Nang matapos na silang kumain ay tumayo si Christine at tinignan ang laman ng refrigerator. Nakatitig lang sa kaniya si Gerald. Isa-isang tinignan ni Christine ang mga pagkain na nakalagay doon. Napanguso siya nang walang itong nakita na ice cream. Nilingon niya si Gerald. “What?” tanong ni Gerald. Hindi sumagot si Christine at umupo na lang sa sofa. Tumayo na si Gerald at pumunta sa sofa para doon maupo sa tabi ni Christine. Nakanguso pa rin ang dalaga kaya naman nagtanong muli ang kaniyang nobyo “Ano ba iyon?” aniya. Lumingon si Christine kay Gerald na may lungkot sa mukha. “Walang ice cream,” sambit ni Christine. Nagpigil ng tawa si Gerald. Napahawak sa kaniyang ulo habang nakasandal ang siko nito sa tuktok ng sofa. “Why? Wala namang nakakatawa doon,” turan ni Christine. “

