Agad nakiusap si Christine na makausap ng pribado si Joyce ng walang surveillance camera at microphone na nakabukas. “Sige po, pero saglit lang po, mga limang minuto,” wika ng chief of police na nakausap nila. Laking tuwa ni Christine nang payagan siya nito. “Thank you, Sir!” bulalas ni Christine. Hinigit naman siya ni Gerald bigla. “Are you sure you’re going to talk to her?” tanong nito. Hinawakan ni Christine ang kamay ni Gerald at nangiti. “Yes,” aniya. Pumasok na sa interrogation room si Christine at doon nakita ang nakasuot ng posas sa kamay na si Joyce. Ngumiti si Joyce nang makita ang pagdating ni Christine. “Nandito ka na rin sa wakas,” wika ni Joyce. Naupo na sa tapat ni Joyce si Christine. “Yeah, nandito na ako,” sambit ni Christine. Humagalpak sa tuwa si Joyce. “Yo

