“Bakit ka bumalik dito?” tanong ni Gerald sa akin. Umupo ako sa tabi niya at inilapag ang mga dala ko para sana sa amin ni Alexa. “Tulog na si Alexa nang datnan ko sa kwarto,” sagot ko. “Buti naman nakatulog na iyon,” sambit ni Jaeryll. “Kaya nga, mabuti na lang talaga,” tugon ko. “Bukas pupuntahan ko yung flowershop,” wika ni Gerald. “Oo, sige, samahan kita,” sambit ko. Tumayo ako. Lumapit ako sa mga bulaklak na ngayon ay nandito pa sa loob ng silid namin. “Who are you?” tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang mga chrysanthemums. Hinawakan ko ang mga bulaklak. Hindi ko alam kung anong mararamdanan ko kung malaman ko ang tunay na nangyari labinlimang taon na ang nakakalipas. Bigla akong niyakap ni Gerald. Nabigla ako. “Oh,” I gasped. Gerald chuckles, “You jump out start

