Chapter 28

1362 Words

Ala-una na pasado. Nakarating na kami sa condo nila Alexa at Alexis. Diret-diretso lang kami, batid kong nagagalit si Alexa. Alam ko iyon, dahil iyon ang naging problema ng pamilya nila na muntik nang humantong sa paghihiwalay ng kanilang magulang. “Alam mo ba kung saan?” tanong niya kay Alexis. Umiling ito. “Hindi pa, ina-alam ko pa lang,” sagot sa kaniya ni Alexis. Ngayon ay nasa silid kami ni Alexis, naka-upo ito roon at busy sa paghahanap sa kanilang Ama through GPS. “Ang tagal mo naman na hanapin,” sambit ni Alexa. Kung pagbabasehan ko ang kaniyang pananalita, mahahalata na naiinis na si Alexa. “Gusto mo bang ikaw na ang maghanap?” tugon ni Alexis. Inikot lamang ni Alexa ang kaniyang mga mata. “Okay, I get it,” aniya. Hinawakan ko ang kamay ni Alexa na siya niyang kinabigla.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD