KEN’S P.O.V.
Hindi pa rin kami nag-iimikan ni Keira kahit nang matapos na kaming mag set-up ng tent na nirentahan namin sa bungad ng beach resort. Bukod sa walang kuryente ay wala ring cottages na pwedeng rentahan. Bale puro tent lang talaga ang pwedeng tulugan habang nandito ka sa resort na `to.
Iisa lang din ang tindahan na nag o-operate sa loob ng beach resort na luckily ay halos kompleto naman sa basic necessities. Bagama’t maituturing na secluded ang Burot beach nagulat pa rin ako nang makitang maraming tao ang nandito ngayon. And everyone doesn’t seem to mind na walang kuryente at mahirap ang mag CR dahil mayroon lamang tig tatlong comfort rooms for boys and girls. Pagdating nga namin kanina ay maraming tao ang nakapila sa mga designated comfort rooms.
Nang tignan ko si Keira ay tahimik pa rin siya habang nakahalukipkip na nakasandal sa kotse niya. She still won’t talk to me.
Hindi ako naniniwalang naiinis lang siya at hindi nagseselos. For me kasi, kapag may naramdaman kang inis, naroon na rin `yong selos. It may be big or small—but still, it is still selos. And I actually find it cute. Keira’s really cute when she’s jealous coz she won’t admit it verbally but her actions would speak for her.
Pero wala naman talaga siyang dapat ipagselos. Kinindatan ko lang naman `yong babae sa 7-Eleven because I’m happy that I’m with her—Keira. I was so happy that I wanted to people to notice it. And it’s like me saying, “Hey! I’m with the best girl in the world right now. And her name is Keira, you know.”
Pwede ko namang i-explain na lang sa kanya ang totoong rason sa likod ng kindat na `yon but I decided not to. Gusto ko pang alamin kung hindi nga siya nagseselos.
Sa tabi ng tent namin ay may babaeng mag-isang nagyoyosi. She’s probably in her early thirties. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang sigarilyong nasa bulsa ng shorts na suot ko. Habang lumalapit ako sa babae ay nakita kong pasimple akong sinundan ng tingin ni Keira.
“Hi!” bati ko sa babae giving her one of my best smile. “Pwedeng maki-sindi?”
Gumanti naman ng ngiti ang babae at inabot sa `kin ang hawak na sigarilyo. “Hello cutie boy. Are you with someone?” the lady has a twang.
“Oh, I’m with a friend,” sagot ko sabay tingin kay Keira. Napilitan namang ngumiti si Keira dahil kumaway sa kanya ang babaeng nasa tabi ko.
“Are you sure she’s just a friend?”
Tumingin ako kay Keira para malaman kung ano ang magiging reaksiyon niya. Pero mas pinili niyang mag-iwas ng tingin at magkunwaring may ginagawa sa cell phone niya. But I know too well that it was just for a show. Wala naman kasing signal dito sa beach na `to.
“Yeah, she’s just a friend,” sagot ko pagkakuwan.
Nakita kong naglinawag ang mukha ng babae bago inabot ang isang kamay sa `kin. “Oh, well then. I’m Miranda by the way. And you are?”
“Kenneth. But you can call me Kenny.”
“Kenny. That’s a really cute name. It suits you well,” compliment ng babae bago naagaw ang pansin ng isa pang babaeng kumakaway sa kanya. “I want you to know that I enjoy talking to you. But I have to go for now since my friend is calling me.”
“It’s okay, Miranda,” I said using my husky voice.
“I’ll see you around, Kenny boy.”
Nang makaalis si Miranda ay naglakad ako papunta sa direksiyon ni Keira. She’s still busy with her phone. Sumandal ako sa tabi niya at saka nagpatuloy sa paghithit sa yosing hawak ko.
“I think I’ll gonna enjoy this place,” wala sa sariling sambit ko sa kawalan.
“Of course you will, Kenny boy,” nanunuyang sagot ni Keira na idiniin pang mga katagang Kenny boy bago akmang aalis sa kinatatayuan niya. Pero bago pa man siya makahakbang may ay napigilan ko na siya sa isang braso ang pinned her against the car.
Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang sides niya samantalang gahibla na lang ang agwat ng mukha naming dalawa. I can see jealousy in her eyes and I like it… so much. So much that I wanted to touch her and kiss her and hug her—but not until she tell me that she’s actually jealous.
“Where do you think you’re going?”
“Maghahanap ng ibang friend,” she said stressing the word friend.
Nang akmang ilalayo niya ang tingin sa `kin ay mabilis na hinawakan ko ang magkabila niyang psingi at muling hinarap sa `kin. “Umamin ka nga, Keira. Ano ba talagang kinagaganyan mo? You said you’re not jealous—”
Naputol ang anupamang sasabihin ko nang bigla na lang patahimikin ni Keira ang bibig ko sa pamamagitan ng isang halik. Pero saglit na saglit lang ang halik na`yon. Matapos ang halik ay naramdaman ko na lang ang isang kamao niya na sumusuntok sa dibdib ko. Pero halos walang lakas ang mga suntok niyang `yon.
“Nakakainis ka!” singhal niya sa `kin. “Fine! Nagseselos ako. Nagselos ako d’on sa babaeng kinindatan mo sa 7-Eleven at nagselos ako kanina-kanina lang.”
Buhat sa narinig ko ay kinabig ko siya at hinayaang sumubsob sa dibdib ko. Ilang segundo pa lang kami sa ganoong posisyon ay naramdaman ko nang yumuyugyog ang balikat ni Keira. Bahagya ko siyang inilayo sa `kin at pinunasan ang mga luhang mabilis na namalisbis sa ga pisngi niya.
“Hey! Walang rason para magselos ka. If it’s not yet obvious to you, I am so happy that I’ with you right now, Keira. And to tell you honestly, I am so glad that I get to spend this vacation with you,” sincere na saad ko sa kanya. “Can you forgive me now kahit wala naman talaga akong kasalanan?”
Nang tumingin lang siya sa `kin at hindi nagsalita ay lumuhod na ako at hinawakan ang isang kamay niya. It’s corny I know but her, sometimes we have to be corny to win the heart of the girl that we like. And at this point, I’d like to say that I like Keira—so much. “Please?”
“Para kang tanga!” natatawang saad niya. “Tumayo ka na nga diyan.”
Masunuring tumayo naman ako’t hinawakan siya sa bewang niya. “So, pinapatawad mo na po ako?”
“Not until you kiss me—passionately.” And so Keira got a long passionate kiss from me.
Iyon ang tagpong naabutan ni Miranda at ng mga kaibigan niya. “Woooh! Good friends, eh?” This time ay totoo na ang ngiting iginawad ni Keira kay Miranda.