Ngayon ay nasa kaniyang silid na si Christine. “Paano ko ba maalala iyon?! Mahigit dalawang dekada na ang nakakalipas,” she says. Frustated na na si Christine at ‘di alam ang gagawin para manumbalik ang kaniyang alaala gaya ng memorya niya labinlimang taon na ang nakakaraan. “Biglaan lang naman at paunti-unti iyon, baka ganoon rin ang tungkol kay mama,” wika niya. Napasimangot siya ng ‘di siya kumbinsido sa kaniyang sinabi at nagtalukbong ng kumot. “Anong oras na ba?” tanong niya sa kaniyang sarili. Inalis niya ang kumot na nakataklob sa kaniya at kinuha ang cellphone sa gilid ng higaan. “Alas dos na pala, makapunta na nga lang muna sa bangko para makapag-withdraw,” wika niya. Bumangon na siya ng tuluyan at naligo para makapunta na sa bangko. Nang matapos siyang maligo ay nagsuot

