table. Tumayo siya at nagsimulang mag-unat ng mga buto pagtapos no’n ay mabagal siyang tumakbo papunta sa banyo para maka-ihi. Nang matapos na siya ay dumiretso ito sa kusina para makapag-luto ng agahan. Kinuha niya ang mga frozen goods na nasa refrigerator; ang hotdog, tocino, bacon at ham. Iniwan niya muna ito sa lababo para tanggalin ang pagkatigas ng mga pagkain habang nakababad sa tubig. Habang naghihintay ay kin

