Lumabas na sila Mr. robinson kasama sina Joyce at Imee. “I can’t believe it,” bulalas ni Mr. Robinson na hindi makapaniwala sa nangyari. Nagsalita rin naman si Imee na masamang nakatingin kay Joyce. “Hindi rin ako makapaniwala sa iyo, Joyce,” wika ni Imee. “Whoa, calm down,” sambit ni Joyce habang sumesenyas pa kay Imee. “How can I calm down, if I heard that?” giit ni Imee. Napasinghap si Joyce. Hindi nito alam kung papaano niya papa-amuhin muli si Imee. “I was just teasing, Miss Christine,” direktang sagot ni Joyce. Nakatingin ito ng tuwid kay Imee para mapakita sa dalaga na nagsasabi siya ng totoo. Hindi pa rin naniniwala si Imee sa sinasabi ng katrabaho. “Talaga ba? Kaya pala napapansin ko na iyon,” tugon ni Imee. Nasampal naman ni Joyce ang kaniyang noo. “Oh crap! Those sig

