Nakarating na sa kanilang hotel room sina Christine at Gerald. Agad na naupo at sumandal si Christine sa sofa. “What do you like for dinner?” tanong ni Gerald. Nasa kusina ngayon si Gerald. Doon ito dumiretso para uminom ng tubig. “Tocino,” sagot ni Christine. Napatigil si Gerald. Alam niya na maaring kainin ang tocino sa gabi pero ngayon lang nag-request si Christine ng ganoon na ulam. “Tocino?” aniya. Nakapikit na si Christine habang nakasandal sa sofa. “Mmm, oo,” sagot ni Christine. Sumilip sa sala si Gerald at nakitang nagpapahinga na si Christine dahil sa pagod. “Sige, I’ll call some room boy,” wika ni Gerald. Ibinalik niya sa loob ng fridge ang pitchel at inilagay naman sa lababo ang baso. Tumabi siya kay Christine at kinuha ang telepono para tumawag. Agad naman na sinago

