Nagpaalam na si Gerald at umuwi sa kanilang bahay. “Babe, uwi na muna ako,” saad ni Gerald. “Ah, sige! Mag-iingat ka sa pagmamaneho,” tugon ni Christine. Humalik sa pisngi ni Christine si Gerald at sabay kumindat. “See you tomorrow,” wika ni Gerald. Ngumiti si Christine at tumango. “Aling Conching, mauna na po ako!” sigaw ni Gerald. Sumigaw din si Aling Conching dahil siya’y nasa hardin at nagdidilig ng mga halaman. “Halika na, at ikaw ay aking pagbubuksan ng gate!” sigaw ni Aling Conching. Natawa ang magkasintahan dahil sa edad ni Aling Conching ay kaya pa nitong sumigaw ng malakas. “Hatid na kita,” sambit ni Christine. “Huwag na, dumiretso ka na agad sa kwarto mo at magpahinga,” saad ni Gerald. Napasimangot si Christine kaya naman natawa si Gerald at ginulo ang buhok ni Chris

