bc

His Secret Heirs

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
opposites attract
powerful
drama
bxg
mystery
loser
campus
another world
assistant
like
intro-logo
Blurb

How big is the possibility of being pregnant with a stranger's baby? Not just one but quintuplets.

Its been five years since the guy who you just had a one night stand with crossed your paths again. He can't remember you but you clearly remember him. How could you forget about him? He just impregnated you in just one sinful night. As your paths crossed again, everything turned upside down. As much as Summer wants to avoid the problem that Carius might cause she just couldn't definitely escape from his existence.

chap-preview
Free preview
PROLOUGE
Do you believe that there are two sides of love? A type of love where that person can be your greatest pain but is also your greatest love; where it can be your source of strength. And the type of love where in you'll have to let go of everything for the sake of the other person— the sacrificial love. " Sam, ire pa. Malapit na ,ito na 'yung ulo ng bata!" Halos habol ko na ang hininga ko at ramdam ko na ang sakit pero hindi ko ito inalintana. Kailangan kong mailabasa ang bata. Makaraan lamang ang ilang segundo narinig ko na ang tunog ng iyak ng isang sanggol. Dito lamang ako nabunutan ng tinik sa aking dibdib at tila lahat ng iniinda kong sakit ay nawala dahil lamang sa munting tinig na iyon. Nginitian ako ng kumadronang nag pa-anak sa akin at ibinalot ang sanggol na lalaking dala dala nito. Maya-maya pa ay dahan dahan niyang inabot ito sa akin. Marahan ko iyong kinuha sakaniya at pinakatitigan ito. Maliit pa lamang ito pero makikitaan mo na ng kagisigan lalo na sa matangos na ilong nito. Hinaplos ko ang matambok at malambot na pisnge nito, marahan naman itiong gumalaw na ikinainit ng puso ko. "Ang gwapo ng anak mo, Sam."Sabi nito habang nagpupunass ng pawis. "Salamat po," tumingin din ito sa sanggol na dala-dala ko bago kuhanin ang crib na naglalaman pa ng apat na sanggol. Dito lamang nag sink-in ng tuluyan ang nangyari ngayong araw. Iniluwal ko ang limang anghel na ito sa harapan ko ngayon. "Bilib ako sa'yo, Sam. nakaya mo ang limang anghel na ito." Kahit ako ay hindi ko akalain. Nung buntis ako marami na akong pag aalinlangan kung itutuloy ko ba o hindi ang pag bubuntis ko. Dahil hindi lang naman isang bata ang dinadala ko sa sinapupunan ko kundi LIMA! Kaya sobrang nag papasalamat din ako kay Yna na siyang naging midwife ko at sa attending OB ko nung mga panahon na ipinagbubuntis ko ang mga batang ito. Kaunti lamang ang tanda sa aking ni Yna kaya hindi na kinakailangan ng masyadong pormal na tawagan. " Salamat. Hindi ko alam kung paano na kami ng mga bata kung hindi mo rin kami tinanggap." Tinignan ako nito at umupo sa tabi ko, patuloy pa rin ito sa pagmasid sa apat na sanggol sa crib bago muling nag salita, " Hindi sa nanghihimasok ako ha? Pero nasaan ang ama ng mga bata? Simula nang dumating ka rito ay hindi ko pa siya nakikita. Concern lamang ako sa'yo at sa mga batang ito, hindi biro magpalaki ng limang bata." Panandalian akong nanahimik. Hindi ko alam paano ako sasagot,sa tanong niya, dahil ako mismo hindi ko alam kung nasaan ang ama ng mga batang ito. Tipid akong ngumiti, " Wala siya ngayon kasi nasa ibang bansa. May inaasikasong trabaho roon." Totoo namna, huling balita ko sa lalaking iyon ay nasa ibang bansa, hindi ko lang alam kung saan eksatong nasaan ito o kung kumusta na ito dahil ako na mismo ang lumubay dito. Hindi rin naman na ako nagtangkang sabihin sakaniya ang tungkol sa anak namin sa personal na dahilan. "Osiya sige, kakayanin mo ba umuwi?" hindi na ito muling nagtanong pa tungkol sa ama ng mga bata. Tumango ako, "Pakitawagan na lang si ate magpapasundo ako." Dito na lamang ito tumayo at pagkuwan ay narinig ko na ang boses na may kausap sa telepono na nasisigurado ko na si ate ang kausap niya. Wala pang isang oras ay narinig ko na ang pag bukas ng pinto ng kwarto ko at iniluwal ang nag aalalang kapatid ko. Halos hindi na maipinta ang itsura nito. " Sam naman! Bakit hindi mo ako tinawagan agad na manganganak ka na pala? Baliw ka ba?" Napangiwi na lang ako sa bungad na sermon nito. May pagka-OA talaga ito. " Okay na ako ate saka tignan mo mga pamangkin mo. Cute nila ano?" Dito lamang natuon ang pansin nya sa mga sanggol. Agad na nilapitan niya ang mga ito sa crib at isa isang hinawakan. Maya-maya pa ay kumuha na ito ng phone at sandamakmak na ang kinuhang litrato sa mga ito. Natigil lamang ang pang gigil niya sa mga ito ng may tumawag. Napahalukipkip naman ako nang tignan ako ni at, dahil mukhang kilala ko na kung sino iyon. Nagpaalam ito saglit at tumango lamang ako. Hindi naman nagtagal ito at bumalik din, hindi katulad kanina ay medyo matamlay na ito. "Hinahanap ka ni mommy at mga apo niya," sa halip na sumagot ako ay nanatiling tahimik lamang ako. "Sam~" pinutol ko na agad siya. " Ate huwag muna ngayon please," wala na itong nagawa kundi bumontong hininga. Tumayo na ito at nagsimulang tulungan ako sa pag aayos ng gamit. Tumigil ito nung palabas na ito ng pinto. " Magpahinga ka muna hanggang sa kailan mo gusto, kailangan mo 'yon para sa'yo at sa mga anak mo. Don't worry like before, hindi ko sasabihin kay mommy kung nasaan ka." Matapos iyon at tuluyan na ito lumabas. Nakita ko pa ang pag kausap nito kay Yna bago dumeretso sa sasakyan. Pumasok muli sa kwarto si Yna ng may ngiti sa labi. "Mag iingat kayo sa byahe, balik kayo rito kung may problema." Lumapit ito at niyakap ako, ginantihan ko ang yakap nitp at nagpasalamat muli. Sa byahe ay wala akong ginawa kundi tanawin ang labas ng bintana, habang tinatahak ang kahabaan ng kalsda. Hindi ko alam kung paano ako mag sisimula, kung anong gusot sa buhay ko ang una kong aayusin. Pero katulad ng sinabi ko sa sarili ko noon, kakayanin ko para sa mga anak ko. Naramdaman ko ang pag pisil ni ate sa aking kamay, tipid na ngiti ang ibinigay nito sa akin at ganoon din ang naging ganti ko sakaniya. I know she's also having a hard time when she's with me, because she is torn between me and our mom. But still thankful for her for always being by my side. And like what I have promised myself before, I'm willing to be selfless again for her, and for my babies.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.5K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.5K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook