Hindi inilagay sa speaker ni Mr. Robinson ang kanilang pag-uusap. Tahimik lang na naghihintay ang ibang tao sa kung ano ang napag-usapan. “I want to asks about your works,” saad ni Mr. Robinson. Seryoso lang siyang nakikipag-usap sa kabilang linya. “Yes, your paintings,” wika pa ni Mr. Robinson. “Yes,” aniya. Ngumiti si Mr. Robinson ng nakataas pa ang dalawang kilay. Senyales na nakuha niya sa magandang usapan ang pagbebenta ng mga art works. “Well, see you,” aniya. Iyon ang huli nilang pag-uusap saka humarap sa mga taong naghihintay si Mr. Robinson. Iniabot nito ang cellphone ni Imee at malaking ngiti na nakakaloko ang ibinagay kanila Christine. Christine crosses her arms. “What did she say?” tanong nito. Naglakad ito pabalik sa kaniyang kina-uupuan bago nito kausapin si Joyce.

