Biglang tumawa si Joyce sa kwento na ibinahagi ninChristine sa kaniya. “What’s so funny about that incident?” tanong ni Christine. “The story itself, it’s has a little bit touch of drama,” natatawang sagot ni Joyce. Sumandal sa upuan si Joyce at tinignan ng nakakaawa kay Christine. “Wala bang mas gaganda sa paggawa mo ng kwento?” tanong pa ni Joyce. Naging seryoso ang itsura ni Christine. “Like what you’ve said, nagbalik na ang alaala mo so sana pinaganda mo man lang ang story mo,” saad ni Joyce. Nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha ni Christine. “Paano naman kaya kung ikaw ang magkwento ng sinasabi mong nakita mong nangyari?” turan ni Christine. Umayos ng upo si Joyce at hayagan na nakipagtitigan kay Christine. “Sounds great! Where should I start? From the time you pushed her o

