“Nako Ma, huwag kang maniwala kay Papa, hindi ko po iyan manliligaw,” saad ni Imee. Sumilip ang kaniyang ina kay Jaeryll na ngayon ay mahinang tumatawa. “Ay nako, Imee, kasasabi lang nitong binata na ito na nais niyang manligaw sa iyo,” pahayag ni Mang Juanito. Naka-akbay naman ang ama ni Imee kay Jaeryll at malaking ngiti ang ibinabalandra sa kanila. Napasimangot si Imee dahil alam niyang nililigawan ni Jaeryll ang kaibigan ng amo niya. Inilapit nito ang mukha niya sa kaniyang ina. “Huwag mo na lang silang pansinin, Ma,” bulong niya. Sumagot naman ang kaniyang ina. “Grabe naman, napakagwapo naman ng manliligaw mo,” bulong din ng mama niya. Namula naman si Imee. “Kita mo iyan? Pulang pula na ang mukha mo,” wika pa ng kaniyang ina. Umiling-iling si Imee at itinatanggi ang paratan

