Nasa loob na kami ng banyo ni Alexa. Umihi ako habang siya’y nasa harapan ng salamin. Bigla niya akong tinanong tungkol kay Jaeryll. “Anong tingin mo kay Jaeryll?” aniya. Hindi muna ako sumagot, hininhintay ko ang sunod na mga salita na manggagaling sa kaniya “Sa tingin mo ba ay maaring maging kami?” aniya. Tumayo na ako at nag-flash ng toilet. Binuksan ang pinto at naabutan ko itong naghihintay sa akin. Ngumisi ako, yung pang-asar na ngisi habang naghuhugas ng kamay sa lababo. “Bessy, answer me!” Nanggigil na ito dahil sa tagal kong sumagot Tumawa ako, “Teka lang kasi, excited?” Nagpagpag ako ng aking mga kamay at pinatuyo iyon, “Alam mo...” Humarap ako sa kaniya, hindi ito makapaghintay sa sasabihin ko, “Okay naman siya, as long as hindi ka niya sasaktan,” giit ko. Napabuga nama

