Pagbalik namin ni Ken sa cottage ay wala pa rin sina Hyori at Kenzo. Malapit nang mag alas-tres ng hapon. Nang tawagan naman ni Ken ang cell phone nila ay parehong unattended. Pagtingin ko naman sa phone ko ay nakita kong may text sa akin si Hyori.
“May pinuntahan lang daw sila. Hayaan mo na nga `yong mga `yon,” sabi ko.
Tumingin sa `kin si Ken. Kasalukuyan siyang nagbibihis at katatapos lang niyang maligo. “Ba’t naman kasi umaalis sila ng hindi man lang nagpapaalam? Tapos hindi pa matawagan phone nila. Buti sana kung hindi tayo magkakasama.”
Lumapit ako sa kanya at nangunyapit sa leeg niya bago ko hinagkan-hagkan ang leeg niya. Teasing him. “Galit ka na niyan?”
“Hindi ako galit. Pero kapag pinagpatuloy mo `yang ginagawa mo, baka may ibang magalit,” aniyang hinaklit na `ko sa bewang at isinubsob rin ang mukha sa leeg ko. I could feel his breath in my neck and it’s creating waves of wonderful sensations.
Pero bago pa man kami mauwi sa mainit na tagpo ay tumingala ako sa kanya’t tinitigan siyang maigi sa mga mata. He really has beautiful eyes. And I could stare at his eyes forever and I probably won’t mind.
“Gusto mong gumanti sa kanila?” tanong ko sa kanya na sina Hyori at Kenzo ang tinutukoy.
“Paano?”
Kumalas ako mula sa pagkakayapos niya at naupo sa gilid ng kama. “Pack your things and we’re leaving.” At pagkatapos n’on ay naging abala na `ko sa pagkalikot sa phone ko. Nag Google ako ng mga malalapit na resorts dito sa Matabungkay.
“Wow! This seems nice!” pinakita ko kay Ken ang beach na matatagpuan sa Calatagan, Batangas.
“Mukhang maganda nga,” napapangiting sagot niya. “Pero aalis tayo nang hindi man lang nagpapaalam sa mga kasama natin?”
“Well, sino ba ang naunang umalis nang umalis nang hindi nagpapaalam?” nakangising sagot ko sa kanya.
“You’re wicked girl,” ang tanging naisagot ni Ken sa `kin.
Ilang minuto pa ay tapos na kami sa pag eempake ng mga gamit namin. Matapos makapagpaalam sa caretaker ng cottage ay dumiretso na kami sa kinapaparadahan ng sasakyan ko. Moments later ay binabaybay na namin ang daan papuntang Calatagan kung saan naroon ang Burot beach.
Si Ken ang nagda-drive ng kotse habang nasa tabi naman niya `ko’t pinagpapatuloy ang pagbabasa sa travel blog about featuring the said beach. “Wala palang kuryente d’on,” I said. “Daan muna tayo ng tindahan or anything para makabili tayo ng flashlight, food and water.” It occur to me na wala nga pala kaming dalang pagkain ni Ken dahil sina Hyori naman ang nagbaon ng food supply namin.
“Okay, boss,” malakas na sigaw ni Ken na nakatutok pa rin ang mga mata sa daan. Umusog ako palapit sa kanya at sumandig sa balikat niya. In-open ko ang camera ng phone ko at mayamaya pa ay panay selfie na kaming dalawa. May moments din na bigla na lang haharap sa `kin si Ken at uungot ng kiss na pagbibigyan ko naman. Really, we’re like a couple with no formal relationship. Ang gulo, noh?
After more than thirty minutes of driving ay may nadaanan kaming 7-Eleven. Ipinarada ni Ken ang sasakyan sa tabi ng daan at bitbit ang kanya-kanya naming wallet ay pumasok kami ng naturang convenience store.
Si Ken ang may hawak ng basket habang ako naman ang namimili ng mga bibilhin namin. Una kong pinagdiskitahan ay ang mga de lata. Kumuha rin ako ng bread, junk foods at two liters ng tubig. Last na hinanap ko ay flashlight dahil wala ngang kuryente sa beach na pupuntahan namin. And the fact na walang kuryente doon ay sapat na upang mabuhay ang laksa-laksang excitement sa dibdib ko. Oh, how I love adventure.
Habang nagde-decide ako kung ilang flashlight ang bibilhin namin ay bigla na lang sumulpot si Ken sa tabi na saglit na nawala kanina. Nang lingunin ko siya ay nakita kong nagpipigil siya ng tawa habang may tinatagong kung ano sa likod niya.
“Ano `yang nasa likod mo?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
“Hulaan mo,” aniya.
“Korni mo. Ginawa mo pa `kong si Madam Auring. Ano nga `yan?” Nang hindi siya magsalita ay lumapit ako sa kanya at inabot ang kamay niya na nasa likod niya. Nang maabot ko ang kamay niya ay namula ang pisngi ko nang makita ang condoms na hawak niya.
“Ano’ng gagawin mo diyan?” I asked him furiously. Silly dahil ilang beses nang may nangyari sa amin at ngayon pa naalala ni Ken ang condoms.
“Wala naisip ko lang, if we’ll be stuck in a deserted island for another day, should we not need these?”
“Ikaw lang ang inaalala ko,” seryosong saad ko. I’ve read kasi somewhere na karamihan ng mga lalaki ay ayaw gumamit n’on. “Gusto mo bang gumamit niyan?”
Saglit na nag-isip siya bago inilapag ang condoms sa kalapit na estante. “Nah! Hindi masarap `pag may condom.”
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. “Seryoso?” curious pang tanong ko sa kanya.
Tinaas-baba lang niya ang kilay niya at pagkatapos ay inakbayan na ko’t hinila papunta sa counter. Pero bago pa man kami makalayo ay dinampot ko ulit ang condoms at pasimpleng nilagay sa basket na bitbit niya.
Nang ipa-punch na ang mga condoms ay nagtatakang tumingin si Ken sa `kin. Siniko ko siya’t nagkunwaring hindi natatawa. “Shut up!”
“There’s no way that I’ll use them,” pabulong na saad ni Ken.
“Sino ba may sabi sayong para sa `yo `yan? Ilalagay ko `yan sa wallet ko at pampa-swerte raw `yan.”
Bago pa man ako makakuha ng pera sa wallet ko ay may inabot ng card si Ken sa cashier na nasa counter. Credit card perhaps.
“Kahit naman hindi ka maglagay ng ganyan sa wallet mo, maswerte ka pa rin kasi you’re with me,” natatawang saad niya.
“Wow ha!” napalakas na sambit ko bago ko siya kinurot nang bahagya sa tagiliran. Panay naman ang tingin sa amin ng babaeng sales lady na panay ang ngiti at parang kinikilig.
At nang tignan ko si Ken ay napasimangot pa `ko nang makita kong kinindatan niya ang babae. Although aware naman akong ginawa niya lang `yon para marahil sabihin sa babaeng, Ang cute namin, noh? But still, nainis pa rin ako.
Pagbalik namin sa kotse ay nanahimik ako at nagkunwaring abala sa cell phone ko. “Hey, are you okay?” narinig kong tanong ni Ken habang bumibyahe na ulit kami.
Tumango lang ako pero nakatitig pa rin sa monitor ng phone ko.
“Hindi ka okay, eh. Hindi ka naman tahimik kanina,” pagpapatuloy ni Ken na hindi ko pa rin nililingon. Inis pa rin ako sa ginawa niyang pagkindat d’on sa babae. “Uyy, kausapin mo naman ako.”
Dedma pa rin ang lola niyo. At nang malayo-layo na kami at hindi pa rin ako nagsasalita ay bigla na lang hininto ni Ken ang sasakyan sa isang tabi at pinatay ang makina ng sasakyan. Nang lingunin ko ang kinaroroonan namin ay nakita kong nasa bungad na kami ng Calatagan. Nasa harap na namin ang arkong may nakalagay na “Welcome to Calatagan.”
Nang lingunin ko naman si Ken ay nakita kong ni-recline niya ang upuan ng driver’s seat at tinakpan ang mukha ng dalawang kamay. Ano’ng drama ng isang `to?
“Hoy, ano’ng ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.
Hindi sumagot ang tinamaan ng magaling.
“Ken, ano ba?”
“Matutulog na lang muna ako. Ayaw mo naman akong kausapin, eh.”
Sa inis ay nahampas ko siya sa braso. “Ouch!” aniyang napabalikwas ng upo.
Humalukipkip ako’t itinoon ang mga mata sa papadilim ng langit. “Nakakainis ka kasi.”
Maang na napatingin siya sa `kin. “Ako, nakakainis? Ano bang ginawa ko para mainis ka?”
“Basta!” Ayoko ngang sabihin na nainis ako dahil kinindatan niya `yong sales lady sa 7-Eleven.
Muling humiga si Ken at nagtakip ng mata. “Okay. Gisingin mo na lang ako kapag kaya mo nang sabihin ang rason kung bakit ka naiinis sa akin.”
Nang tignan ko ang paligid ay padilim na nang padilim. Hindi naman pwedeng mag stay kami ng matagal dito. “Hoy, tara na.” Umungol lang siya pero hindi man lang kumilos. “Sasabihin ko na.”
Buhat sa sinabi ko ay muling umayos ng upo si Ken at humarap sa `kin. Mataman siyang nakatitig sa mga mata ko’t naghihintay sa sasabihin ko.
“Naiinis ako sa `yo kasi kinindatan mo `yong babae kanina,” sa wakas ay pag-amin ko.
Ngumisi lang ang tinaaan ng magaling at hinawakan ang isang kamay ko. “So you’re saying na nagseselos ka?”
Tinaasan ko siya ng kilay bago binawi ang kamay ko. “Selos? Tsura mo. Hindi, noh!” sabi ko sabay tingin ulit sa labas ng bintana. Pero hinawakan ni Ken ang mukha ko at muling hinarap sa kanya.
“Tell it to my eyes, Keira,” mahinang saad niya. “Sabihin mong hindi ka nagseselos.”
Hindi naman talaga. “I-I’m n-not j-jealous,” sabi kong nakatitig sa mga mata niya. Pero bakit nag i-stammer ako?
“Okay.” Binuhay nang muli ni Ken ang makina ng sasakyan at ilang saglit pa ay bumibyahe na ulit kami—nang walang imikan. Nang bahagya akong sumulyap kay Ken ay nakita kong seryoso ang mukha niya. At lungkot nga ba ang nababasa kong emosyon sa mga mata niya?
And I reminded myself na tama lang ang ginawa ko. Hindi ako dapat na magselos. At hindi naman talaga ako nagselos, nainis lang ako. Magkaiba `yon, giit ng isang bahagi ng isip ko.
Ilang saglit pa ay narating rin namin ang Burot beach.