Nasa presinto na sila at agad na hinanap si Joyce ngunit pagdating nila ay wala na roon si Joyce. “Huh? Nakapagpiyansa siya?” Hinding makapaniwala na tanong ni Gerald sa mga pulis. “Opo, Sir! Wala pa naman po kasing sinasampang kaso kaya nakapagpiyansa pa po,” sagot ng pulis. Alam nila na makakapagpiyansa agad si Joyce dahil nga sa may kaya naman ito pero ‘di nila inaasahan na hindi nila ito maabutan. “Sino po nagpiyansa sa kaniya? Si Jaeryll Ignacio ba?” tanong ni Christine. Nagtaka at nagulat si Gerald sa tanong ni Christine. “Hindi po, si Mr.—” Tumingin sa log book ang pulis para mabanggit ng maayos ang pangalan ng nagpiyansa, “Mr. Richard Robertson and his relationship with the accused is Fiancé,” sagot ng pulis. Hindi makapaniwala ang magkasintahan sa narinig. Hindi nila lubos

